Fairytale 52: (Revelations)

3K 66 0
                                    

Ara's POV

"Sigurado ka dito Ara?" Tanong sakin ni Ian. Tumango lang ako sa kanya.

"Siguradong sigurado." I answered.

Naglakad na ako papasok ng Extinct's. Binabati pa ako ng mga tao. I wasn't smiling. I'm not here to greet them in the first place. I'm here to provoke Arnolfo Kim.

I smirked when I saw my prospect. Naglalakad si Mr. Arnolfo while holding an envelope and he is currently talking to someone.

Nilapitan ko siya at napatingin siya sakin. Cold lang ang mga mata niya.

"What are you doing here, Miss Arceo?" I smirked.

"Checking if you're still breathing Arnolfo." Walang galang kong sagot. Biglang dumilim ang ekspresyon ng mukha niya.

"Nandito ka ba para bwisitin ako? Wala akong panahon sayo. Umalis ka na." Malamig niyang sabi.

"I'm here to know where my friends are." I saw him smirked.

"You think I'll tell you?" He said.

"No." I answered. Tumaas ang kilay niya.

"Then what are you doing here?"

"Wala lang. Nagsasayang ng oras." I grin when I saw him clenched his fist.

"Umalis ka na bago pa kita ipakaladkad palabas." He said coldly.

"Oooohhh. I'm scared." Pang-aasar ko sa kanya.

Akmang sisigaw siya pero inangat ko ang tape na kanina ko pang hawak.

Nanlaki ang mga mata niya at napatitig sa tape.

"You want this, right?" I said smirking.

"Give that to me." Akmang kukunin niya pero inilayo ko. Sinenyasan niya ang dalawang kasama niya sa hawakan ako pero mabilis kong inilabas ang baril ko at itinutok kay Arnolfo.

"Sige lapitan niyo ako. Papaputukin ko ang ulo ng matandang to." Sabi ko sa dalawa.

"You think natatakot ako sa baril mo? I'm a mafia boss. Ang lakas ng loob mong tutukan ako ng baril." Sabi ni Arnolfo.

"Baka nakakalimutan mong gangster ako? Batang bata pa ako samantalang ikaw matanda na. Hindi mo na ako mahahabol." Namumula na ang mukha niya sa galit. Wala pala to eh.

"Itong tape na to ang magpapabagsak sayo Arnolfo Kim Ibibigay ko to kay Sir Arthur Villegas at for sure pag naipresent niya to sa matataas na members ng mafia niyo, Mababawi niya ang sa kanya." Napatikom ang bibig niya sa sinabi ko.

"Tama diba? Ninakaw mo lang sa kaibigan mong si Ignacio Villegas ang Mafia na pinanghahawakan mo. Yung totoong papeles na nagpapakitang kay sir Ignacio ang mafia ay ipinatago mo sa abogado mo, Pero too bad dahil nakuha parin ito ni Dale."

"Panu mo nalaman ang mga yan?" Tanong niya. Again, I smirked.

"Hindi sayo ang mafia. Sa kaibigan mo ito. Pero pinatay mo ang kaibigan mong si Ignacio dahil pinatay niya ang asawa mo, Ang lola nila Ian. Hindi ko alam ang dahilan ng pagpatay niya dito pero ipinaghiganti mo ang asawa mo. Ngayon, nung mapatay mo na si sir Ignacio ay gumawa ka ng pekeng dokumento na naglalaman na ibinibigay na sayo ni sir Ignacio ang mafia famiglia. Iprinesent mo ito sa buong mafia at nauto mo sila. Akala mo okay na, Pero biglang nagpakasal ang anak mong si tita Tina kay sir Arthur na anak ni sir Ignacio, natakot ka. Natakot na baka may gawin si sir Arthur na ikasasama mo kaya tinakot mo siya. You theathened him na kung hindi niya iiwan si tita Tina, ipapasok mo sila Ian at Dale sa mafia." Napatungo siya. Napangiti ako at pinagpatuloy ang pagsasalita ko.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon