Fairytale 42: (Clearing Minds)

3.1K 75 0
                                    

Ara's POV

Nagdadalawang isip ako kung magdodoorbell ba ako o hindi.

Halos hindi ako makatulog kagabi sa desisyon na to.

Huminga akong malalim at akmang magdodoorbell nung may umimik sa likod ko.

"Napadalaw ka?" Pagkalingon ko. Si Chris.

Nice. Mukha akong tangang nakaharap sa pinto ng condo niya tapos nasa likod ko lang pala siya.

"A-ano kasi... Ahmmm." Sh*t!! Bakit ba ang hirap sabihin?

"Ano?" Parang nang-aasar pa siya.

I composed my self.

"I need your help." Napangiti naman siya na parang ineexpect na niya ang sasabihin ko.

"Pasok ka." Binuksan niya yung pinto ng unit niya at nauna siyang pumasok.Pumasok na rin ako.

Awkward makitungo. Lalo pa ngayon na alam kong siya ang tunay na Dale.

"Upo ka. Anong gusto mong inumin, Juice o Softdrink." Tanong niya sakin.

"Tubig nalang." Sagot ko bago umupo sa sofa niya. Siya naman tumungo sa kusina.

Nanlalamig ako. Aish.

Ano ba yan Ara! It's now or never. Si Da--I mean Chris lang ang makakatulong sayo.

Bumalik na siya mula sa kusina at inabutan ako ng tubig. Umupo naman siya sa tabi ko at lumayo ako ng konti sa kanya. I heard him chuckle. Sige! Pagtawanan mo lang ako.

"So..." Hinarap ko na siya kahit ang awkward.

Pagkaharap ko sa kanya natigilan ako. Natitigan ko siya.

Kaya pala. Kaya pala nung nalaman kong si Ian si Dale parang iba ang pakiramdam ko. Parang may mali.

Pero nung malaman kong si Chris si Dale, Parang ang gaan sa kalooban.

Bakit ganun?

For a second gusto ko siyang yakapin.

"Kailangan ko ng tulong mo." Naging seryoso na siya.

Sinabi ko sa kanya ang plano ko.

Wala naman talaga akong balak humingi ng tulong kay Dale. Tama na yung connections kaya napasok ko ang Company nila Ian. Pero after kong mawala, Nagbago ang takbo ng lahat.

Nalaman ko kung sinong kakampi ko.

At si Dale at Ian yung mga makakatulong sakin dahil sila ang nasa mafia. No choice ako. Hindi ko to kaya ng mag-isa.

"Yun lang ba?" Tanong sakin ni Dale pagkatapos kong sabihin ang plano ko.

"Wala bang mahirap sayo?" Tanong ko.

"Sa totoo lang. Mas mahihirapan ako kung ako lang din ang nasa misyong ito. Atleast kasama na kita." Kumindat pa siya sakin kaya nagroll eyes lang ako.

Nagkaroon ng akward silence sa pagitan namin.

Hindi ko alam kung magsasalita pa ba ako o aalis nalang. Sa huli napagdesisyunan kong tumayo at akmang aalis na nung nagsalita siya.

"Sorry." Natigilan ako sa sinabi niya.

Nakakainis. Bakit ganito? Bakit naiiyak nanaman ako?

Kung hindi si Ian ang nagpapaiyak sakin. Si Dale naman. Bwisit lang >_<

"Sorry saan?" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. May idea na ako kung bakit siya humihingi ng tawad pero mas gusto kong sa bibig niya mismo lumabas.

"Gusto ko lang malaman mo na hindi ko ginustong iwan ka noon. Hindi ko gustong mawala sa buhay mo. Hindi ko ginustong malayo sayo Ara." May isang butil ng luha ang kumawala sa mga mata ko.

Huwag kang umiyak Ara. Gangster ka, hindi dramatic actress.

"Huwag kang madrama." Sabi ko kay Chris habang nakatingin parin ako sa ibang direksyon.

"Ayaw mo bang malaman ang dahilan kung bakit pinaniwala ka nilang patay na ako?" Hinarap ko siya. Mukhang nagulat siya nung makita niyang umiiyak ako.

"Bakit nga ba? Bakit nga ba pinaglaruan niyo yung damdamin ko? Bakit nga ba? Ha, Dale?"

Nung nawala. Hindi ko akalain na makikilala ko ang taong pinapaimbestigahan ko. Nagpakita siya sakin, Ang tao sa likod ng pagrerevive ng Gang Ass.

Masyadong komplikado kung ikukwento ko pa kaya papaikliin ko nalang.

Sinadya niya daw na ipahanap ako. May mga impormasyon siyang sinabi sakin. Isa na dun ang pagiging Mafioso nila Ian at Dale. Yung dahilan kung bakit pinalabas ni Ian na trinaydor niya ako. Para pala protektahan ako. Kahit kelan pala, Hindi niya ginusto na maging mafioso. Pero no choice siya dahil nasa pangangalaga sila ng lolo nila.

Gusto lang pala ni Ian na makuha ang loob ng lolo niya para ipagkatiwala sa kanya ang mafia. At pag nangyari yun, Bubuwagin na niya ito.

Hindi ko alam kung sino ba ang taong to at bakit ang dami niyang alam sa Mafia. Ayaw niyang ipaalam ang pangalan niya.

Sa kwento niya may kulang. Ang katauhan ni Dale. Kung bakit nga ba bigla nalang nawala si Dale sa buhay ko.

"Ara. Makinig ka." Tinignan ko si Chris ng seryoso.

"Pinalabas ng lolo ko na patay na ako para mapaglayo tayong dalawa. Hindi daw kasi tayo pwedeng maging magkaibigan dahil mafioso ako at nakatakdang maging mafia reaper. Pero hindi ko matanggap yun. Naging matigas ang ulo ko sa mafia kaya pinag-initan ka nila. Alam kasi ng lolo na ikaw ang dahilan kaya ayaw kong maging mafioso. Isa pa, si Ian. Attach din sayo. Pinag-iinitan ka ng mafia dahil samin ni Ian. Yung misyon ni Ian, pinabalik siya dito sa Pilipinas para tapusin ang isang gang leader. Yun ang unang taong napatay niya. Ako dapat gagawa nun kasu di ko kaya. Ayokong magkita tayo dahil nahihiya ako sayo. Pero unexpected thing happened. Minahal ka ni Ian kaya nagsimula ng maging komplikado ang lahat. Dun na nagsimula lahat. Naglihim siya sayo pero iniisip niya lang ang kapakanan mo. Sinabi niyang wala siyang alam sa mafia para mailayo ka sa mafia. He loves you so much Ara. So much that he sacrificed his own happiness for you to ba safe." Napayuko ako.

Naguiguilty ako.

Pinoprotektahan lang pala ako ni Ian kaya ganun.

"Yung tungkol naman kay Clyde. Kaibigan talaga turing niya sayo. Clyde is protecting you also. We are just protecting you Ara."

"Pero bakit ganun? Bakit pinapasok mo parin ako sa company nila Ian kung alam mong ikapapahamak ko to?"

"Para bigyan ng paninindigan si Ian. Naduduwag siya. Hindi niya alam na alam na ni lolo ang plano nila ni Clyde. Kaya I made a move. Tinulungan kitang makapasok doon para matrigger si Ian at gumawa ng paraan para protektahan ka pa lalo. In that way, susuwayin niya si Lolo, ulit. Then after that, yung focus ni lolo. Sa inyo nalang ni Ian. Makakagalaw na ako dahil hindi ako binibigyang pansin ni lolo dahil sa inyo ni Ian ang focus niya."

"Dale... S-si Ian." Sabi ko nalang.

"Mahal na mahal ka ni Ian, Ara. Please, give him another chance." Natigilan ako sa sinabi ni Dale.

Gusto kong bigyan ng chance si Ian pero sa mga nangyayari ngayon? Hindi pa yun pwede. Komplikado pa ang lahat at ayaw kong mas maging komplikado pa ito.

"Basta yung plano. Kailangan nating mabreak ang security ng mafia sa loob ng Extinct's at hanapin ang video tape na magpapabagsak sa kanila."

"Sige. Nasa amin na ni Ian ang ibang papeles na naglalaman ng iba pang proweba." Napangiti ako.

Ayon sa lalaking tumulong sakin. Yung video recorder tape daw ang susi sa pagbagsak ng mafia famiglia.

Kailangan naming mahanap yun.

------------------------------------

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon