Fairytale 45: (Epic Date)

3K 62 0
                                    

Ara's POV

Nandito na kami ngayon sa kotse ko. Oo.Kotse ko ang ginamit dahil nagkasagutan pa kanina sila Ian at Dale kung kaninong kotse ang gagamitin. At dahil parehas ayaw magpatalo. Sinabi ko nalang na kotse ko ang gagamitin. Kaso nagkaproblema ulit kami. Eh kasi nag-aaway sila kung sinong tatabi sakin kaya in the end. Si Ian ang pinagdrive ko at si Dale ang nasa tabi niya. Nasa likod lang ako at tahimik na nagsasight-seeing.

Ano nalang kayang mangyayari saming tatlo kung hindi magkasundo tong dalawang to? Tsk.

**

Nandito na kami sa Mall. Wala naman kaming ibang mapuntahan kundi dito eh.

Nagyaya akong bumili ng ice cream kaso pagdating namin sa bilihan...

"Ako na ang magbabayad." -Ian sabay labas ng wallet niya.

"Hindi. Ako nalang magbabayad." -Dale at naglabas din ng wallet.

Nagbangayan sila ng nagbangayan. Mga ayaw patalo sa isa't isa. Yung salesboy napapakamot nalang sa ulo niya. Kaya para matigil sila sa pag-aaway naglabas ako ng 100 pesos.

"Keep the change." I said sabay higit sa dalawa.

"Yan kasi. Babae pa pinagbayad mo!" Sigaw ni Dale kay Ian.

"Huwag kang maghugas kamay bro!" Sabi naman ni Ian.

Sinamaan ko sila ng tinging dalawa kaya natahimik na sila.

Nakakaasar na sila. Imbis na mag-enjoy ako ngayon, Para pa akong nag-aalaga ng dalawang batang maliit.

Habang naglalakad kami sa mall pinagtitinginan tong dalawang kasamahan ko.

Pinagitnaan kasi nila ako, Buti nalang hindi ako ganun kaliit. Kundi nakakahiya naman sa tangkad nilang dalawa.

Naagaw ng atensyon ko yung Timezone kaya doon kami pumunta. Actually, sumunod lang sila sakin.

Nagkaproblema nanaman kami sa bibili ng tokens kaya pinag jack en poy ko nalang sila, Kung sinong manalo, Siya ang bibilis ng tokens. Hindi naman pwedeng ako ng ako ang gumastos. Malulugi ako sa dalawang to.

Si Ian ang nanalo sa Jack en Poy kaya siya ang bumili ng tokens. Nang makabili na kami ay sinabihan ko silang magkanya kanyang arcades kasu nakasunod parin silang dalawa sakin.

Sa basketball shoot out ako naglaro at doon din sila. Ineenjoy ko ang sarili ko sa paglalaro para makarami ako ng ticket nung nay nagtabi sakin kaya hindi ko naishoot yung last ball.

"Fvck! What the..." Pero natigilan ako nung makitang napapaligiran na pala ng maraming kababaihan ang dalawang kasama ko. Nagpaparamihan sila ng maishooshoot sa bola at ang daming tumitili sa kanila. Para silang naging instant artista.

At dahil mejo nahihirapan akong makita sila.

"TABI!!" Napatingin silang lahat sakin nung sumigaw ako. Tinignan ako nung babaeng mas bata sakin pero mas maganda ako.

"Ano bang problema mo ate? Kita mong nanunuod kami." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi ko kasi makita ng maayos yung naglalaro." I said.

"So? Problema pa namin ngayon yun?" Tinaasan niya din ako ng kilay. Napangisi ako.

"Hindi. Pero pag hindi ka umalis jan magkakaproblema ka talaga." Mataray kong sabi.

"Ang yabang mo ha! Porket mas matanda ka lang sakin?" Sabi niya kaya napangisi ako lalo.

"Oo naman. Mas MAGANDA talaga ako sayo." I said emphasizing the word maganda.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon