Fairytale 35: (Meanwhile)

3.2K 73 0
                                    

Ryca's POV

"Okay. That's all. Break time na." Napahinga ako ng malalim nung sabihin yan ng photographer ko.

Hindi kasi si Ayen ang photographer dahil on leave siya. Buti pa siya.

Habang umiinom akong tubig may nag-alok sakin ng bimpong pamunas. At pagtingin ko.

"Salamat Jeff." Nakangiti kong sabi sabay kuha sa inaabot niyang bimpo.

"Welcome." Nakangiti niyang sagot sabay upo sa tabi ko.

"Kamusta na pala kayo ni Jero?" Natigilan ako nung tinanong sakin yan ni Jeff.

"Hindi pa kami okay. Since nagkasagutan kami last week. Hindi na siya nagpaparamdam. Parang nagsawa na kasusuyo." Malungkot kong sabi.

"Ikaw kasi. Papakipot ka nalang yung sobra pa." Sabi niya sa tono ng nang-aasar kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang mean." I pouted pero tinawanan niya lang ako.

"Ahemm." Natigil kami sa pagkukulitan ni Jeff nung may biglang tumikhim. At pagtingin namin. Si Fire pala.

"Wow. Ang sweet ah." Sabi pa niya kaya naman napakunot ang noo kong tumingin kay Jeff at nakakunot din ang noo nito.

"Nasa labas yung boyfriend mo at gusto ka daw makausap." Matapos sabihin yan ni Sapphire ay umalis na siya sa harapan namin ni Jeff.

"Selos yun. Amuhin mo." Sabi ko kay Jeff.

"Huh? Bakit naman siya magseselos?" Ang manhid naman ni Jeff.

"Duh. May gusto kaya sayo yung si Fire." Sabay kindat ko pa kay Jeff. Kumunot naman ang noo niya na waring nagtataka. Natawa nalang ako at lumabas ng studio. Paglabas ko ay bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko si Jero na may dala dalang boquet of pink roses. My favorite.

"Hi." Awkward na bati ko sa kanya.

"I miss you." Pagkatapos niyang sabihin yan. Natunaw lahat ng inis at pagtatampo ko sa kanya.

Parang kanina lang ang lungkot ko dahil hindi siya nagpaparamdam sakin at hindi ako sinusuyo pero ngayon, He is standing handsomely infront of me smiling.

"Halika nga dito. I need a hug." I said then streched my hands na akmang yayakapin siya. Nakangiti siyang lumapit sakin. Inabot ang bulaklak at niyakap ako.

"Sorry kung ang seloso ko. Sorry kung ang kitid ng utak ko." Sabi niya sakin sabay halik sa ulo ko.

I smiled.

"Sorry kung ang arte arte ko. Huwag ka sanang magsasawa sakin." Sabi ko naman sa kanya.

"Hindi ka si Ryca Anne kung hindi ka maarte. Ikaw kaya ang queen bee na minahal ko ng sobra." He said. Hinigpitan niya ang yakap sakin.

"Kaya mahal kita eh." Sabi ko naman sa kanya ng nakangiti.

Oh ha? Bati na kami. Ganyan talaga pag mahal niyo ang isa't isa. ^_______^V

Jeffey's POV

Si Fire? May gusto sakin?

Napangiti ako habang iniisip ang sinabi sakin ni Ryca kanina.

Tinignan ko si Fire na kasalukuyang inaayusan ng make up artist niya. Siya na pala ang susunod na kukuhanan.

Matagal ko ng gusto si Fire. Kaya naman nung sinabi sakin ni Ryca kanina na may gusto sakin si Fire, Natuwa ako. Ayoko pang maniwala nung una kaya napakunot ang noo ko.

Kahit pa gustuhin kong pormahan si Fire. Hindi ko magawa. Bakit?

Isa akong mafioso. At ayokong madamay siya sa gulo ng mundo ko. Ayokong magaya si Fire kay Ara na pinag-iinitan ni Sir Arnolfo dahil attached dito ang kambal na mafia reaper.

Alam ko rin na nahihirapan si Clyde kay Shantal dahil hindi niya alam kung panu ito proprotektahan.

Kilala sa business world ang pamilya ni Shantal kaya naman madali lang itong makilala ni sir Arnolfo.

Isang batas kasi sa VMafia na bawal may madawit na labas sa famiglia.

At isa na rito ang pagkakaroon ng kasintahan.

I looked at Fire.

Normal lang siyang dalaga at ayokong gawing komplikado ang buhay niya dahil lang sa akin.

Mas gugustuhin ko pang mahalin siya ng palihim kesa sa madamay siya sa gulo ng buhay ko.

"Lalim ng iniisip natin ah?" Binalingan ko ang nagsalitang si Ryca.

Nakabalik na pala siya.

"Ano na? Hindi mo ba type si Sapphire?" Tanong niya sabay taas baba ng kilay. Ngayon ko lang napansin ang boquet na dala dala niya. Mukhang ayos na sila ni Jero.

"Mukhang ayos na kayo ah?" Sabi ko sa kanya.

"Huwag mong ibahin ang usapan." Natatawa niyang sabi kaya napatawa nalang din ako.

"Fire deserve to have a normal life. And she'll never have it with me." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

Kilala ko si Ryca. Alam kong former gangster siya ng association na ginawa ni Clyde noon. Alam kong isa siya sa mga gangters na ginamit ni Clyde para mapagtakpan ang talagang misyon niya nung pinadala siya ng mafia. Alam kong isa si Ryca sa naging laruan ng mafia famiglia.

Sa tingin sakin ni Ryca ngayon. Alam kong kinikilatis na niya ako.

Inangat ko ang laylayan ng damit ko at pinakita sa kanya ang tatoo ko na may crest ng VMafia.

Isa itong phoenix na may kagat kagat na rosas. Yun ang tatak ng VMafia.

Nanlaki ang mga mata ni Ryca at napatakip siya sa bibig niya.

"M-mafioso k-ka?" Hindi nakapaniwalang tanong niya kaya tinanguan ko lang din siya.

Gulat na gulat parin siyang nakatingin sakin at mukhang hindi makapaniwala.

"Kaya kahit gustuhin kong umamin kay Fire, hindi ko magawa." Sabi ko.

------------------------------------

Author: Baka maging mas maikli lang ang book 2 kesa sa book 1.

Vote and Comment.

~Hee

Pic. Jeffey Minyeor <3

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon