Fairytale 25: (Misunderstanding)

3.2K 76 1
                                    

Jero's POV

"Hi. Nasang floor si Ryca? Pupuntahan ko sana." Sabi ko sa receptionist. Nandito ako ngayon sa The Lerago's. Dadalawin ko si Ryca dahil hindi na kami masyadong nagkakasama. Busy siya masyado sa ginagawa niyang photoshoot. At tsaka since naging model siya. Never ko pa siyang napanuod sa mga photoshoots niya. Nakikita ko lang siya sa mga magazines na tungkol sa fashion.

"Nasa third floor po ang studio nila ngayon." Nakangiting sabi sakin ng receptionist kaya nginitian ko rin.

Nagtungo na ako sa elevator. Pagkasakay ko ay sasarado na sana yung elevator kaso bumukas ulit at pumasok ang isang babae. Nakasalamin siya. Mahaba ang blonde niyang buhok.

Hindi kami nag-iimikan. Mabilis lang kaming nakarating sa third floor. Sabay pa kaming lumabas nung babae at nagkatinginan pa talaga kami.

"Excuse me? Ngayon lang kasi kita nakita dito sa company namin. Sino ka?" May attitude ang isang to. Pero ano daw sabi niya?

Company nila to?

"Ahh. Jero Reyes. Dinadalaw ko lang ang girlfriend ko." Sagot ko sa kanya sabay ngiti. Inirapan niya lang ako.

Mataray masyado.

Naglakad nalang ako. Sakto naman na nakasalubong ko si Sapphire.

"Hi Fire. Kamusta ka na?" Bati ko sa kanya.

"Ah. Maayos na." Sagot naman niya.

"Saan ang studio nila Ryca ngayon? Magkasama ba kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh hindi eh. Sa studio 2 ako ngayon. Kaya nga bababa na ako sa second floor." Nakangiti niyang sagot kaya nginitian ko nalang din siya.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hinanap ang studio 2. Hindi naman ako nahirapan dahil malapit lang naman ito at may label pa sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto nakita ko ang mga iba't ibang klase ng tao na busy sa kani kanilang business.

May mga nag-aayos ng mga gagamiting damit. May mga nagaangle ng cameras.

Nakita ko pa si Ayen na may kausap sa phone at malamang sa malamang ay si Onyx yun.

Inikot ko ang paningin ko at natanaw ko si Ryca na kasalukuyang nakaharap sa iPad niya.

Lalapitan ko na sana siya nung may biglang bumangga sakin, At pagtingin ko.

"Ay, Ikaw pala yan Jero. Sorry ah." Paghingi ng tawad ni Ayesha. Oo, si Ayesha ang nakabangga ko.

"Okay lang." Ngiti ko sa kanya.

"Ayesha!" Napatingin kami ni Ayesha sa tumawag sa kanya at nakita namin si Nicollo na may dala dalang bottled water.

"Hi Nicollo!" Nakangiting sabi Ayesha. Nagpaalam siya sakin tapos ay lumapit kay Nicollo. Ginulo niya muna ang buhok nito bago kunin ang bottled water.

Napangiti ako. Mukhang nagkakamabutihan na sila.

"Huy!" Nagulat ako kaya agad akong napaharap sa nanggulat sakin. At doon nakita ko si Ryca na nakangiti.

"Hi babe. Di ka nagsabing pupunta ka pala?" Tanong niya sakin.

"Sorry. I just wanna surprise you." Nangingiti kong sabi.

Ngumiti siya bago kinawit ang dalawang braso sa leeg ko.

Hinapit ko naman siya sa bewang bago halikan sa noo.

"Napadalaw ka?" Tanong niya.

"Namiss kita eh. Masyado kang busy." Sagot ko naman na tinawanan niya lang. Matagal din kaming nagkalayo at syempre, Inaassume ko ngayon na nakabalik na ako eh magkakaroon kami ng quality time. Kasu wala parin. Busy parin siya.

"Marami kasing photoshoots. Sorry ha? Di bale pag maluwag na schedule ko. Babawi ako sayo." Kumindat siya sakin kaya naman nginitian ko siya.

"Ahemm. Masyado ng PDA. Ryca, shoot mo na." Napabitaw kami ni Ryca nung magsalita sa gilid namin si Ayen.

Natawa nalang si Ryca at naglakad na papunta sa parang maliit na stage.

Sa totoo lang ay ayaw ko ng suot ni Ryca. Masyadong revealing.

Dagdag mo pa na maraming lalaki dito.

Tumayo na siya dun at maya maya ay may lumapit na lalaki sa kanya.

"Okay. Jeff and Ryca, stay close." Sabi ni Ayen dahil siya ang photographer.

Lumapit naman yung Jeff kay Ryca at as in sobrang lapit. Seloso ako, aaminin ko yun. Ayaw ko na may ibang lalaking lumalapit kay Ryca. Pero kailangan kong intindihin dahil model siya at parte yun ng trabaho.

Days passed and ganun parin kabusy si Ryca. May mga pinupuntahan pa silang ibang lugar kaya madalas hindi ko na siya nakakasama.

Hatid sundo nalang ako sa kanya. Madalas sinasabi niya na huwag ko na siyang ihatid dahil si Jeff na daw ang naghahatid sa kanya.

Wala naman sakin yun dahil part of the work nila.

Aish naman. Kaasar. Kelan ba matatapos yan?

Tuwing inaaya ko siya ng date umaayaw siya dahil sa schedule. Minsan naman pagod. Ang lungkot lungkot ko na tuloy.

Katulad ngayon. Inaya ko siya ng date pero may shoot daw sila kaya nagsolo flight nalang ako sa mall.

Nung nandun na ako ay naisipan kong bumili ng libro kaya nagtungo ako sa National bookstore. Kasu habang nagtitinging ako ng mga libro ay may nahagip ang mata ko.

Si Ryca kasama si Jeff.

Nagtatawanan pa sila habang nakahawak ng libro.

Akala ko ba may photoshoot siya?

Eh bakit nanjan siya at may kasamang iba?

Niloloko niya ba ako?

Dahil sa random thoughts na tumatakbo sa isip ko ay nag-init ang ulo ko kaya naman sinugod ko sila at sinuntok ko yung Jeff.

"JERO!!!" Sigaw sakin ni Ryca at tinulungang makatayo si Jeff.

"Ano ba? Bakit mo ginawa yun?" Galit na tanong ni Ryca.

"Akala ko ba may photoshoot ka?? Eh bakit nandito ka at nakikipagtawanan jan ha?? Nireject mo ako para lang makipag kita jan? At ginamit mo pa talagang dahilan yang photoshoot?" Naiinis kong sabi. Lalo namang tumalim ang tingin sakin ni Ryca.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Huwag tayong magtangahan dito, Kitang kita ko kung gaano kayo kasayang nagtatawanan habang tumitingin ng mga libro!! Niloloko mo ba ako??"

"Jero ano ba?? Ang dumi ng utak mo!! May photoshoot talaga kami ni Jeff at dito sa mall yun!!" Sigaw niya sakin pabalik.

"Dito sa mall?? Eh nasan yung mga staffs niyo? Yung mga camera?? Oh come on Ryca. Huli ka na nga eh. Just fucking tell me the truth!! Are you cheating on m??" Nagulat ako nung bigla niya akong sinampal.

Gulat akong napatingin sa kanya.

"Ryca..." I stared saying.

"Do you think I'm capable of doing that? Ganyan ka ba kababaw?" Naiiyak niyang sabi.

"Ryca..."

"Yung staffs namin nasa second floor ng mall. Dun ang photoshoot. Bakit kami nandito ni Jeff? May hinahanap lang kaming libro dahil inutusan ako ni Ayen. Bakit siya ang kasama ko? Kasi sa kanya ako pinaka komportable. Kaya please lang Jero. Tigilan mo ako sa kaartehan mo! Tara na Jeff!" Matapos niyang sabihin yan ay umalis na siya hila hila si Jeff.

Samantalang ako ay naiwang nakatulala at guilty....

What have I done?

------------------------------------

Picture: Jero Lloyd Reyes

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon