Fairytale 48: (This is ♥)

3.1K 60 3
                                    

Ian's POV

At dahil napakiusapan ko si Tita Monica na dalhin si Ara sa Paris, pinahiram niya rin sakin yung isang private plane nila. At dito kami nakasakay ngayon. Magkatabi kami ni Ara at siya ang nasa may tabi ng bintana. Nakikinig lang siya sa headset niya habang nakapikit at nakasandal.

Ang cute niyang tignan.

At dahil malakas ang pakiramdam ng isang to. Agad siyang dumilat at tumingin sakin.

"Huwag mo nga akong titigan." Naiinis na sabi niya. Napangiti lang ako.

"Oh? Bakit ka nakangiti?" Tanong niya sakin.

"Wala. Natutuwa lang ako na kasama kita ngayon." Sabi ko sa kanya. Umismid lang siya tapos pumikit ulit.

Nagtatampo parin ang babaeng to.

Pumikit nalang din ako tapos sumandal sa upuan. Mejo malayo layo pa ang byahe kaya itutulog ko nalang muna to.

**

"Ian gising na. Nakalanding na tayo." Napamulat ako nung gisingin ako ni Ara.

"Alam kong maganda ako kaya huwag mo akong masyadong titigan. Bumaba na tayo." Yaya niya sakin tsaka niya kinuha yung mga gamit niya. Napatawa lang ako.

Bumaba na kami ng private plane.

Tumungo kami sa arrival area at nakita ko doon si Ambroj na nag-aantay samin. Si Ambroj ang tauhan nila tita Monica na maggaguide samin dito sa Paris.

Lumapit kami kay Ambroj. Pure American but can understand and speak tagalog.

"Ambroj? Why are you here?" Salubong na tanong ni Ara sa tauhan nila.

"Maam Shin send me here to be your guide Lady Vanessa." Sagot naman ni Ambroj kay Ara.

"Oh. Go get our things. Where's our vehicle?" Ara asked while looking around.

"There miss Vanessa." Tinuro naman ni Ambroj ang isang puting limmousine.

"That is not one of our cars, Who owns that?"

"That is mine Ara." I winked at Ara. Alam kong nagulat siya pero hindi niya pinahalata.

Sumakay na kami sa limmo habang hinihintay namin si Ambroj na mailagay lahat ng gamit namin sa car.

Habang nasa sasakyan kami. Tahimik lang si Ara. Nagtitingin tingin lang siya sa labas ng bintana.

"So ilang araw mo ako balak itanan dito?" Tanong niya sakin. I almost choked.

"Mga term mo. Tatlong araw lang tayo dito. Marami tayong aasikasuhin sa Pinas diba?" Sabi ko sa kanya. Napasigh siya.

"Kamusta yung paghahanap sa Tape?" Tanong niya sakin.

"Ewan pa. Hindi pa ulit ako inupdate ng mga tauhan ko."

"Itetext ko nalang si Dale." Akmang ilalabas niya ang phone niya pero pinigilan ko siya.

"No. Kaya tayo nandito para mag-unwind. Kalimutan muna natin lahat." Sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya.

Nung makarating na kami sa hotel ay agad kaming nagcheck in. Magkahiwalay kami ng kwarto ni Ara.

Matapos kong magpalit ay tinawagan ko si Ambroj.

(Yes sir?) Pagsagot ni Ambroj sa tawag ko.

"Okay na ba yung mga pinapaayos ko?" Tanong ko sa kanya.

(All set sir.)

"Good. Wait for my next signal." I said then ended the call.

Lumabas ako ng kwarto ko at lumipat sa katabing kwarto. Kinatok ko si Ara.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon