Fairytale 11: (Prince Sonic and Lady Mystery)

3.4K 90 1
                                    

Kaira's POV

Ang busy busy ko na. Hindi ko na nabibigyan ng time si Andrex. Haaay. Kawawa naman yung boyfriend ko.

Ahh tama. Dalawin ko nalang siya ngayon. For sure naman nandun siya sa restaurant niya.

I changed my clothes and went straight to KA. Yan yung name ng restaurant ni Andrex. Initials naming dalawa. Ang sweet diba?

Bago ako makapunta sa restaurant ni Andrex ay napadaan muna ako sa isang cake shop.

Bibili ako ng cake.

Pagpasok ko sa shop ay may nakabangga akong babae.

"Ouch." Daing niya.

"Oh sorry." I apologized.

"No. It's okay." Ngumiti sakin yung babae so I smiled back. Ang ganda naman niya, Para siyang model.

"LA! Dali naman." Napatingin siya sa babaeng tumatawag sa kanya. Tinignan ko rin yung babae at nakakakita ako ng isang babeng maputi na porselana ata ang balat.

"Ang init ng ulo mo Amber. Ito na nga." Tumingin ulit sakin yung babae at ngumiti. Kaya ngumiti nalang ako ulit sa kanya.

Nang makaalis na yung babae ay tumungo na ako sa counter to buy cake. After buying ay lumabas na ako ng cake shop pero hindi ko inaasahan ang nakita ko paglabas ng shop.

Tinitigan ko ng mabuti yung dalawang lalaki sa di kalayuan.

Teka? Si Ian yung isa ah?

Lalong nanlaki ang mata ko nung maaninag ko yung isang lalaki.

I think I saw that guy somewhere.

Para kasi siyang familiar.

Hindi ko nalang pinansin yung nakita ko at nagtungo nalang sa kotse ko at umalis para pumunta kay Andrex.

On the way ako nung may humarang saking van.

Heck! Bigla akong kinabahan. Inihinto ko ang sasakyan ko.

Tinignan ko ang van sa harap ko at naghihintay na may lumabas dito. Pero wala.

Kinuha ko ang box na nakalagay sa ilalim ng upuan ng kotse ko.

Mukhang kakailanganin ko nanaman to.

I press the special button in my car para palitan ang Plate number ng car ko.

I opened the box I'm holding at nilabas ang maskarang matagal ko na ding hindi naisusuot.

Sinuot kong muli ang mask. Nilabas ko rin ang latigo and nagsuot ng black leather jacket.

Tinignan ko ang itsura ko sa rear view mirror at napangiti ako.

"And I'm back." I texted Andrex and told him na bubuksan ko ang GPS ng phone ko. Sundan niya nalang ito.

Iniwan ko ang phone ko sa kotse at lumabas na ako.

Pagkalabas ko ay may lumabas naman na limang lalaki.

Oh great. I think I need a warm up. Matagal tagal na rin since last na nakipagaway ako.

"Hey! Are you a leader of a Gang." Tanong sakin nung lalaking may pinakamalaking katawan.

"No. But I'm a former member of Gang Ass." I smirked upon seeing their reactions.

Mukhang myembro ng Gang tong mga to.

"Nanakawan ka lang sana namin dahil mukhang mamahalin yang kotse mo pero chix ka pa pala. Magsasaya muna kami sayo." Nandiri naman ako sa narinig ko sa mga to.

Like seriously?

"Get me." Hamon ko at ipinaikot ang latigo ko sa ere.

"Have you ever heard about Lady Msytery?" Mukhang nagulat sila sa tanong ko.

"And yes. Ako yun." Tumakbo ako palapit sa lalaking kumausap sakin at ipinulupot ko ang Latigo sa leeg niya tsaka ko hinila kaya nasasakal na siya.

Naramdaman kong may aatake sakin mula sa likod kaya naman full force kong hinila ang lalaking nakapulupot sa latigo ko at siya na mismo ang pinangsangga ko sa lalaking susugod sakin.

2 monkeys down.

"Sino next?" Lumapit sakin ang isa pang lalaki para sana hulihin ako kaso naunahan ko na siya at sinipa ko siya sa sikmura bago ko kinuha ang kamay niya at pinilipit.

"Aray!!" Daing niya kaya naman binitawan ko ang kamay niya at hinayaan siyang humandusay sa lupa.

"Bakit ba ang tagal ni Andrex?" Naiinis kong tanong.

Nakabangon nanaman yung limang kingkong kaya hinigpitan ko ang kapit sa latigo ko.

This time yung paa naman ng lakaking kumausap sakin kanina ang pinuluputan ko bago ko hilain kaya napabagsak ulit siya at naidamay ang kasamahan niya.

"Lapit mga kingkongs." Hamon ko. Pagod na ako pero hayaan mo na. Kailangan kong matapos to ng makaalis na ako.

Puro sipa. Tadyak at tuhod lang ang ginagawa ko.

"Kaasar. Di ba kayo napapagod?" Tumayo nanaman kasi silang lima.

"Hindi kayo susuko?" Naiinis kong sabi.

"Ikaw ang sumuko. Mukhang pagod ka na." Nakangising sabi ni Kingkong 1.

No Choice.

Bumalik ako sa kotse ko at kinuha ang baril ko.

"Tatapusin ko nalang kayo." Kinasa ko ang baril ko at itinutok sa kanila.

Pero bago ko pa mapull ang trigger ay nasaksak na sila isa isa sa tagiliran ni Andrex na ngayo'y nakaprince Sonic outfit.

Natumba na sa lupa yung mga unggoy.

"Ang tagal mo ha." Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Matagal pa ba yun? Halos paliparin ko na yung kotse ko para lang mapuntahan ka. Good thing lagi akong handa." Lumapit na siya sakin at hinapit ako sa bewang.

"Nag-alala ako sayo." Sabi niya at inalis ang maskara niya. I took mine off and hinalikan niya ako sa noo.

"So were back?" I asked.

"I think so." Natatawa niyang sabi.

"Tara na sa restaurant niyo. Nagutom ako eh." I said.

Sumakay na kami sa cars namin at iniwan ang mga nakahandusay na lalaki. Pero syempre kumontak muna kami sa pulis para makuha yung mga yun.

--------------------------------

Author: Ang hirap isingit yung moment ng mga minor characters dito. Mas iikot kasi yung story sa Ian-Ara-Chris moment eh. Unlike sa book 1 na halos may moment lahat. So habang wala pa sa kalahati. Mas maraming moments muna sa minor roles. Pero don't worry, Ara and Ian will always be on first priority. Haha

Vote and Comment.

~PSHexo27♥

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon