Fairytale 20: (Parameters)

3.3K 71 1
                                    

Andrex's POV

Ang kitid ng utak ni Kaira. Bakit ba hindi niya maintindihan na hindi ko siya niloko? Bakit ba hindi niya maintindihan na nagsakripisyo ako? Hindi ko tinanggap ang offer ni Dad sakin na pakasalan yung Sikat na model na yun na anak ng business partner niya at bilang kapalit ay mapapasakin ang company right after college.

Apat na taon. Apat na taon kong nilihim pero sigurado na ako na hahayaan nalang ako ni Dad. Na hindi niya ako kukulitin. Pero nag-iba lahat nung umuwi si Lyssa dito sa Philippines.

**Flashback**

Kakapasok ko lang sa bahay galing sa restaurant nung maabutan ko si Dad na may kasamang isang lalaki at isang babae na kaedad niya. Napatingin sakin si Dad.

"Oh. Andrex iho. Nanjan ka na pala." Nakangiting sabi ni Dad. Gulong gulo man ako ay tumango lang ako sa kanya.

Umakyat na ako sa taas at nagtungo sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Pagkababa ko ay lalo nanaman akong nagulat nang makita ko sila Dad na kasama parin yung lalaki at babae kanina pero ngayon ay nandun na si Mom at isa pang babae na kaedad ko.

Bumaba ako at lumapit sa kanila at I froze a little nung makitang si Lyssa pala yung babae.

"Hi Andrex. Nice to meet you in person." Nakangiti niyang sabi. Hindi ako makapagsalita. I was finding the right words to welcome her pero walang lumalabas. Bakit nandito siya?

"Andrex iho. Hindi mo man lang ba babatiin si Amanda?" Tanong ni mommy sakin.

Nilapitan ko na si Lyssa para makipagshake hands pero nagulat ako nung bigla siyang tumayo at hinalikan ako sa cheeks.

"Oooh.. You'll make a very cute couple, I'm hearing wedding bells." Sabi ng mommy ni LA.

"Ikaw pala ang magiging fiance ko. Ang swerte ko naman pala." Nakangiting wika ni LA.

"I'm sorry to dissapoint you pero sa pagkakaalala ko ay hindi ako pumayag sa engagement. At to tell you honestly, I have a girlfriend and I'm madly deeply inlove with her." Sabi ko at mukha namang naguluhan si LA. Si Dad ay sumama ang mukha. Mukhang hindi niya nagustuhan ang inasal ko.

"Andrex iho, But..." Hindi ko na pinatapos magsalita ang papa ni Lyssa.

"I'm sorry po pero ayoko pong makasal sa anak niyo. Sorry to sound rude pero hindi ko siya kilala at hindi ko siya mahal. Kaya don't expect na papayag ako sa engagement na yan. Uulitin ko, May girlfriend ako at si Kaira Lim Park yun." Mahaba kong paliwanag at akmang tatalikod na nung magsalita si Dad kaya napatigil ako.

"Papayag ka sa ayaw at sa gusto mo, Andrex." Hinarap ko si Dad.

"Diba may deal po tayo? Hindi ko mamanahin ang company at magtatayo ng sariling business kapalit ng hindi niyo pagpilit sakin sa engagement na yan. Kaya pabayaan niyo ako." Matigas kong sabi. Nakakainis lang na finifixed marriage ka ng parents mo. Para ka nilang binebenta.

"Alam ko Andrex. Pero nagbago na ang isip ko. Magpapakasal kay kay Amanda. And that's final. Or kung hindi, Pababagsakin ko ang restaurant mo. At itatakwil kita." Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. I closed my fist at tumingin ng masama kay Dad.

"Go on. Do whatever you want. Basta hindi ko hahayaang imanipulate mo ang buhay ko. And besides, I'm not a real Jimenez right? Ampon niyo lang ako." Matigas kong sabi. Nakita ko na naka cross arms si LA sa likod ni Mommy at nakangiti sakin na para bang tuwang tuwa siya sa nangyayari.

"Andrex. Huwag matigas ang ulo mo." Rinig ko pang sabi ni Dad pero nagtuloy tuloy lang ako pag-akyat.

Totoo naman eh. Hindi Andrex Jimenez ang tunay kong pagkatao. I'm Andrex Monteverde at ako lang ang natira sa pamilya namin dahil pinatay ng pesteng Mafia Famiglia na yan ang buong pamilya ko.

** end of flashback**

At ayun nga ang buong nangyari. Hinihintay ko pa na ifreeze ni dad ang bank accounts ko pero wala naman. Akala ko ba itatakwil niya ako?

"KAIRA!! HUWAG KA MUNANG UMALIS PLEASE!!!" Napatayo ako mula sa pagkaka-upo nung makita kong pababa si Kaira ng hagdan at dala niya ang maleta niya. Hinahabol naman siya ni Shantal.

Teka? Huwag niyang sabihing aalis siya?

Nilapitan ko siya at inagaw ang maleta.

"Where do you think you're going?" Tanong ko sa kanya.

"Uuwi na ako. I can't take staying under one roof with you. Doon ka na sa Lyssa mo!!" At inagaw niya nanaman sakin yung maleta.

"Kaira naman. Stay, Tapusin mo na yung three days stay natin dito. Kahit para sakin lang. Kaira please." Pakiusap ni Shantal kay Kaira.

Napabuntong hininga si Kaira bago tumingin kay Shantal.

"Fine." Napangiti ako nung sabihin yan ni Kaira.

"Pero ayokong dumidikit ka sakin Andrex. Ayokong kinakausap mo ako." Nawala naman ang ngiti sa mukha ko nung sabihin niya yan. Huh??

"What?!" Reklamo ko.

"I'm serious." Mukha nga siyang seryoso. Pero tangna naman. Hindi ko naman kaya yun.

"No talking unless emergency. That's my parameters." Sabi ni Kaira.

"Edi parang hindi mo na ako boyfriend nun?" Naiinis kong tanong. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Hindi naman na talaga kita boyfriend diba? Nakipagbreak na ako kanina. I'm dead serious about it." Napanganga lang ako sa naging pahayag niya.

Seryoso siya dun?? Wala na kami?? Ganun nalang yun?? Porket narinig niya lang na engaged ako, hihiwalayan na niya ako without me, explaining?? What the hell??

And before I knew it. Naglalakad na siya paakyat para siguro ibalik yung mga gamit niya.

Umupo naman ako sa sofa tsaka ginulo yung buhok ko at hinilamos ko yung kamay ko sa mukha ko. Naiiyak nanaman ako, Fvck!

"Bro. Palamigin mo muna ulo niya." Tinap ako sa balikat ni Onyx. Samantalang si Jero hinahagod yung likod ko. Unti unti ay humihikbi na ako.

Naramdaman ko nalang ang pagyakap sakin nila Ayen, Shantal at Ryca. Comforting me. Pero walang epekto.

Di nga?? Nakipagbreak na talaga siya?? Wala na talaga kami??

Letse!!

------------------------------------

Author: Aaawwwwtttsuuuu :(

Picture: Andrex Jimenez. Ang cute ng smile ^^

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon