Fairytale 7: (The Reason Why)

4.1K 95 1
                                    

Nicollo's POV

"Miss dito po, Magkano?" Turo ko sa isang chocolate cake.

"260 pesos lang po sir." Sabi sakin ng saleslady.

"Bibilhin ko na yan." Sabi ko tsaka ko nilabas ang wallet ko at kumuha ng 500 pesos.

"Ito na po sir." Binigay sakin ng saleslady ang cake na nakabox na. Inabot ko naman ang limang daan at sinuklian niya ako.

Lumabas na ako ng cakeshop ng nakangiti.

Pupuntahan ko si Ayen ngayon. Isang linggo na since naging girlfriend ko siya.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing iniisip ko na kami na. Naka isang linggo na kami.

Nilagay ko sa backseat ang cake tsaka ako tumungo sa pinto ng driver seat. Binuksan ko ang pinto pero may biglang nagsara nito.

Pagtingin ko ay si Ayesha.

Anong kailangan nito ngayon?

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Tatanungin kita. Kayo na ba talaga ni Yen?" Seryoso niyang tanong sakin kaya kumunot ang noo ko.

"Ano bang klaseng tanong yan?"

"Sagutin mo nalang. Kayo ba talaga? Mahal niyo ang isa't isa?" Hindi ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi niya.

Bahala siya sa buhay niya.

Binuksan ko ulit ang pintuan at muli ay sinara niya ito.

Srsly? Ano bang trip ng babaeng to?

"Ano ba?" Naiirita kong tanong sa kanya.

"Nagtataka lang kasi ako." Tinignan ko siya ng seryoso.

"Ano pa bang gusto mo? Nasayo na si Onyx diba? Naagaw mo na siya kay Ayen. Ano pa bang gusto mong patunayan?" Naiinis kong sabi.

Bakit ba pinakikialaman niya pa kami ni Ayen? Apat na taon ng nasa kanya si Onyx tapos gaganyan ganyan siya ngayon?

"Talaga bang pinaniniwalaan niyong mahal ako ni Onyx?" Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Tss. Nagbreak kami ni Onyx one week after umalis ni Ara patungong New York." Nagulat ako sa naging pahayag niya.

"Joke yan?" Bigla naman niya akong binatukan.

"Makinig ka kasi muna." Ang seryoso niya. Katakot. Brutal ba talaga ang lahi nila?

"Oh continue. May pupuntahan pa ako." Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko na boyfriend si Onyx. Matagal na kaming wala." Paliwanag niya.

"Yeah right. Hinahatid sundo ka niya sa trabaho." Wika ko.

"It's because gusto niyang gawin yun. Tsaka hinahatid sundo niya ako para kahit sa ganong paraan man lang makita niya si Ayen. Onyx loves my sister too much." Natawa ako.

Mahal ni Onyx si Ayen? Nagpapatawa ba siya?

"Kung mahal niya si Ayen, Bakit niya iniwan?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. I smirked.

"See? Wala kang masagot." Nagbuntong hininga ako.

"Hindi ko magets kung bakit sakin mo sinasabi ang mga bagay na yan. May mababago ba? Kung sinasabi mo yan dahil gusto mong maayos kayo ni Ayen then simply say sorry to her Ayesha. Yun lang. Huwag mong idaan sa pagkwento kwento." Napatungo siya.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon