Fairytale 13: (AyeNyx<3)

3.2K 86 1
                                    

Onyx's POV

Nung tumakbo si Ayen paalis napaisip ako. Hahayaan ko nalang ba siya ulit?

Ayoko na siyang mawala ulit. Tama na yung apat na taon.

Kaya naman tumakbo rin ako palabas ng starbucks at hinabol siya. Nakita ko namang palabas siya ng mall kaya sinundan ko siya.

Sa parking lot ang pupuntahan niya kaya binilisan ko pa ang pagtakbo at pagsunod sa kanya.

Nung mahabol ko na siya ay hinila ko siya sa braso at pinaharap sakin.

"ANO BA? LET ME GO!" Sigaw niya sakin.

"No! I will never ever let you go. Never again." Matigas kong sabi. Nagulat siya sa sinabi ko.

"What the? You're making this hard for me Onyx." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Pinapahirapan ko siya? Sa paanong paraan naman?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"S-si Nicollo, Ayoko na siyang saktan. Siya yung nasa tabi ko nung mga panahong kailangan ko ng lakas. Alam mo ba kanina? Muntik na akong pumayag na bumalik sayo. Kasu bigla kong naalala si Nicollo, Diba ang unfair naman kung iiwan ko lang siya sa ere? Ang sakit sa part niya yun. Please Onyx, Iparamdam mo nalang ulit sakin na wala ka ng paki." Parang may kumirot naman sa puso ko nung marinig ko ang sinabi niya.

Mahal niya ako pero naaawa siya kay Nicollo? Is she choosing Nicollo over me?

"Ayen, can't you give me a chance?" Naiiyak kong tanong sa kanya.

"I wanted to Onyx. Pero... Pero kasi si Nicollo." Si Nicollo. Mas inaalala niya si Nicollo.

"Don't take me seriously, Ayen." Parehas kaming napatingin ni Ayen sa nagsalita. And we found Nicollo and Ayesha looking at us?

Okay? What's with the set-up?

Biglang lumapit si Nicollo kay Ayen at niyakap siya.

Maglalakad na sana ako para paglayuin yung dalawa pero nahawakan na ni Ayesha ang braso ko.

"N-nicollo." Sabi ni Ayen.

"Thanks for giving us a shot, Ayen. Pero I think walang kwenta. You know how much I love you and you know na kaligayahan mo lang ang gusto ko. So Ayen, I'm giving you back to Onyx. Please, huwag mo na akong isipin." Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa mga sinasabi ni Nicollo. Pero aaminin ko. Natutuwa ako.

Nakita kong umiiyak na si Ayen kaya pinunasan ni Nicollo ang luha sa mga mata niya.

"Sige na." Rinig ko pang sabi ni Nicollo.

"I'm... I'm sorry Nicollo. I'm sorry." Lumuluhang sabi ni Ayen.

Naramdaman kong binitawan na ni Ayesha ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Nakangiti lang siya sakin.

Ngumiti lang din ako pabalik at nilapitan ang babaeng mahal ko.

I grab her from Nicollo and for the first time after 4 years. Nayakap ko na ulit siya.

"I Missed you." Naluluha na ako.

Naramdaman ko namang yumakap siya pabalik sakin.

"I missed you." Sabi niya rin.

"Hoy Nicollo Ryu! Huwag mo na silang panoorin! Tara na!" Rinig kong sabi ni Ayesha kay Nicollo. Hindi ko na sila tinignan. Dinamdam ko lang ang moment na kayakap ko si Ayen.

Ayen's POV

"Kuya. Pwedeng makuha number mo?" Napakunot ang noo ko nung may isang babaeng lumapit kay Onyx at kinukuha ang number niya.

Nandito kasi kami ngayon sa paborito naming park. 1 week since nagkabalikan kami.

Umalis lang ako saglit para umihi at pagbalik ko, Ayan. May nanlalandi na kay Onyx.

Talaga bang hindi nababawasan ang appeal niya?

"Sorry Miss. Pero may girlfriend na ako at ayaw kong binibigay ang number ko sa kahit na kanino." Napangiti ako nung sabihin yun ni Onyx.

Umalis namang dismayado yung babae kaya lumapit na ako kay Onyx.

"Saw that." Nakasmirk kong sabi sa kanya.

"Jan ka na pala wifey." I smiled. I just missed hearing him calling me that.

Inakbayan niya ako at hinalikan sa ulo ko.

"Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Huwag kang magdududa." Sabi niya sakin.

Hinarap ko siya.

At dahil mas matangkad siya sakin. I tiptoed and kiss him on the lips.

"Mahal kita. Tandaan mo yan." Sagot ko sa kanya.

Bigla niya naman akong niyakap kaya napangiti ako lalo.

This guy. He never fails to make me smile. I love every single details about him.

"Alam mo na ba?" Tinignan ko siya ng nagtataka nung tanungin niya ako.

"Ang alin?" I asked.

"Si Ayesha at Nicollo, Lagi atang nagkikita." Napangiti ako.

Oo nga pala. Okay na kami ni Ate. Yes, Ate ang tawag ko sa kanya kasi pinilit niya. Nakakatuwa nga at balik na kami sa dati.

About Nicollo, Well. Nakakaguilty parin pero lagi niyang sinasabi na okay lang.

Pero I guess, Okay na okay na talaga siya.

"Nay chemistry sila." Nakangiti kong sabi kay Onyx.

Ang saya saya ko na. Wala na akong problema. I'm satisfied now.

Pero a realization hit me.

VMafia still exist...

Hindi pa dapat kami pakampante.

--------------------------------

Author: Happy Ever After na sila! Haha.

Vote. Comment.

~HeePark

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon