Fairytale 44: (Third Wheel)

3K 66 0
                                    

Ara's POV

"Hey Vane. Gutom ka ba baby?" Tanong ko sa aso ko. Kanina pa kasi siya paikot ikot sa paanan ko.

*arf arf*

Binuhat ko siya at kinandong. Buti nalang pala at nandito itong si Vane. Pampatanggal boredom. Sila mommy kasi ang nasa office ngayon tapos ayoko namang tumungo sa Extinct's Company.

Ayokong makita si Ian. Kainis yun. Manliligaw daw pero nambwibwisit naman.

Yeah. Nanliligaw na siya sakin, Pinayagan---este napilitan lang ako.

Ano nga ba kasing nangyari?

**Flashback**

"Please. I beg for a second chance." Sabi sakin ni Ian.

Tumigil ang buong sistema ko.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Please Ara. Please." Napaluha ako. Umiiyak na siya. Ngayon ko lang siyang nakitang umiyak ng ganito.

"I-Ian... A-ano kasi..." Shit! Ano bang sasabihin ko?

"Don't answer me now. Liligawan nalang kita to prove you that I'm worthy of your second chance." Pagkasabi niyan ay humalik siya sa noo ko tapos ngumiti.

Inaya na niya akong umuwi kaya no choice ako dahil wala akong sasakyan. Tss.

**End Of Flashback**

At yun nga ang nangyari. Isang Linggo na siyang nanliligaw at nambwibwisit sakin. Akala ko pa nung una ayaw na sa kanya nila mommy pero I thought wrong. Gusto parin pala siya after what happened sa amin noon.

Wala naman ng issue sakin ang pagiging mafia reaper niya kasi alam ko na ang totoo.

Ang issue ko lang.

NAKAKAINIS SIYA KASI NAGPAPALINTA SIYA KAY AMBER!!!

Bwisit. Hindi niya ba malayuan yung babaeng yun? Nakakaasar.

"Alam mo Vane. Kung di ko lang mahal yung nagbigay sayo. Matagal ko na siyang binalian ng buto." Naiinis kong sabi kay Vane.

Nga pala. Si Ian pala ang nagregalo sakin ng aso. Inamin niya nung isang araw.

Tumahol tahol ulit si Vane kaya naman kinarga ko siya at lumabas na ng kwarto.

Tumungo kaming kusina at ibinaba ko muna si Vane para makapagprepare ako ng dogfood niya.

Habang nagpreprepare ako may biglang tumikhim sa likod ko.

At pagtingin ko, automatic na napairap ako. Kelan pa si Ian jan?

"Hi Baby!" Masaya niyang bati at lumapit sakin at akmang hahalik sa cheek ko pero tinulak ko na yung noo niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Dinadalaw ka. Di ka ba pupunta sa Extinct's ngayon?" Tanong niya sakin.

"Hindi." Sagot ko at tinalikuran ko siya sabay harap nalang sa counter at hinanda ko yung dogfood ni Vane.

"Vane come baby." Tinawag ko si Vane at lumapit naman siya sakin. Ipinatong ko siya sa counter at pinakain ng dogfood.

"Bakit hindi ka pupunta?" Pagtatanong nanaman nitong si Ian.

"Parang kelan lang ayaw mo akong papuntahin sa company niyo at pinipigilan mo pa ako sa pag-iinvest tapos ngayon gusto mo akong papuntahin dun? Anyare?" Tanong ko sa kanya.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon