Fairytale 33: (The Queen is Drunk)

3.3K 97 16
                                    

Ara's POV

"Let's have a double date then." Sabi ni Chris at hinigpitan pa ang pagkakaakbay sakin.

Nanlaki ang mata kong tumingin sa kanya at inalis ang pagkakaakbay niya.

"Date your face. I'll go with my friends. Pasulpot sulpot ka nanaman kasi." Naiirita kong sabi at akmang aalis nanaman nung hinigit niya ulit ako.

"ANO BA?!"

Pero imbis na sumagot. Nginitian niya lang ako bago bumaling kay Ian na ngayon ay ang sama ng tingin kay Chris.

Bakit? Nagseselos kaya siya?

Napangisi ako.

"On the second thought. Sige tara. Let's have a date." Sabay alis ko ulit ng kamay ni Chris na nakaakbay sakin tapos hinawakan ko iyon and entertwined it with mine. Yeah, Magkaholding hands kami ni Chris. Yae na. Gusto kong pagselosin si Ian kaya bahala siya jan.

"Wow. Ang aggressive." Naiiling na sabi ni Chris.

Nginitian ko lang siya kahit labag sa loob ko. Nginitian niya lang din ako pabalik.

"Ang cute niyo naman. Kayo ba?" Tanong ni Amber mula sa likuran namin kaya nilingon ko siya.

"Hindi pa. Pero malapit na." After saying that tinignan ko ang magiging reaction ni Ian pero nakacold face lang siya.

Nagkibit balikat nalang ako at binilisan ang paglalakad.

Napasubo ako. Patay talaga sakin ang magkapatid na Sha at Yen!

Napagpasyahan naming manuod ng sine. Nung kami pa ni Ian, We never watched movies. For me, it's just a waste of time and money. Why bother to watch fictional stories if I have my own and real lovestory? But that was before ofcourse. Ayoko parin ngayon pero gusto kong pagselosin si Ian. Bwisit kasi na talandi to.

Kami ni Amber ang pumila sa ticket station tapos sila Ian at Chris ang bumili ng snacks.

"Bagay kayo ni Chris." Nakangiting sabi ni Amber sakin nung makabili na kami ng ticket at hinihintay nalang namin ang dalawang unggoy.

I smiled in return. "Ang maganda, bagay sa gwapo." Napaismid naman siya at napairap sakin.

"Kaya pala bagay kami ni Ian." Sabi pa niya.

"Lakas! Di rin." Pang-aasar ko at sinamaan niya ako ng tingin.

Dumating na sila Chris at sabay sabay na kaming pumasok sa sinehan. Dun kami nakaupo sa bandang gitna sa taas. Nasa kaliwa ko si Amber at nasa kanan ko si Chris. Katabi ni Ian si Amber.

Hindi ako makapag focus sa movie dahil bukod sa ang corny ng pinapanuod namin ay mas marami ang sulyap ko kila Amber at Ian. Gash! Ganyan ba kalandi yang babaeng yan? Kung makapulupot kay Ian akala mo sawa. Ito namang si Ian hinahayaan lang.

"Matunaw sila niyan ah." Bulong sakin ng katabi ko kaya naman kinurot ko siya. Napatawa lang siya.

Tumingin nalang ulit ako sa screen habang kumakain ng popcorn.

"Ian ang lamig." Rinig kong sabi ni Amber kaya napasulyap nalang ulit ako sa kanila.

"Huh? Eh wala akong jacket eh." Sabi ni Ian.

"Yakapin mo nalang ako." Gusto kong masuka sa sinuggest ni linta. At para hindi ko na makita ang nakakadiring palabas nila. Nagfocus nalang ako sa panonood ng sine.

Matapos naming manuod ay nagtungo kami sa foodcourt para magmeryenda.

Ako na ang bumili ng pagkain dahil wala akong tiwala sa choices of food ni Chris.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon