Fairytale 8: (Jerk!)

3.7K 96 1
                                    

Ara's POV

"Ara. May bisita ka sa baba." Tawag sakin ni mommy mula sa pinto.

I looked at my alarm clock and it's 9:00 in the morning.

Sino namang bibisita sakin ng ganito kaaga?

"Susunod na po." I told my mom. Siya lang ang nandito. Si Dad nasa US pa. Maraming inaasikaso yun.

Bumangon na ako and do my morning rituals.

Bumaba na ako sa salas at laking gulat ko ng makita ang epal na lalaki na nakaupo sa sofa namin at nagbabasa ng magazine.

Binilisan ko ang paglapit sa kanya at inagaw ang magazine na hawak niya tsaka ko ito pinukpok sa kanya.

"Ouch. Ganyan ka ba mag goodmorning sa bisita mo? Ang sweet mo naman." Naiinis niyang sabi.

Tinignan ko siya ng seryoso.

"Anong ginagawa mo dito?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Sinusundo ka." Cool na cool pa siya. Anak ng tinapa tong si Chris. Ang aga aga binubwisit ako!! Letche lang!!!

"Umuwi ka na." Utos ko sa kanya at tinignan ko siya ng masama. Makuha ka sa tingin.

"Ayaw. Magbihis ka na." Napataas ang kilay ko. Ang kapal. Bakit niya ako uutusan? Close ba kami? Sa pagkakaalam ko hindi.

"At bakit ako magbibihis?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi ang panget ng suot mo." Aba. Gagong to!

"Kapal mo. Mas mukha pang pang alis ang pambahay ko sa lahat ng mga damit mo." Asik ko sa kanya at tinawanan niya lang ako.

"Ano ba? Umuwi ka na nga!" Hinihila ko ang kamay niya pero ayaw niya tumayo kaya tinigilan ko na. Give up ako sa kabaliwan ng hunghang na to.

"Ano ba kasing kailangan mo at dinayo mo pa ako dito sa bahay." Naiirita kong tanong sa kanya.

"Samahan mo ako sa mall. Konti lang ang nadala kong damit dito sa Pilipinas at kailangan kong bumili." Kinuha ko ang magazine at pinukpok ko ulit siya.

"Bwisit ka! Ayan lang ang pinunta mo dito?" Nanggagalaiti kong sabi sa kanya. Tinaas niya lang ang kamay niya at halatang nagpipigil ng tawa.

Ibang klase talaga. Siya lang ang nakakagawa ng ganto. Ang galing niya pagdating sa pagpapainit ng ulo. The best. Sarap niyang saksakin!

"Ano sasamahan mo ba ako o hindi?" Tanga ba siya? Obvious na ayaw ko eh. Tsk.

"NO! MAG-ISA KA!" Bwisit siya. Sinira sira ang umaga ko papasama lang sa mall. Paki ko ba kung wala siyang damit? Maghubad na siya araw araw. Peste.

"Papayag ka. Sinasabi ko sayo." Inirapan ko lang siya at umakyat nalang ulit si kwarto ko. Tatawa tawa pa siya. Bwisit ang saya niya!

Padabog kong sinara ang pinto at nagtungo sa kama ko.

Nagring naman agad ang phone ko kaya dinampot ko ito. Pero nung makita ko kung sino ang caller ay nireject ko sabay tanggal ng battery. Letse talaga yang Chris na yan. Arrrggghh. He's really good in ruining my day. >_____<

Nahiga lang ako sa kama ko.

Ilang minuto ko sigurong pinapalipas ang galit ko nung biglang nagbukas ang pinto. Sheyt. Di ko nailock. -_____-

"Bakit ka nan---di to D______O" Nakain ko na ata ang sasabihin ko. Eh panu ba naman pagkatingin ko sa pumasok si Chris na nakatopless. Aish!! Naknang tupa! Lakas makadumi ng utak.

Di naman sa first time kong makakita. Nakita ko na abs ni Ian noon. Ahemmm. NOON AH! Nung nasa pool kami nung nagchristmas party kami kila Ayen.

(Author: Oo na Ara. Ang defensive mo.)

Shut up miss A.

(Author: This brat. You shut up. -_-)

Talk to my fist.

(Author: Babaeng to. Init ng ulo. Sige na nga! Magkwento ka na!)

Arrghh. Dagdag pa daw ba sa init ng ulo ang author?

"Oh? Nganga ka jan?" Nakasmirk naman tong gagong to.

"Gago ka. Anong trip yan? Pag nakita ka ni mommy baka kung anong isipin nun! Magdamit ka nga!!" Utos ko sa kanya.

"Wala na nga akong damit diba? Kaya nagpapasama ako sayo sa mall kaso ayaw mo naman." Anong akala ng hunghang na to? Mauuto niya ako? Neknek niya!

"Anong tawag jan sa hawak mo? Hindi ba damit yan? Magdamit ka! Letse." Binato ko siya ng unan kaso nasalag niya.

"Nakakailan ka na sakin ha!" Lumapit siya sakin then pinned my hands above my head. Puro sipa lang tuloy ang ginagawa ko sa kanya.

Tengenesh mukha akong nirerape dito.

"Umayos ka nga Christian! Arrgghh. Let me go!! You filthy piece of sh*t!!" Palag ako ng pala pero ayaw niya akong bitawan.

"Umoo ka nalang kasi na sasamahan mo na ako sa mall. Yun lang kasi Liara. Ang init ng ulo mo agad eh." Ganun parin ang posisyon namin. Eeessshh! Bakit ba ang lakas ng tukmol na to? Hindi ako makapwersa. Napipigilan niya.

Pag pumasok si mommy at maabutan niya ka----

"Ara----Oh. Sorry." Sh*t! Eto na nga kasi ang sinasabi ko.

"Oh hi tita. Ayaw talaga akong samahan ni Ara sa mall kaya rereypin ko nalang siya." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Chris kaya naman in an instant ay naheadbat ko siya kaya nakawala ako sa kanya. Agad akong tumayo at lumapit kay mommy.

"Mom! It's not what you think!" Sabi ko at nagulat ako nung tumawa si mom at pinat ako sa balikat.

"Ano ka ba Ara. Masyado kang defensive. Pumasok nga pala ako para sana utusan kang magmall at may ipapabili ako sayo kaso mukhang nag-eenjoy pa kayo ni Christian kaya sige a---" I cut her off.

"No mom!! Okay lang. Nagpapasama rin po kasi sakin si Chris sa mall kaya pupunta na ako, Magbibihis lang po ako." Natawa at napailing lang si mom.

"I thought ayaw mo akong samahan? Dito nalang tayo sa kwarto mo. Tutal nag-eenjoy ka naman sa view diba?" Binalingan ko siya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Shut up jerk!! Bumangon ka na jan at bumaba ka na!! Magbibihis ako!! Pupunta na tayong mall!!" Nagulat ata sila ni mom sa pagsigaw ko pero agad ring napatawa.

Umalis na si mom after niyang iabot sakin ang shop list. I looked at Chris.

"Ano pang ginagawa mo dito?" Taas kilay kong tanong.

"Diba magbibihis ka? Dali na. Papanuorin kita." Nag-init ang ulo ko kaya naman inalis ko ang tsinelas ko at binato ko siya. Tawa naman ng tawa ang gago.

"Jerk!!! Lumayas ka sa harap ko!! Arrghhh!!" Tatawa tawa siyang tumayo at lumabas ng kwarto ko.

Agad ko namang sinara ang pinto at nilock. Mahirap na baka sumilip pa ang manyak.

"I TOLD YOU PAPAYAG KA RIN!! HAHAHA" Narinig kong sigaw niya mula sa labas.

"SHUT UP JERK!!! GO TO HELL!!" Sigaw ko at nagdadabog na kumuha ng mga damit na isusuot.

Bwisit talaga yun.

I always keep my temper pero pag siya na ang kaharap ko sumasabog ako. That Jerk!! Aaiiisssshhh!!!

--------------------------------

Author: Bagay sila no? (Shin Se Kyung and Kris Wu) Hahaha. Ang cute nila. Tignan niyo sa cover ^_^

~Psh<3

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon