Fairytale 43: (Second Chance)

3K 69 2
                                    

Ara's POV

Konti nalang makakamit na namin ang tagumpay. Sabi sakin nung lalaki, nalalapit na raw ang Great battle between mafias and Gangsters.

Lalo tuloy akong nagiging interesado sa pagkatao ng lalaking yun.

Bakit ang dami niyang alam? Para bang matagal na panahon na siyang nagmamatyag.

I was back to my senses when my phone rang.

Kumunot ang noo ko nung makitang pangalan ni Chr--Dale ang nakaregister.

"Hello." Bati ko kay Chr--Dale pala.

(Free ka ba today?) Tanong niya sakin.

"Yeah. Why?" I asked.

(Good. Mamayang 3:PM. Susunduin kita.) Magtatanong palang sana ako kung bakit pero binabaan niya na ako ng call.

Anong problema nun?

Bumalik ako sa pagbabasa ng libro.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa habang nagbabasa.

**

"Anak gising." Nagising ako nung maramdaman kong may tumatapik sakin.

"Hmm.." Ungot ko at dinilat ang mga mata ko.

Nakita ko sila mommy at daddy na nakangiting nakatingin sakin.

"Nakauwi na po pala kayo? Bakit hindi kayo nagsabi para nasundo ko kayo sa airport." Sabi ko bago ako humalik sa pisngi nila.

"Haha. Ayos lang naman kahit di mo na kami nasundo. Nga pala naghihintay sa labas si Chris." Sabi ni dad bago sila umakyat sa kwarto nila ni mom.

Ako naman napatingin sa wrist watch ko. quarter to 3 na. Agad akong umakyat sa kwarto ko at naghanda.

Nung ayos na ay bumaba na ako at nilabas si Dale. Nakita ko naman siyang prenteng nakasandal sa pintuan ng kotse niya at nakapamulsa pa.

Ang gwapo ng bestfriend ko.

Oha? Tinawag ko na ulit siyang bestfriend. Ayos na ulit kami.

"Yow!" Bati ko sa kanya pagkalabas ko ng gate. Tumingin naman siya sakin at ngumiti.

"Hey pot." Bati niya. Napasimangot ako.

Pot parin? Dalaga na ako. Tss.

"Nakain mo?" Tanong ko sa kanya pero nagshrugged lang siya.

Isa sa pinagpapasalamat ko ay ang pagcleclear namin ni Dale ng lahat lahat. Ngayon hindi na ako masyadong naiinis sa kanya though nakakapikon parin pag minsan.

Pero ayos lang, siguro namiss ako nito dahil 10 years kaming di nagkita.

Ang saya lang sa feeling ng ganito.

"Pot. Gusto mo ng ice cream." Napangiti ako sa kanya. Simula nung maliliit pa kami, Ice cream ang lagi niyang inaalok na ilibre sakin.

Ngumiti ako sa kanya. Tumungo kami sa isang ice cream house.

"Yun parin ba?" Tanong niya sakin nung oorder na siya. Tumango naman ako sa kanya.

Tumungo na siya sa counter para umorder. Naglalaro lang ako ng piano tiles sa phone ko habang hinihintay ko si Dale.

Hindi naman nagtagal ay nanjan na siya. Dalawang large double dutch ang binili niya. Favorite talaga namin to.

Nakakatuwa lang na parang inuulit namin yung mga panahong bata pa kami.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon