Fairytale 37: (Steal)

3K 71 3
                                    

Ara's POV

"ARA!!!!" Napatingin ako kay Kaira na pumasok sa opisina ko na hindi man lang kumakatok.

Anong kailangan ng isang to ngayon?

"Oh?" Bored kong tanong.

"May nagrerevive ng Gang Ass." Natigilan ako sa binalita niya sakin.

Tinignan ko siya ng seryoso at naghintay kung may susunod pa siyang sasabihin pero hindi na siya nagsalita. Parang naghihintay ng irereact ko.

"Ahh." Sabi ko at humarap nalang ulit sa laptop ko. Bigla siyang lumapit sa table ko at ibinagsak ang dalawa niyang kamay doon.

"Ayan lang reaction mo? Hindi ka magagalit?" Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

"Pakialam ko ba kung may nagrerevive ng Gang Ass? So? Ano ngayon? Bahala sila sa buhay nila." Sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa.

"P-pero... Hindi ka ba natatakot na gamitin ito ng VMafia at mandamay pa sila ng ibang tao para lang paghigantihan tayo?" Napatigil ulit ako.

Gagamitin nga kaya ito ng VMafia against us? Against me?

I sighed and look at Kaira na parang dismayado na.

"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko sa kanya.

"Pigilan mo ang pagrevive nila sa Gang Ass. Baka maulit lang ang nangyari noon. Baka ginagamit nanaman ito ng VMafia para may mabiktima ulit." Sinara ko ang laptop ko at sumandal sa swivel chair ko.

"Sino ba ang nagrerevive ng Gang Ass?" Tanong ko kay Kaira. "At saan mo nalaman ang balitang yan?" Dagdag ko pa.

"Napadaan daw si Andrex dun kanina at may nakausap siyang mga tao. Nagtataka siya kung bakit parang under construction ang Gang Ass at sinabi daw ng mga taong yun na nautusan lang sila na iyusin ito." Paliwanag niya.

"Anong ginagawa ni Andrex dun?" Taas kilay kong tanong.

"Ewan ko ba sa lalaking yun at naisipang dalawin ang Gang Ass. Minsan kasi malakas lang ang trip niya sa buhay." Hindi ko nalang ulit pinansin si Kaira at kinuha ko nalang ang phone ko.

Tatawagan ko sana si Chris pero natigilan ako saglit.

I can't trust him right now. Lalo na at kaduda duda siyang tao. Hindi ko siya pwedeng utusan na alamin ang tungkol sa pagrerevive ng Gang Ass.

Nag-isip ako ng pwedeng kontakin nung mapatingin ako kay Kaira na mukhang malalim din ang iniisip.

"Kaira. May misyon tayo." Wika ko sa kanya at napatingin naman siya sakin na parang nagegets na niya ang ibig kong sabihin.

Third Person's POV

"Sir. Aabutin daw po ng dalawang linggo ang pagsasaayos." Pinatay ng lalaki ang sigarilyo niya at tumingin sa kanyang tauhan.

"Good. Mabilis lang pala." Ngumisi ang lalaki tsaka nagsinding muli ng isa pang sigarilyo.

Hinithit niya ito at binuga.

"Sabihan niyo agad ako pag ayos na ang lahat." Sabi ng lalaking naninigarilyo.

"Ano ho bang balak niyo sa lugar na yun?" Tanong ng tauhan niya sa kanya.

"Gagamitin ko yun para pabagsakin sila at para na rin gumanti sa lahat ng nagawa nila." Tinapon ng lalaki ang sigarilyo niya at pumasok na sa kotse niya.

'Babawi ako.'

Yan ang tumatakbo sa isip ng lalaki ngayon.

Christian's POV

Sh*t. Ang hirap nitong ginagawa ko. Kanina pa ako nakakapit dito sa sanga ng punong ito. Kailangan kong makapunta sa terrace ng kwarto niya dahil kung hindi, hindi ko makukuha ang dapat kong kunin.

Nagpakahirap na ako para lang maakyat ang mataas na pader na iyon ng hindi nahuhuli tapos pagdating dito susuko na ako?

Konti nalang. Konti nalang mararating ko na ang dapat kong marating.

Tumayo ako sa sanga ng puno tsaka kumapit sa isa pang sanga.

Huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa baba. Isang maling galaw lang mahuhulog ako at sa kinatataasan ng lugar ko ay for sure patay ako neto.

Bahala na. Kaya ko to.

Tumalon ako at mukhang siniswerte ako dahil nakahawak ako sa railings ng terrace.

Inakyat kong muli ito at pumasok na sa may terrace. Pinagpag ko ang damit kong nadumihan.

Dahan dahan akong naglalakad at pinihit ang door knob ng pinto pero nakalock.

Lumayo ako at kumuha ng bwelo sabay sipa sa pinto at ayun! Bukas na. Sira nga lang ang pinto.

Pagkabukas ng pinto ay bumungad sakin ang dalawang lalaking nakaitim. Tauhan niya ito malamang.

Tinutukan nila ako ng baril. Tig dalawa pa sila. Ang daya. Samantalang ako iisa ang baril na hawak.

Buti nalang nakamaskara ako.

"I'm DCV. The mafia reaper. Mawalang galang na pero pwede bang tumabi kayo at may kukunin pa ako." Sabi ko sa kanila. Kumunot ang noo nilang pareho.

Susugurin sana ako nung isang bantay pero lumuhod ako at pinaputukan siya sa bandang ano na. Hahaha. Alam niyo na yun.

Aure dead malamang yan. Wahahaha.

Kinuha ko ang baril na isa nung binaril ko tsaka tumayo.

"Huwag mong sabihing lalabanan mo ako? Hindi mo ba nababalitaan kung ilang tao at grupo na ang napatay ko?" Ngumisi pa ako. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko kaya naman nanginginig niyang binitawan ang baril niya at nagtatatakbo palabas ng kwarto. Natatawa ako sa isang yun. Masyadong takot.

Tumingin ulit ako sa lalaking binaril ko at mukhang may balak pang bumangon.

Aba aba. Lalaban ka pa ha.

Nilapitan ko siya tsaka siniko ang batok niya ng pagkalakas lakas kaya ayun! Nakatulog

Lumapit ako sa may pintuan at nilock ito.

Nagsimula na akong mangalkal sa drawers hanggang sa makita ko ang files na kailangan ko.

Napangiti ako.

Ito ang kailangan ko.

Buti nalang pala at nahanap ko agad ang bahay ng taong yun kaya alam ko kung nasan ang mahahalagang papeles.

Itong mga papeles na ito ang magpapalaya sa amin ng kapatid ko.

Nakita kong gumagalaw ang door knob kaya tumakbo ako patungo sa pinasukan ko kanina at tumalon.

Maayos naman ang pagkakalanding ko dahil may maliit na parachute sa likod ko. Syempre gagawa ako ng misyon kaya dapat ready ako.

Buti nalang walang katao tao dito.

Dumaan ako sa pathway na dinaanan ko kanina at sumakay sa motor ko.

Agad kong pinaharurot ito patungong gate at nakalabas ng wala man lang nakakapansin sakin.

And yeah. I'm Dale Christian Villegas, the other mafia reaper.

Ako yung sumugod kila Jero noon.

Ako rin yung dumukot kay Ara para kausapin siya.

Ako yun at hindi si Christian.

Bakit ko ginawa yun?

Ayokong magsolo sa laban ang kapatid ko. Kakampi niya ako kahit hindi halata.

Pinatakbo ko ng sobrang bilis ang motor ko habang may ngiting tagumpay sa mga labi ko.

Malapit na kaming makalaya sa pagiging Mafioso.

Konting tiis nalang.

------------------------------------

Author: Ahmmm. Comment? Hahaha.

~HEE

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon