Fairytale 24: (His POV)

3.9K 94 2
                                    

Etooooo na!!!! Etooooo na talaga!!!!

Ian's POV

*Blaaaag*

*Bugshh*

*Splaaak*

Nagwawala ako ngayon dito sa kwarto ko sa mansyon ng walang kwenta kong lolo. Lahat ng pwedeng mabasag. Binabasag ko.

Pati yung kama ko binaligtad ko. Kalat kalat na lahat ng gamit.

Kinuha ko yung vase tsaka ko binato sa TV. Nabasag din iyon.

Umupo ako at sumandal sa pader tsaka ko hinilamos ang kamay ko sa mukha ko tapos ay ginulo gulo ko ang buhok ko.

Isa lang naman ang gusto ko eh. Ang matapos na ang lahat ng ito. Ang kumalas sa mafia famiglia at kalimutan ang pagiging reaper ko.

Buong buhay ko nabuhay ako sa anino ni Dale. Siya ang mas matanda. Siya ang kuya kaya kahit kambal kami ay mas nasa kanya ang pabor. Pero kahit na ganun ay hindi ako naiinggit. Kasi masaya ako na masaya ang pamilya ko.

Ako, Si Daddy, si mommy at si Dale.

Nung bata pa kami ay anti-social ako. Hindi ako mahilig makipaglaro sa kapwa ko bata. Nasa kwarto lang ako at nagbabasa.

Kay Dale lang ako madalas makipaglaro. Siya lang ang kaibigan ko. Salungat kami ni Dale.

Siya maraming kaibigan.

Walang nakakaalam na kambal kami. Kasi kahit sa school, Lalayo ako pag lalapit siya. Ewan ko ba pero kasi nung bata kami, Masyadong mataas ang tingin ko kay Dale. Parang hindi ko kayang gampanan na maging kakambal niya.Kasi siya, matalino. Ako, hindi.

Isang araw ay may dumalaw sa bahay namin noon.

Kaibigan daw nila mommy at mama Ana. Hindi ako lumabas. Nakatanaw lang ako mula sa hagdan.

May isang babae na kaedaran nila mommy tapos may kasama siyang batang babae. Maganda yung batang babae. Parang anghel.

Lumipas ang mga araw at lagi lagi nang nasa bahay yung batang babae at naglalaro sila ni Dale.

Nakatanaw lang ako lagi mula sa malayo.

Ewan ko ba pero tuwing nakikita ko yung batang babae, Napapangiti ako.

Gandang ganda ako sa kanya. Naiinggit nga ako kay Dale kasi kalaro niya lagi yun.

Kung hindi lang ako nahihiya ay lumapit na ako sa kanila.

Lagi ko pang naririnig na Pot ang tawag ni Dale dun sa batang babae.

Pati nung minsang nasa beach kami. Naglakas ng loob akong magpakita. Naglalaro sila ni Dale nun ng sand castle, Lumapit ako kay Pot at sinira yung ginagawa niya para lang magpapansin sa kanya. Nasa malayo si Dale nun at kumukuha ng buhangin kaya hindi niya ako napansin. Inaway away ako ni Pot kaya nagtatatakbo ako palayo. Pero imbis na matakot ay natutuwa ako. Kasi atleast napansin niya na ako. Kasu sa pangit na paraan nga lang.

Nung minsang may pagkakataon ay tinanong ko si Dale.

"Dale, anong pangalan nung batang babaeng lagi mong kalaro?" Tanong ko habang nagmemeryenda kami sa may kusina.

"Ah. Si Liara Vanessa. Ara ang palayaw niya." Napatango tango lang ako. Ang ganda naman ng pangalan niya. Liara Vanessa.

"Gusto mong sumama kila Ara mamaya? 6th birthday niya ngayon." Yaya sakin ni Dale. Gusto kong sumama pero nahihiya ako.

"Ahh. Hindi na. Tinatamad ako eh." Sagot ko kay Dale.

"Sayang gusto pa naman kitang ipakilala kay Ara."

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon