Fairytale 9: (Handcuffs)

3.5K 97 2
                                    

Christian's POV

Hindi ata marunong ngumiti tong si Ara. Magmula nung makaalis kami sa mansyon nila hanggang sa makarating kami dito sa mall. Sabukot ang mukha niya. Napakapikon talaga ng Gangster na to. Ay! Ex Gangster pala ^____^

"Bagay ba?" Tanong ko sa kanya habang tinatapat ko sakin ang isang blue polo.

Pinaikot niya nanaman ng 360 degrees ang mata niya tapos nagcross arms.

"Uso sumagot." I hissed.

"Fvck Chris! Di mo ba talaga ako titigilan sa pang-aasar mo? Pwede bang bilisan mo jan sa pagshashopping ng mga damit mo ng mabili ko na yung mga pinapabili ni mommy?" Ahaha! Mainitin ang ulo. Bagay sila ni Ian. Hahaha!

"Ito naman. Opo boss!" Nagsalute pa ako sa kanya. Kumuha nalang ako ng matipuhan kong damit, pantalon, sando etc. Di ko na sinukat. Size ko naman lahat ng nakadisplay eh. Nakakuha na rin ako ng boxers nung may maalala ako.

"Psst Ara." Sitsit ko sa kanya. Kasalukuyan siyang tumitingin ng mga damit pambabae.

"Ano nanaman?" Tanong niya.

"Pakuha naman ako ng briefs." Ngiti ko sa kanya.

"Srsly? Ikaw nalang kaya! Ang baboy mo!" Haha! Asar talo talaga to!

"Ang dami ko pong hawak. Ikaw nalang." Nginitian ko pa siya.

"Akin na yang mga hawak mo at kumuha ka ng brief. Takteng to! Napakaewan!" Naiinis niyang sabi. Alam niyo bang ang ganda ganda niya pag galit? Haha.

Binigay ko sa kanya ang mga hawak ko at ako ng ang kumuha ng underwears.

Pumunta na ako sa counter dahil nauna na siya dun.

Naabutan ko si Ara na ang sama ng tingin sakin. Well, ano bang bago? Lagi namang masama tingin niyan sakin. Sanay na ako.

"10,674 po lahat sir." Sabi ng cashier.

"Here." Inabot ko ang credit card ko at sinwype naman ito. Nang mabalot na lahat ng pinamili ko ay kinaladkad ko na si Ara sa Hypermarket para doon mamili ng mga pinapabili sa kanya ni tita.

"Maghati na tayo sa bibilhin para di ka na mahirapan." Sabi ko sa kanya. Kukunin ko na sana ang papel na hawak niya pero tinapik niya ako.

"Manahimik ka nalang jan. Huwag mo akong sagarin." Ang lamig na ng pagkakasabi niya. Halatang wala na siya sa mood. Tumahimik nalang ako at sinundan siya. Mukhang nauubos na ang pasensya niya sa pang-aasar ko.

Tahimik lang siyang kumukuha ng kung ano ano.

Grabe naman tong babaeng to. Ang pikon. Tsk tsk.

Ara's POV

Tahimik na si Chris. Hindi na niya ako pinipikon. Buti naman at nakaramdam na siya.

Nandito na kami ngayon sa may counter at binabayaran ang mga pinamili ko.

Kanya kanya kaming bitbit ni Chris. Siya sa mga shinopping niya ako sa mga pinamili ko.

"Kain muna tayo Liara." Aya niya sakin.

"Mag-isa ka. Uuwi na ako." Malamig kong tugon sa kanya. Gutom na ako pero ayoko na siyang makasama pang kumain. Bwisit na bwisit na ako sa kanya. Titiisin ko nalang tong gutom ko hanggang sa bahay.

"Ang pikon mo talaga. Sorry na kasi." Hindi ko siya pinansin. Bahala siya jan.

"Huy Ara." Snob mo lang.

"Liara Vanessa. Pansinin mo na ako." Snob parin.

"Ara! Uy! Lilibre kita." Huwag mong pansinin Ara.

"Ara." Aish ang kulit.

"Liara." Bwisit!!

"Ampupu naman Christian!! Manahimik ka pwede?? Kumain ka mag-isa mo. Bwisit na bwisit na ako." Umuna na akong lumabas at tumungo sa kotse ng maalala kong nakisakay nga lang pala ako kay Chris.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero hanep! Naiwan ko pa ata sa bahay.

Ang swerte mo Ara! Ikaw na!

"Any problem?" Napatingin ako kay Chris na naglalagay na ng mga pinamili niya sa loob ng sasakyan.

"Malas. Sh*t sh*t!" Mura ko. No choice. Inilagay ko nalang rin sa sasakyan niya ang mga pinamili ko.

"Hatid mo na ako." Sabi ko.

"Hindi. Kakain muna tayo." Seryoso na siya. Nagsukatan kami ng tingin. Matira matibay.

"Fine. I'll drive you home." Ha!! Talo pala eh. Deep inside napapangiti nalang ako.

Papasok na sana ako sa kotse nung may biglang nagposas sa kamay ko. Pagtingin ko si Ian.

"Mag-uusap tayo." Sabi niya.

"Ano nanaman bang kamalasan to?" Naiinis kong sabi sabay angat sa kamay kong nakaposas. Pinosas rin ni Ian ang kamay niya kaya parehas kaming nakaposas ngayon. In short we're stuck with each other.

San naman siya nakakuha ng handcuffs??

"Pakawalan mo ako! Abnormal ka talaga!" I hissed pero magsmirk lang siya.

"Pare pakawalan mo siya. Iuuwi ko na." Si Chris ang nagsalita.

Bwisit. Kasama ko ang dalawang bwisit ng buhay ko.

Tinapon ni Ian ang susi sa malayo kaya napanganga ako. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya???

"Bwisit!!!" Asik ko.

"Ano bang problema mo brad??" Tanong ni Chris kay Ian.

"Ikaw na bahala sa mga pinamili ni Ara, Bro. Kukunin ko muna siya saglit at wala ka ng magagawa kasi nakaposas na kaming dalawa. Kaya shupi." Nakangising sabi ni Ian.

Arrrggghhh!! Pag untugin ko kaya sila???

"Alam mo?? Kung ano ano talaga ang katangahan na ginagawa mo!!" Asik ko kay Ian.

"Halika na baby. Idedate pa kita." Natigilan ako sa sinabi niya.

Baby??

"Ano bang pinagsasabi mo?" Naiirita kong sabi.

"Tayo pa right? Hindi ko kasi maalalang nakipagbreak ako sayo." Kumurap kurap ako sa kanya.

Gulat na gulat ako.

Oo nga. Hindi official ang break up namin.

Takte! Bakit ako natahimik?

Hindi ko man lang narealize na higit higit na pala ako ni Ian palayo kay Chris.

What the hell??? Anong nangyari sayo Ara?? Bakit ka natahimik???

"Tumigil ka nga Ian!" Tinry ko siyang patigilin pero tumingin lang siya sakin at nagsmirk.

"It's time to earn back what's mine, Baby. Be ready cuz I'll make you fall for me again. And don't try to escape." Tinaas niya ang kamay naming nakaposas. "We are stuck together." He's grinning widely. The hell???

"Oh NO!!!" I exclaimed.

"Oh yes!" He grinned.

Sh*t!! Double sh*t!! Bakit ba puro abnormal ang nakakasama ko ngayong araw??? I want peace!!! Arrghhh!! Give me peace for Pete's sake!!!

Kanina kasama ko ang pesteng panira ng buhay ko. Ngayon naman kasama ko ang pesteng EX ko na sinimot na lahat ng kaabnormalan sa mundo!! Sh*t!!!

--------------------------------

Author: Ayieeeh. XanAra!!! Hahaha <3 Team Ian or Team Chris?? Team EXO ako :-))

Vote and Comment.

~PSH

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon