Fairytale 40: (Blood)

2.9K 74 0
                                    

Kaira's POV

Isang linggo na pero wala parin kaming nababalitaan about kay Ara.

Nasaan na kaya ang babaeng yun? Bakit ang tagal niyang bumalik?

"Ano? Wala parin?" Tanong sakin ni Ayen. Umiling iling ako. Wala parin talagang paramdam.

Itinago ko ang cellphone ko sa bulsa ko tsaka ko sinuot ang maskara ko. Tutungo kami ngayong Gang Ass. Nabalitaan ko kasing bukas muli ito at napaayos na. Napag-usapan ng Great Circle na pupunta kami dun ngayon para icheck ang buong lugar.

Actually, Hindi na kami great circle dahil wala si Zero at Blinder Princess.

In short. Power Alliance nalang kami.

Sumakay na kami sa motor namin at sunod sunod na nagpaandar. Walo kaming magkakasunod na big bike.

At dahil nga sa mabilis kaming magpatakbo ay nakarating na agad kami sa Gang Ass.

Ibang iba na ang paligid. Ganun parin siya. Closed arena. Kasu nga lang parang lalong lumawak.

Naglakad kami papasok sa entrance. Pagpasok namin sa Loob sumalubong samin ang ingay, amoy ng alak at sigarilyo.

Ang daming gangsters na nakatambay dito.

Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko. Si Andrex pala.

"Lumayo na sila. Sisimulan na nilang magmatyag." Napansin kong wala na sila Ayen sa tabi namin. Tumango ako kay Andrex at sabay kaming naglakad lakad sa paligid.

Lumawak nga ang Gang Ass. At parang mas dumami pa ang gangsters dito.

"Hi miss." Napatingin ako sa lalaking humarang samin ni Andrex.

"Move." Malamig na utos ni Andrex sa lalaki. Wala siyang maskara kaya kitang kita ang panget niyang mukha.

Hindi pinansin ng lalaki si Andrex. Nakatingin lang si sakin at nakatitig.

Napansin kong bumaba ang tingin niya patungo sa may dibdib ko.

"Wow malaki. Ang sarap sigurong hawakan niyan." Akmang hahawakan na niya ako nung may humuli sa kamay niya at pinilipit ito.

Napa aray ang lalaki sa sakit. Itinulak siya si Andrex palayo.

"Ang bilis mo parin." Naiiling kong sabi kay Andrex.

"Tsk. Kabadtrip manyak dito." At hinila na niya ako.

Naglibot libot kami sa paligid at nagmamatyag kung may kakaiba ba.

"May napapansin ka bang kakaiba?" Umiling iling ako.

Wala namang kahina hinala dito.

I scan the whole place until one person caught my attention.

I ran towards him.

Naramdaman ko namang nakasunod sakin si Andrex.

Nung nasa harap na niya ako ay agad akong nagsalita.

"Ian or Dale?" I asked.

"Dale." Nakangiti niyang sabi.

Oo nga pala. Nung araw na bigla nalang siyang lumitaw sa bahay nun, Ikinwento niya samin lahat ang totoo. Nung una ayaw pa naming maniwala pero naniwala na rin kami. Kinwento niya rin lahat ng dahilan kung bakit nagpanggap si Ian na Dale at kung bakit pinalabas niya na nagtraydor siya. Naikwento niya rin na dalawa sila ni Ian na Mafia Reaper. Hindi ko alam kung bakit niya ikinwento ang lahat ng yun. Pero nagpapasalamat parin ako dahil malaking tulong ang impormasyon na iyon sa amin.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon