Fairytale 26: (Blurred)

3K 70 1
                                    

Ryca's POV

"Ano? Wala ka paring balak sagutin ang tawag niyan?" Tanong sakin ni Fire habang umiinom ng milkshake niya.

Nandito kami ngayon sa studio 3. Kasama ko sila Fire, Ayen at Ayesha.

"Bahala siya." Bland kong sabi at sumipsip sa milkshake ko.

"Wow, Ryca! Natitiis mo na si Jero ngayon?" Nang-aasar na sabi ni Ayen sakin.

Gaganyan ganyan na siya ngayon porket maayos na ang lovelife niya.

"Shut up Ayen. Hindi ka nakakatulong." Pagtataray ko sa kanya.

"Baka matulad kayo kay Kaira at Andrex niyan ha?" Natatawang sabi ni Ayesha at nakipag apir pa sa kapatid niya.

Napairap nalang ako. Pag-untugin ko kaya tong dalawang magkapatid na to?

"Oh ayan! Tumatawag nanaman si Babe mo!" Inabot sakin ni Fire ang phone ko.

Nireject ko lang ulit.

Bahala siya sa buhay niya. Nakakainis siya. Ang babaw niya. Hindi ko naman siya masisisi kung seloso siya. Pero sa tagal ng relasyon namin tingin niya talaga lolokohin ko pa siya?

At tsaka hindi naman ako ganung klase ng babae.

"Ay ang bad. Tsk tsk." Sabi pa ni Fire.

Nagkwentuhan nalang ulit kami at natahimik kami nila Ayen at Ayesha nung nagkwento si Fire tungkol sa ekwentro niya with the Gangsters daw.

Malamang naman. Kami ang tinutukoy niya dun.

"Pero alam niyo? Ang aastig talaga nila. I wanna see them." Sabi pa ni Fire kaya nagkatinginan kami nila Ayesha at Ayen at sabay sabay na nagkibit balikat.

Nagkayayaan na kaming umuwi kaya naman tumungo na kami sa labas ng building para hintayin ang sundo namin.

Naghihintay na dun sila Nicollo at Onyx para sunduin sila Ayen at Ayesha. At dahil sa chismosa ako, Tinanong ko sila Nicollo.

"Kayo na ba ni Ayesha?" I asked.

"No/Oo." Sabay na sagot nila.

"Yung totoo?" Nakangisi kong sabi.

"Haaay naku. Huwag kang maniwala jan Ryca. Hindi ko siya boyfriend. Asumero lang talaga siya. Sige, una na kami." Pagpapaalam ni Ayesha kaya naman tinanguan nalang namin siya.

Nauna na sila ni Nicollo habang pinipingot ni Ayesha si Nicollo sa tenga nito. They're cute.

"Una na rin kami." Paalam naman ni Ayen at lumingkis sa braso ni Onyx.

Napangiti ako. Buti naman at masaya na sila.

"Ikaw Ryca? Sinong susundo sayo?" Tanong sakin ni Fire.

"Ah. Commute nalang ako. Wala rin kasi yung car ko." Nagpaalam na sakin si Fire dahil mauuna na raw siya.

Kaya ako nalang yung naiwan dito.

Napatingin ako sa Wrist watch ko. 7 pm na ng gabi. Maglalakad na sana ako para maghanap ng taxi nung may humawak sa braso ko. Pagtingin ko, Si Jeff pala.

"Oh Jeffey. Bakit?" Nakangiti kong tanong.

"Hatid na kita." Sagot niya.

"Huh? Naku huwag na. Nakakahiya naman."

"I insist. Delekado umuwi para sa babae ng mag-isa." Napangiti ako. Walang delekado sakin, kung alam niya lang.Pero dahil nga mapilit siya. Pumayag nalang ako.

Sumakay na kami sa kotse niya at sinabi ko ang address ko.

"Napapansin kong hindi ka na hinahatid sundo ng boyfriend mo. Hindi parin ba kayo okay?" Tanong niya. Napabuntong hininga naman ako.

"Di pa eh." Sagot ko.

"Sorry. Grabe ata ang pagseselos niya sakin." Paghingi ng tawad ni Jeff.

"Naku. Wala ka namang kasalanan eh." Pag-aassure ko sa kanya.

Hindi naman nagtagal ay nasa tapat na kami ng bahay kaya nagpaalam na ako kay Jeff.

Pagbaba ko ay nagulat ako nakita ko.

Si Jero. Seryosong nakatingin sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Nandito sana ako para makipagbati dahil ilang araw na tayong magkaaway pero yun pa ang maaabutan ko. Hinatid ka pa ng gagong yun." Halatang galit ang tono ng boses niya.

"Wala malisya yun. Jeff is my friend."

"Bakit hindi mo nalang ako tawagan?"

"Hindi pa tayo okay." Lalagpasan ko na sana siya pero hinila niya ang braso ko kaya napabalik ako sa harap niya.

"Sabihin mo nga Ryca. Anong gusto mong mangyari?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"What do you mean."

"Tinitiis mo ako.Mas pinahahalagahan mo pa ang Jeff na yun kesa sakin." Napantig ang tenga ko sa narinig.

"Alam mong hindi totoo yan." Sabi ko sa kanya. Ayokong makipagtalo ngayon pero naiinis ako sa mga lumalabas sa bibig niya.

"Really? Pero yun ang nakikita ko. Masisisi mo ba ako."

"Wala ako sa mood makipagtalo sayo." Sabi ko sa kanya.

"Anong gusto mong mangyari, Ryca?" He asked. Bigla naman akong kinabahan sa tono niya.

"Wala. Pwede ba Jero. Huwag mong ibig deal to?" Naiinis kong wika.

"Bid deal to sakin. Ilang araw mo akong tinitiis at binabalewala. Dahil lang sa Jeff na yun."

"Jero ano ba? Ganyan na ba kakitid ang utak mo? Tama na nga pwede??" I grunted.

"Alam kong kasalanan ko pero don't you think may mali ka rin?" Hindi ko na gusto ang lumalabas sa bibig niya kaya naman...

"SHUT UP OKAY?? SHUT UP!!! PAGOD AKO!! AYOKONG MAKIPAGTALO!!!" Sigaw ko sa kanya at nilagpasan ko na siya. Hindi naman na niya ako pinigilan. Hinayaan niya lang ako.

Pagpasok ko sa bahay ay sumalampak ako sa sofa at doon ko iniyak lahat ng inis ko.

Kaasar. Bakit ba ganun si Jero?? Di niya ba ako kayang intindihin? Nakakaasar na ha?? Sobra na to.

Habang tumatagal, Our relationship gets blurry.

------------------------------------

Picture: Ryca Anne Villafuerte.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon