Fairytale 21: (Lost)

3.4K 75 0
                                    

Kaira's POV

Hindi ko pinapansin si Andrex. Pasimple niya akong lalapitan pero lalayo ako. Ano ako? Hilo? Kahit ano pang pilit niya na mag-explain siya. Hindi parin maaalis yung fact na ENGAGED na siya!! At hindi sakin. Naku!! Nakakapang himutok lang sa galit. Nakakainis lang talaga!!

Four years. Four freaking years.

Ghad. I hate the fact na hindi pala siya akin. Na yung taong akala ko pag-aari ko, Hindi pala. I never thought this to happen. This was un exepected. I thought we're fine. I thought everything's okay. I guess, It all ends here.

*Buzz*

Nacut ako sa pag-iisip nung maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko.

Napakunot ang noo ko nung makitang unknown number ang tumatawag.

"Hello." Sagot ko sa tawag.

(Hi cuz. LA here.) Nilagay ko ang kaliwang palad ko sa labi ko para tigilan ang tili ko.

"LUCAS ANDREW??? SERIOUSLY??" Tuwang tuwa kong sabi at narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya.

Oh My Gosh.

Ara's POV

Napakunot ang noo ko nung makarinig ako ng sigaw mula sa kusina.

Nakita ko naman doon si Kaira na mukhang may kausap sa phone. Grabe pa ang ngiti.

"Awww. I miss you too Lucas.... Really?? Nandito ka na?? .... Are you staying?? For good?? Waaaaah!!! I'm so damn happy....... Ahmmm. Nasa Tagaytay kasi ako eh.... Sa Wednesday pa ang balik ko..... See you soon LA. Bye!" Napakunot naman ang noo ko sa narinig ko. Who the eff is Lucas??

"LA, huh?" I asked grinning. Nakasandal ako sa wall ng kitchen at nanlaki naman ang mata ni Kaira nung makita niya ako.

"Narinig mo?" Gulat na tanong niya. Naglakad lang ako palapit sa kanya ng nakacross arms.

"Yeah. Sino yung Lucas?" Tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga siya bago tumingin sakin.

"Pinsan ko." Sagot niya. Tumango tango naman ako sa kanya.

Kukuha sana ako ng tubig sa ref nung bigla niyang hinila yung braso ko kaya tinignan ko siya ng nakataas ang kilay. Seryoso lang siya nakatingin sakin. Kita pa ang pamumugto ng mga mata niya dahil sa pagdadrama niya kanina.

"What?" Tanong ko.

"Tell me the truth, Ara. Bestfriend mo ako kaya huwag kang magsisinungaling sakin." Sabi niya. Naghintay naman ako ng susunod niyang sasabihin.

"Do you still love Ian?" Tanong niya.

Shantal's POV

Naglilibot libot kami ngayon dito sa Tagaytay. Aliw na aliw nga ako eh. Kahit pa kabisado ko na ang mga lugar dito, Iba parin ngayon dahil ang tagal kong nawala, At syempre. Si Clyde ang kasama ko.

Napag-usapan namin na sasakay kami sa kabayo.

"Pili ka na." Sabi sakin ni Clyde. Pinapapili niya kasi ako ng kabayo na sasakyan namin ngayon.

"Uhmmmm.. Yung puti. Para mukhang inosente." Natutuwa kong sabi. I love light colors. Just like my light personality.

"Ang hilig mo talaga sa light colors no?" Tanong niya sakin.

"Oo naman. Kasi ganyan ang gusto ko eh. Light colors and light personality." Sabi ko sa kanya habang hinahawakan yung kabayo.

"So ayaw mo sa mga taong may maduduming background?" Tanong niya sakin.

"Yep. Ayoko sa kanila, Gusto ko yung parang sayo lang. Light lang." Sagot ko. Napansin ko naman na napayuko siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Y-yeah. Tara sakay." At sumakay na nga kami sa kabayo.

Nag-ikot ikot lang kami sa buong park nung biglang lumitaw sila Ara. Mga nakasakay din sa kabayo. Share sila Ayen at Onyx, Jero and Ryca. At syempre, nagsosolo sila Ara, Ian, Andrex and Kaira.

Nagkayayaan pang magkarera at halos mahimatay ako sa bilis magpatakbo ni Clyde.

Aba naman tong lalaking to. Papatayin ba ako?

"Ingat naman Clyde!!" Sigaw ko pero tinawanan lang ako ng gago.

Third person's POV

Habang nagkakarera sila, Si Ian ay sinisiguradong nasa likuran lang siya ni Ara. Sa totoo lang ay ayaw niya talagang makisali sa Horse Racing na pinauso ni Onyx. Pero dahil alam niyang sa ugali ni Ara na napaka competitive ay papayag ito kaya naman sumali na rin siya. Ewan niya ba sa sarili niya pero gusto niyang bantayan si Ara sa race. Kahit alam niyang kayang kaya naman nito ang sarili niya.

Nagulat siya nung lumihis ng landas si Ara kaya sinundan niya ito. Pinantayan niya ito.

"Bakit ka lumihis?" Tanong ni Ian.

"I wanna win. I'm finding a shortcut." Sagot ni Ara sa kanya ng hindi man lang siya tinitignan.

"Shortcut? Do you even know the way?"

"Nah." Sagot ni Ara. Napakunot ang noo ni Ian.

"Eh panu pag naligaw ka?" Tanong ni Ian kay Ara.

"Nakapunta na ako dito before. At alam kong may pathway dito na mas mabilis." Sabi ni Ara at pinalo ang kabayo kaya mabilis itong tumakbo. Hinabol naman siya ni Ian.

"Don't take this seriously, Ara." Wika ni Ian.

"Shut up. Bakit ka ba sumunod?" Naiinis na sabi ni Ara. Sa totoo lang ay kanina pa siyang naiirita kay Ian dahil sa pagsunod nito dito.

"Concern lang sayo." Sabi ni Ian.

"Shut up." At binilisan nanaman ni Ara ang patakbo. As usual ay binilisan ni Ian.

Napatigil sa pagpapatakbo ng kabayo si Ara nung marealize niya na nawawala na siya.

Napatigil rin si Ian.

"Ano? Nawawala na tayo no? We're lost." Sabi ni Ian.

"Whatever." Naiinis na sabi ni Ara. Hindi niya matanggap na nakalimutan niya ang daan at lalong naiinis siya dahil alam niyang hindi na siya mananalo sa race.

Bumaba siya sa kabayo niya.

Si Ian ay bumaba rin. Naglakad lakad si Ara habang akay akay ang kabayo.

Hindi na siya pamilyar sa lugar.

'Kainis. Bakit ba kasi ako naghanap pa ng shortcut?'

Inis na bulong niya sa sarili niya.

Sa totoo lang ay kaya siya lumihis at naghanap ng shortcut ay naiilang siya sa pagsunod sunod ni Ian sa kanya. Aware siya sa nakadikit lang sa kanya si Ian.

Lalo na ngayon na parehas na silang naliligaw.

"Bakit mo ba kasi ako sinundan?" Tumigil si Ara sa paglalakad at tinanong yan kay Ian.

"Nagtaka lang kasi ako kung bakit ka lumihis." Sagot naman ni Ian. Lalong nairita si Ara.

'Huwag niyong sabihin na matagal ko siyang makakasama dahil parehas na kaming naliligaw.?'

Bulong ni Ara sa sarili.

------------------------------------

Author: Oh em. Oh em. Hahaha. Ano kayang mangyayari sa kanila? They're lost. xDD.

Picture: Ara on her Blinder Princess outfit with no mask. Hahahaha. Ganda diba??

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon