Fairytale 2: (Invitation)

4.5K 115 0
                                    

Ryca's POV

"Hi babe." Kumaway ako sa webcam. On skype kami ni Jero ngayon.

I miss him so much. Once a year lang siya bumibisita dito sa Pinas at 1-3 weeks lang ang stay niya kaya naman miss na miss ko na siya. Akalain niyo yun? Sa loob ng apat na taon kami parin. Nagcocool off kami pero never pa kaming nagbreak. Ang saya ko lang na kami parin hanggang ngayon.

"Hello." Nakangiti niyang sabi pero para siyang pagod na pagod.

"Sobra ba ang pagtatrabaho? Okay naman na ang company niyo diba?" I asked him.

"Yeah. Pero ganto pala kahirap maging heir ng company. Nakakastress. I wanna be with you babe. I miss you." Nagpout pa siya sa camera. Awww. Ang sweet lang.

"Kelan ka ba kasi uuwi dito? Yung for good na ha? At hindi bakasyon lang." Pagpapacute ko sa kanya.

"By next month babe. Ang sabi kasi ni Dad ako na daw mag-aasikaso ng business namin jan." Nagbilang ako sa daliri ko at napangiti nung marealize kong malapit na.

"That is two weeks from now na. I'm so excited babe." Masayang sabi ko sa kanya.

Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa inantok na ako at nagpaalam na ako sa kanya.

Kinabukasan ay pumasok na ako sa The Lerago's. Model kasi ako sa company na yun. Katrabaho ko si Ayen at Ayesha.

"Good morning Miss Ryca." Bati sakin ng isang staff dito sa company.

"Good morning." Nakangiti kong wika.

"Hey Ryca." Napatingin ako sa tumawag sakin and I saw Fire.

New bestie namin ni Ayen.

"Hi Fire. Good morning. Gumaganda ka ata? Nagkakamabutihan na ba kayo ni Jeff?" I asked her. Crush niya kasi si Jeff. Lalaking model dito.

"Ey! Ikaw talaga. Mapang-asar ka nanaman. Siguro nakauwi na yung boyfriend mong hottie no?" Sinabayan na ako ni Fire sa paglalakad.

"Haha. Hindi pa. Two weeks from now pa." Nag-usap at nagkulitan lang kami ni Fire hanggang sa makapunta kami sa Studio namin.

"Okay. Anjan na sila. Ayusan na." Narinig kong sabi ni Manager Abby. Siya yung nagmamanage samin ni Fire.

"Oo nga pala. Makakasama niyo ngayon si Jeffey." Sabi ni Manager.

Siniko ko naman si Fire at halatang namula siya.

Maya maya ay dumating na si Ayen. Siya ang photographer namin ngayon. Dapat talaga nagmodel nalang to like me.

"Game na." Mukhang gloomy si Ayen. Anyare?

Nagsimula na ang pagkuha samin ng litrato at todo pose naman kaming tatlo nila Fire at Jeff.

"Dyosa ka talaga, Ryca. Ang sexy mo. Kainggit!" Pagmamaktol ni Sapphire.

"So anong tingin mo sa itsura mo? Baboy?" I said chuckling.

"Kasi naman. Haaaay. Buti ka pa napapansin ni Jeff. Ako never pa niyang kinausap. 2 years na ako dito sa company pero ni ha ni ho hindi pa niya nasasabi sakin?" Nakapout na sabi niya. Tinawanan ko lang ulit siya at tumingin nalang kay Ayen na tahimik na nag-eedit.

"May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin lang siya sakin at ngumiti lang.

"Ang gloomy mo." Sabi ko sa kanya.

"Ryca and Jeffey. Kayo muna. Dali retouch!!" Tinulak tulak ako ni Fire palapit sa nagreretouch habang inaasar asar niya ako kay Jeffey.

"Buti ka pa makakapartner mo ang isang Jeffey Minyeor. Naiinggit na talaga ako sayo." Tinawanan ko nalang ulit si Fire. Kung ano anong sinasabi.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon