Fairytale 6: (They meet again)

4.1K 85 0
                                    

Ara's POV

"Back off. She's mine." Sabi ni Chris. Inagaw niya ang kamay ko kay Ian na ngayo'y nanlalaki ang mga mata.

"A-are you two..." Hindi na pinatapos ni Chris si Ian at siya na ang nagsalita.

"Yes. Kaya lubay lubayan mo ang girlfriend ko." Nanlaki nanaman ang mga mata ko sa sinabi ni Chris.

The heck is wrong with this guy? Anong bang pinagsasabi niya?

Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tinignan siya ng matalim.

"Kelan pa naging tayo?" Tanong ko sa kanya.

From my peripheral view. I saw Ian smirk.

"Aww. Kala ko lulusot. Ikaw talaga Ara. Panira ka." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Chris. What the?

"Pinapasakit mo ulo ko." Aalis na sana ako pero hinila ako ni Ian.

Ano nanaman bang gusto nito? Lintek na yan. Naiinis na ako!

"ANO??!!" Naiirita kong sabi.

"May pag-uusapan pa tayo." Seryoso niyang saad.

"Kausapin mo yung puno. Huwag si Ara." At hinila na ako ni Chris papasok sa Hotel namin.

Nang makapasok na kami ay kumalas ako sa pagkakahawak niya.

"Makakaladkad ka parang hindi ako nakagown." Sabi ko sa kanya.

"I'm saving you from your ex." Sabi niya at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng Slacks niya.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked him.

"Humihinga? Nakikiparty?" Hindi siguradong sagot niya kaya binatukan ko siya.

"Aray ko naman." Kinamot kamot niya pa ang ulo niya.

"Yung seryoso kasi. Diba nasa New York ka? Bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Wala ka na kasi dun. Boring." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Chill ka lang. Sinundan kita para masigurong tagumpay yung plano mo." Ngumiti pa siya niyan.

"Whatever." I rolled my eyes at ngumiti lang siya sakin.

Teka? Bakit kahawig niya si Ian?

"Sigurado ka bang hindi mo kamag-anak si Ian? Magkahawig kasi kayo eh." Sabi ko sa kanya.

"Mas gwapo naman ako dun." Nagpogi sign pa siya niyan.

"Di nga? Hindi ka ba related sa kanila?" I asked.

"Ewan ko. Pakialam ko sa kanila." Kahit kelan talaga napakawalang kwentang kausap ng isang to. Sarap bangasan.

Iniwan ko nalang siya dun at naglakad na pabalik sa table namin.

Narinig ko naman na tawa siya ng tawa sa likod ko.

Bahala siya jan magmukhang baliw. -______-

Clyde's POV

"Ang galing niya no? Napasok niya ang kompanya niyo?" Sabi ko kay Ian na kasalukuyang kalaro ko ng chess. Nandito ako sa opisina niya ngayon. Siya na ang may-ari ng Extinct's diba?

"Tsk." Nakakatawa talaga to.

Pero aaminin ko. Napabilib ako ni Ara. Walang ka ide idea si Sir Arnolfo na si Ara na pala ang tumutulong sa kanila. I wonder kung paano niya nagawa yun.

"Checkmate." Tuwang tuwang sabi ko. Yes. 1-1 na kami ni Ian.

"Namiss mo no? Apat na taon rin yun." Sabi ko sa kanya. Tumalim ang tingin niya sakin.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon