Fairytale 12: (I want you back)

3.5K 91 1
                                    

Ayen's POV

Until now, iniisip ko parin yung mga napag-usapan namin ni Sha.

Yung rason ni Onyx kung bakit niya ako iniwan noon.

Nasasaktan ako noon dahil iniwan niya ako pero hindi ko naisip na mas nasasaktan pa pala siya para saming dalawa. Nabuntong hininga ako at kinain ang Ice cream ko.

Naglalakad ako dito ngayon sa mall mag-isa. Gusto kong mag-unwind muna. Ang daming informations na nalalaman ko at nagbibigay lahat to ng stress sakin.

Habang naglalakad ako ay naramdaman kong parang may sumusunod sakin.

Tumingin ako sa paligid at parang wala namang mali.

I continued eating my ice cream pero may sumusunod talaga. So naglakad ako ng pazigzag.

Sumabay din ako sa maraming tao para iligaw yung sumusunod sakin.

Nung maramdaman kong wala ng sumusunod ay napangiti ako.

I continued walking and wait straight to Starbucks.

Inubos ko muna yung Ice cream ko.

Pagpasok ko sa starbucks ay sinabi ko na ang frappe na gusto kong inumin at tsaka naghanap ng upuan.

"Ayen." I froze a little nung marinig ko ang boses niya.

Napatingin ako sa likod ko at doon ko siya nakitang nakatayo.

"O-onyx."

"Can we talk?" Ang awkward. Hindi niya siguro alam kung ngingiti ba siya sakin o hindi.

Siguro nga kailangan ko na siyang kausapin.

Kailangan kong ayusin ang gusot namin na to.

Tutal nakapagdesisyon na rin ako. Para samin to ni Nicollo. And yes, I care about him.

"Sit." Utos ko sa kanya at para namang umaliwalas ang mukha niya.

Lumipat siya sa harap ko bago umupo.

"Ikaw ba yung sumusunod sakin?" Tanong ko at napaiwas siya ng tingin.

Mukhang siya nga.

"So anong sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ayen. I'm sorry." Expected ko na yan ang sasabihin niya.

"Okay forgiven." Agad kong sagot na parang wala lang sakin.

"I love you." I didn't expect that.

As usual natigilan ako.

"I'm in a relationship with Nicollo then you're confessing?" I asked. I tried to maintain my composure.

"Ayen." May pain sa mga mata niya.

Gash Onyx. You still have that freaking effect on me.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya.

"I want you back." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Okay? Panu ako magrereact? And please! Bakit ako nangingiti?? Heck!

Onyx's POV

"I want you back." Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob at napaamin ako sa kanya.

Nakita ko namang nangingiti siya pero halatang pinipigil niya.

She still have that effect on me.

Ghad. Why am I so inlove with this girl?

"Errmm.." Hindi siya makapagsalita. I took that chance para mag-explain. Oo alam kong alam na niya lahat dahil dinaldal na siya ni Ayesha. Kaya yung other side of the story, Ipapaalam ko na.

"Hindi na kami engaged ni Ayesha. Hindi ko alam kung panu pero napigil na niya. Aaminin kong sobrang saya ko. Kaya naisip ko, Sa wakas. Pwede na kitang mabawi. After 4 years of pain. Finally, I can get you back again." Nagulat ako nung bigla niya akong sinampal. I guess I deserve that slap.

"You think it's easy huh?"

"Ayen."

"Pwes Onyx para sabihin ko sayo. Ang gago mo! Hindi ko alam kung dapat ba kitang pagbigyan jan sa hinihiling mo. Oo na! Sige na! Mahal parin kita! Walang nagbago. Pero tingin mo sapat na yun para ibalik sa dati ang lahat? Hindi! Apat na taon ang sinayang mo!" Oo nga naman. Tama nga naman siya.

"Then I think I have to earn your trust back." Nakangiti kong sabi.

"Talaga bang sabog ka? May boyfriend na ako." Sh*t. Oo nga pala. I forgot about Nicollo. Teka? Gusto ba talaga niya ang lalaking yun?

"M-mahal mo ba talaga yun?" Pero sabi niya kanina mahal niya pa ako? Bakit?? Bakit ayaw niya akong pagbigyan?

"Hindi ko akalain na sa nakalipas na ilang tao, Mas lumala ang kabobohan mo." Naiinis na sabi niya. Aray naman! Makabobo naman siya!

Nagulat ako nung bigla siyang tumayo at tumakbo palayo sakin.

Teka?? Saan siya pupunta?

Nicollo's POV

I saw it. I heard everything.

Hindi naman sinasadya na nandito ako sa Starbucks kung saan nakita kong nag-usap sila Ayen at Onyx.

Tama nga ang hinala ko. May alam na si Ayen.

Napabuntong hininga ako.

Talaga bang hindi ako kayang pagbigyan ng pagkakataon?

Talaga bang hindi si Ayen ang para sakin?

Talaga bang hindi kami pwede?

Pagkakataon na mismo ang naglalapit sa kanila. Kita ko kung paano sumaya si Ayen nung marinig niya na mahal pa siya ni Onyx. Though, pinipigil niya.

"I told you." Napatingin ako sa babaeng nagsalita.

"Ayesha?" Bakit ba bigla bigla nalang lumilitaw ang isang to?

"Diba? Nakita mo naman? Si Onyx, Kahit pa grabe ang sakit na ipinaramdam niya kay Ayen, Napangiti parin niya si Ayen sa simpleng I love you niya lang. Ipagpipilitan mo parin ba yang gusto mo?" That caught me.

Wala naman akong laban kay Onyx.

Kung tutuusin, Pag nagmakaawa ako kay Ayen na huwag niya akong iwan, For sure ako ang pipiliin nun. Pero dahil sa awa lang.

"Tama ka." I said. Kita kong napangiti si Ayesha.

Natapos na niya yung part niya.

Ako naman siguro ngayon.

If I really love Ayen, Hindi ko siya pipilitin na mapasakin.

"I'll give her happiness."

Lalong napangiti si Ayesha sa narinig.

--------------------------------

Author: So ganito po. Next chapter will be AyeNyx parin (Ayen and Onyx). Tatapusin ko na ang paghihirap nila. Ang pagtitiis. Hehe. Pero that does not mean na matatapos na ang part nila. Kasali parin sila though hindi na sila masyadong mabibigyan ng moments kasi nga tatapusin ko na ang Cliche story nila. So yun ^___^

~PSH

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon