The Gangster's New Year Special

3.8K 86 8
                                    

Annyeong! *kaway* Namiss ko kayo! Namiss niyo ba sila? Haha. At dahil namiss ko sila ng SUPER! Eto! New Year Special!! Hahahaha. Walang actions okay? Duh! New Year to mga bebe :*

Ara's POV

"Mommy? Where's daddy?" Naisara ko ang librong binabasa ko at napatingin kay Silver na nagtanong.

"Work, baby." Sagot ko kaya nagpout siya.

"Work? Always work! It's New Year and yet, he's working!" Nagsimula ng magtantrums si Silver. Parang gusto ko na ring maiyak. Tama nga naman kasi siya, lagi nalang trabaho ang inaatupag ng daddy niya.

6 years na kaming kasal ni Ian at 5 years old na si Silver. Matalinong bata si Silver, malamang sakin nagmana dahil tatanga tanga naman ang dad niya.

"Baby, he will celebrate New Year with us. Hush now." Pagpapatahimik ko sa anak ko.

Maniniwala ba kayo kung sabihin kong ang happily ever after na inaakala kong naabot na namin ni Ian ay sira na?

"Mommy! Sunduin natin si daddy." Wika ni Silver. Umiling lang ako. Kung pwede ko lang sabihin sa anak ko ang totoong dahilan kung bakit mas pinipili ni Ian ang work kesa sa makasama kami, makasama ako.

Sira na ang marriage namin ni Ian. Nagsasama nalang kami for the sake of my child.

Do I still love him? Yes I do.

Ewan ko lang sa kanya. I heaved a sigh at napatingin sa wedding photo namin na nasa kisame.

"Mommy, do you love daddy?" Tanong ni Silver. Hinarap ko siya bago haplusin ang mukha niya at hinalikan siya sa noo.

"I do baby, I really do." I said. I want to cry but I can't. Not infront of my son.

"Then why do you always fight? You always throw him anything you're holding." Natigilan ako sa tanong niya.

Kung ganun. Naririnig niya ang lahat ng pag-aaway namin ni Ian. Sa tuwing nag-aaway kami ay bigla bigla ko nalang siyang babatuhin ng kahit anong mahawakan ko. Kilala niyo naman ako. I'm a former GangAss queen and Brutality is what I am. Kahit kasal na kami ni Ian, hindi ko maalis sa sistema ko yun.

"Mommy?" Tinignan ko ulit si Silver.

"W-we're not fighting baby. W-we are just playing." Naalala ko nung pasko. Nagpanggap kaming okay ni Ian sa harap ng anak ko. Sa harap ng pamilya namin. Pero sa totoo lang. Hindi kami okay.

He never said he love me anymore. I never heard those words again from him anymore.

"Akyat ka na sa taas anak. I'll call you later when daddy's home." Tumango sakin si Silver kaya hinatid ko siya sa taas. Pero bago siya matulog ay pinaliguan ko na siya para di na siya maliligo mamaya pag meja noche na.

After kong patulugin si Silver ay bumaba na ako para hintayin si Ian. 10 na ng gabi. 2 hours nalang, New Year na.

Habang nakaupo ako ay may tumawag sa phone ko. Si Andrex.

"Uy." Malungkot kong bati.

"Hi best! Happy New Year!" Napangiti ako nung marinig ko ang masigla niyang boses.

"Happy New Year din." I said.

"Ara!!! Happy Happy New Year!!" Narinig ko naman mula sa kabilang linya ang bati ni Kaira. I smiled.

"Happy New Year Kaira." I said.

Nag-usap lang kami ni Andrex saglit.

After that ay tinawagan ko naman sila Ayen and Onyx, Ryca and Jero, Jeff and Fire, Clyde and Shantal, Amber, Pati si LA. Yung dalawang LA.

Last na tinawagan ko ay si Dale.

"Hey Ara. Happy New Year." Bati niya. Upon hearing his voice. Gusto kong maiyak. Matagal ko g kinikimkim lahat ng sakit sa marriage namin ni Ian at ngayon, mukhang bibigay na ako.

"H-happy New Year." Sinubukan kong maging masigla but I can't.

"Ara? What's wrong?" Tanong ni Dale.

"Wala. Kelan balik mo dito sa Pilipinas? Dalaw ka pag-uwi mo ah." I ask.

"Iniiba mo usapan. Next week uwi ko And yes ofcourse. Pupuntahan agad kita."

"Sige Dale." I said.

"Ingat Ara." namatay na ang tawag samantalang ako ay napasandal sa sofa tapos napatingin sa orasan.

Hindi pa ba uuwi si Ian?

Ian's POV

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto at pumasok.

Natigilan ako nung makita ko si Ara na nasa sofa at natutulog. I looked at the time. 11:30. 30 minutes nalang at New Year na.

Napabuntong hininga ako.

Nahihirapan na ako sa ganitong marriage namin. Lagi nalang kaming nag-aaway. Kung tatanungin niyo ako kung mahal ko pa siya? Hindi. Hindi nawala ang pag-mamahal ko sa kanya kahit pa pakiramdam niya wala na akong paki.

Kelan ba ako mapapagod na mahalin si Ara?

Ayoko na ng nag-aaway kami. Gusto ko nalang na ibalik ang dati. Yung masaya kami.

"Ara. Balik na tayo sa dati baby. Please. Mahal na mahal kita at hindi nagbago yun." Sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo.

Bigla naman siyang napadilat.

"Ian." May pumatak na luha sa mga mata niya.

Nahihirapan ka na rin ba Ara?

"Ian." Napahagulgol siya at niyakap ako.

"Ayoko na ng nag-aaway tayo. Please. Maging okay na please." Sabi niya. Niyakap ko siya pabalik.

"Mahal na mahal kita." Sabi ko.

"Mahal na mahal kita." Sagot naman niya.

Kahit anong mangyari. Ara will always be Ara.

"Yehey! Mommy and Daddy is okay! Happy New Year!!!" Napatingin kami sa hagdan. Nandun si Silver. Tumakbo siya palapit samin ni Ara at yumakap.

I can't bear losing my family.

Pagsapit ng 12:00 ay kumain na kaming tatlo ng meja noche.

Nung Christmas ang lamig ng atmosphere. Ngayon, masaya na dahil okay na okay na talaga kami ni Ara.

I hope magtuloy tuloy na to.

--------------------------------

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon