Fairytale 28: (She's Jealous)

3.2K 74 0
                                    

Ara's POV

Bothered parin ako ng nakita ko sa mall nung isang araw kaya naman pinapunta ko si Chris dito sa opisina. Mas mabuti na siguro na tanungin ko nalang siya.

Pero kung may tinatago siya. Malamang naman ay hindi siya magsasalita. Kailangan kong makaisip ng paraan para mapaamin siya ng hindi niya napapansin.

Busy ako sa pag-iisip nung may biglang pumasok sa opisina ko at pumasok ang taong kanina ko pang hinihintay.

"Himala at inimbita mo ako ngayon." Ngiting ngiting sabi niya. Pero ako, seryoso lang na nakatingin sa kanya.

Bahala na.

"Yung nakita ko sa mall nung isang araw. Ano yun." I started asking.

Hindi naman bakas ang pagkagulat sa mukha niya na tila ba ineexpect na niya ang tanong ko.

"Anong nakita mo?" Inosente niyang tanong bago umupo sa upuan sa harap ng lamesa ko.

"Stop acting dumb." I said.

"What are you talking about?" Nakakabobo talagang kausap ang isang to.

"Oh please, Christian. Sino ka ba talaga? Anong koneksyon mo kay Ian?" Taas kilay kong tanong.

Aaminin ko. Si Christian ang tipo ng taong may nakakaintimidate na aura. Pero syempre hindi ako papatalo.

"Eh ikaw, Ara? Sa tingin mo? Sino ba talaga ako?"

"Huwag mo akong paikut-ikutin." Nagcross arms ako bago siya tignan mata sa mata.

"Nakikipag eye contact ka na sakin ngayon? Baka mainlove ka niyan?" Nakangisi niyang sabi. Kelan ba kasi sasagot ng matino ang isang to? Nabwibwisit na ako.

"Uulitin ko. Who are you. And what is your connection with Ian?" I asked firmly.

"I'm Christian Kim. The most handsome guy ever lived." Agad kong binunot ang baril ko sa likuran ko at itinutok sa kanya.

"I can shot you right in the head if you keep on answering my questions sarcastically." I said seriously.

Hindi naman siya natakot. Nakangiti pa siya habang nakatingin sakin.

I guess tama ang hinala ko.

"Chill Ara. You're too hot." And he winked.

Binaba ko ang hawak kong baril tsaka ko sinipa ang lamesa ko patumba sa kanya pero nakaiwas siya and he did it in a swift move. Nakapamulsa pa siya.

"Halla? Anong trip mo Ara? Bakit ka nagkakalat?" Pakshet. Painosente ang gago.

"Sumagot ka ng matino Chris. Kaano ano mo si Ian?" This time seryoso na siyang tumingin sakin. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan sa mga titig niya.

"Pag sinabi ko bang hindi si Dale si Ian, maniniwala ka?" Napakunot ang noo ko. Ano nanamang kinalaman ng pagkatao ni Dale dito? Well, oo. Si Ian and Dale ay iisa. Pero ano nanaman tong sinasabi ni Chris na hindi daw si Ian si Dale?

"I guess not." Tumalikod na sakin si Chris. Akala ko lalabas na talaga siya ng opisina ko pero tumingin lang ulit siya sakin.

"Sino ako? Hindi mo na kailangang malaman ang katauhan ko. Pero isa lang ang sisiguraduhin ko sayo. Kakampi niyo ako." Matapos niyang bitiwan ang mga salitang yan ay lumabas na siya. Leaving me clueless and confused.

And in an instant. Bigla nanaman akong napaisip. Bakit ganun? Napaka misteryoso ng katauhan ni Ian or Dale?

Yung nangyari four years ago. Hindi pa ba tapos yun?

Or may mga sikreto pang papasabugin?

Lumabas ako ng opisina ko.

Napagdesisyunan kong puntahan ang Extinct's. Kailangan ko pang hanapan ng butas ang kompanyang iyon para tuluyan ng mapabagsak. Balita ko, Nagkakagulo na doon ngayon.

Syempre. Kagagawan ko.

At dahil big bike ang gamit ko ngayon. Mabilis ko itong pinatakbo. Naka short shorts lang ako kaya naman okay lang na sumakay. Simple lang naman ako manamit. Isang off shoulders na hanging blouse, Sando sa loob at short shorts. Nakarubber shoes lang ako.

Mabilis ang patakbo ko sa big bike ko. At dahil sa ako nga si Ara Arceo. Pinatalon talon ko pa ang big bike ko. Nakakamiss magdrive ng ganito. Nung mga panahong may gang ass pa.

Pagkarating ko ng Extinct's company. Agad akong pumasok. Syempre kilala ako dito.

Pagkapasok ko nakasalubong ko ang may-ari ng kompanyang ito.

Si sir Arnolfo.

"Anong ginagawa mo dito." Whoa. Halatang galit tong hukluban na to.

"May share ako dito diba? Kaya pwedeng pwede akong umeksena anytime I want." Sabi ko sabay ngiti. Mukha namang hindi niya nagustuhan ang inasal ko kaya naman tumalim ang tingin niya sakin.

"Ara Arceo. Sayo nagsimula ang lahat." Seryoso niyang saad. Hindi ko man naintindihan ang ibig niyang sabihin. Ngumiti parin ako ng nakakaloko.

"Talaga? I'm flattered." I said kaya lalong tumalim ang tingin niya sakin.

Ngumisi lang ako sa kanya tsaka nagtuloy sa paglalakad.

Arnolfo Kim. 63 years old na pero bakit ang hirap niyang pabagsakin? Ganyan ba talaga kahirap harapin ang leader ng mafia famiglia?

Napatigil ako sa paglalakad nung makasalubong ko sina Ian at ang isang babaeng kung makalingkis sa kanya akala mo sawa.

Amber Lerago.

"Oh. If it is not Miss Arceo." Ngisi sakin ni Amber nung mapansin niya ako at lalo pang dumikit kay Ian.

Biglang nag-init ang ulo ko.

"Oh? Bakit ka ganyan makatingin samin? May mali ba?" Tanong ni Linta.

"Oo. Yung mukha mo. Mukhang abstract." Mataray kong sabi.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Taas kilay na tanong sakin ni Ian.

"Paki mo? Inggit ka? Magsuot ka rin ng ganito." Sabay roll eyes ko pa.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Linta sakin.

"Bakit? Bawal ako dito? Ikaw nga nakikidayo rin eh." Sagot ko naman sa kanya.

"Anong problema mo?" -Ian.

"Wala!!" Sigaw ko sabay walk out. Kaasar. Bakit ba nakalingkis yung Amber na yun kay Ian? Sila na ba? Pwe!! Parang kelan lang sinabihan niya akong mahal niya ako!

Tapos ngayon sa iba na nakalingkis. Lokohan?

"Peste ka Ian!! Sakit mo talaga sa ulo! Bwisit!!!" Pagdadabog ko habang naglalakad palabas ng building.

Hindi ko na natuloy ang pakay ko. Kaasar!

Natigil ako sa paglalakad nung may humila sa braso ko.

Pagtingin ko. Si Ian.

"Oh? Nandito ka? Iniwan mo yung lintang nakalingkis sayo??"

Hindi siya sumagot. Sa halip, Ngumisi lang siya sakin.

"Nagseselos ka ba?" Tanong niya.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"Selos?? Ako?? Asa!! Bitaw nga!" Iwinaksi ko ang kamay niya pero ayaw akong bitawan.

"Nagseselos ka nga." Parang tuwang tuwa pa siya.

"Haha. I knew it. Mahal mo pa ako." Lalo lang ako nainis sa sinabi niya kaya naman tinapakan ko siya sa paa at napaaray siya sa sakit.

"I'm not jealous! Huwag kang assuming!" At tsaka ako naglakad palayo sa kanya.

Me?? Jealous?? The hell! Never!!!

------------------------------------

Picture: Onyx Havier.

(Haha wala lang. Gusto ko lang magpost ng pic ni Onyx.)

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon