Fairytale 16: (Memories)

3.4K 83 0
                                    

Ara's POV

Feeling ko pagod na pagod ako ngayong araw na to. Pero totoo. Pagod nga ako. Matapos kasi nung bugbugan na yun dinala pa namin sa hospital si Sapphire. Mahimatay daw ba?

Buti nalang pala talaga at nasabihan kami agad ni Ryca. Kundi baka kung ano na ang nangyari dun sa babae.

Napatingin ako sa maskara at katana ko.

"Tss. Akala ko di ko na kayo magagamit." Naiiling kong sabi.

I already burried the memories of my gangster's life four years ago. Pero di ko akalain na magagamit ko ulit sa ganung paraan ang kakayahan ko.

Napahiga ako sa kama ko.

Napatingin din ako sa side table ko kung saan nandun ang isang rubix cube na lagi kong nilalaro.

Napangiti ako ng mapait. Yung una kong rubix cube naibigay ko na pala kay Ian.

Nabuo na kaya niya??

Malay ko nalang diba? Apat na taon ang lumipas.

Nahulog yung phone ko sa sahig kaya nag panic ako. Agad akong bumangon sa kama para kunin ang cellphone ko. Yumuko pa ako at ipinasok ang ulo ko sa ilalim ng kama para lang maabot ang phone ko. Nung makuha ko na ay may napansin akong box. Kinuha ko ito at bumalik sa pagkakaupo sa kama.

Naiwan ko pala to dito.

Akala ko nadala ko sa New York.

Puro alikabok na kaya pinagpag ko.

Binuksan ko yung box at napangiti nanaman ako nung makitang nandun parin yung mga laman nito.

Nandito lahat ng bigay sakin ni Ian nung kami pa.

Maliban nalang sa kwintas kasi naibalik ko na sa kanya.

Hindi man nabanggit sa book one pero may mga nireregalo siya sakin. At dito ko nilalagay lahat yun.

Nilabas ko yung maliit na stuff toy. As in maliit lang talaga siya at kasya lang sa palad ko. Kulay blue yung stuff toy. Ang epic nga kung panu niya to binigay sakin eh. Binato niya sakin buti nalang nasalo ko. Tapos ang sabi niya lang.

"Tanggapin mo yan. Huwag kang choosy." -______- oh diba? Ang nice? Kabwisit eh.

Pero aaminin kong nacucutan talaga ako sa bear nato. Parang keychain lang.

Sunod ko namang nilabas yung T-shirt na kulay itim. Ito yung regalo sakin ni Ian nung Christmas party namin kila Ayen 4 years ago.

Plain t-shirt lang siya pero natuwa ako nung may makita akong Nakastitch na 'XanAra' sa bandang babang harap ng damit. Siya daw ang nagstitch nun at tuwang tuwa ako dahil ang isang tulad ni Ian ay nagtahi ng letters sa damit. Nakakaaliw lang.

Yung ibang laman ng box ay pictures at sulat. Sinara ko nalang yung box.

Tama na ang pagrereminisce. Hindi na tulad ng dati.

Napagdesisyunan kong magbihis at agad na bumaba para kunin ang kotse ko. Dinala ko yung box.

"It's time to burry this all." I said at sumakay sa kotse ko tsaka ko pinatakbo patungo sa isang lugar na matagal na panahon ko ng hindi napupuntahan.

Walang pang 30 minutes ay nasa Gang Ass na ako.

Yeah. Dito ako pumunta.

Tinignan ko ang paligid. Parang walang pinagbago. Except the fact na wala ng pumupunta dito para bigyan ng kulay ang lugar.

Pumunta ako sa pinakagilid na part ng gang ass at kumuha ng kahoy. Hinukay ko yung lupa. Hindi naman ako masyadong nahirapan. Nung sakto na ang lalim ay agad akong nilagay dun yung box. Tama to. Dito dapat sa lugar na ito ko ibabaon lahat lahat. Kasi dito nagsimula ang lahat.

Nung matabunan ko na ng lupa ang box na ibinaon ko ay nagpagpag ako ng kamay ko tsaka ako tumayo.

Pero pagtalikod ko ay hindi ko inaasahang siya ang makikita ko.

"Clyde."

"Ara." Napakuyom ako ng kamao. Hinding hindi ko makakalimutan ang pagtatraydor niya.

Napatingin siya sa kamao ko tapos napabuntong hininga siya.

"Ara. Hindi ko sigurado kung makikinig ka sakin pero habang nasa Extinct's ka. Pwede kang mapatay ng VMafia." Napangisi ako sa sinabi niya.

"Tingin mo maniniwala pa ako sayo?"

"Ara."

"Shut up." Napatikom siya sa sinabi ko.

Naglakad na ako paalis at nilagpasan siya. Pero bago pa ako makalayo ay may sinabi pa siya.

"Mafia will be your great death pa di ka pa lumayo."

Anong akala niya? Matatakot niya ako? Ha! Umasa nalang siya.

Hindi na ako marunong matakot ngayon. Para saan pa lahat ng plano ko kung tatalikod ako diba?

Mabilis akong nagdrive pabalik sa mansion namin.

Pagpasok ko sa salas ay naabutan ko doon si Chris na prenteng nakaupo sa sofa. Nanunuod pa ng TV ang ungas. Masyadong feel @ home. Sarap bangasan ng sampu ng matuto.

"Ano nanamang ginagawa mo dito?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Napatingin siya sa direksyon ko at ngumisi.

Bigla niya akong hinagisan ng unknown thing at agad ko naman itong nasalo.

"Ano to?" Tanong ko habang nakatingin sa USB. Yeah, USB ang hinagis niya sakin.

"Panuorin mo pag nabobored ka." Bigla naman akong kinalabutan. Wala pa naman akong tiwala sa tarantadong to.

"Ayoko. Baka kung ano pang meron jan." Sabi ko at hinagis sa sofa yung USB.

Naglakad na ako paakyat sa kwarto ko at hinayaan nalang si Chris dun.

Agad akong humiga sa kama ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong nakahiga nung makatanggap ako ng text.

From: Ungas

Umuwi na ako. Try mong panuorin yun. Haha :)

Tado talaga yung isang yun.

Bumangon ako sa kama at bumasa sa sala. Nakita kong nasa coffee table na yung USB.

Kinuha ko yun tsaka ako bumalik sa kwarto ko at binuksan yung laptop ko.

"Pag ito talaga kalokohan ang laman, Huwag na huwag ka ng magpapakita sakin, Christian Kim!" Wika ko bago ko plinug yung USB at halos malaglag ang panga ko nung inopen ko yung Video.

HUTANGHENA KA TALAGA CHRIS!!!!

------------------------------------

Author: Bitin. I know. Next UD, tomorrow.

Vote and Comment.

~PSHexo27♥

Clyde on the Side.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon