Fairytale 23: (Twin Brothers)

3.3K 77 2
                                    

Clyde's POV

"Kill her, Xandrei. O ako ang papatay sa kanya." Napaclose fist si Ian nung sabihin yan ni Sir Arnolfo.

Galit na galit si Sir Arnolfo ngayon dahil sa nangyayari sa kompanya nila. Nagkakaroon ng malalaking problema at sa tingin ko ay kagagawan ito ni Ara. Pero mahigpit ang security ng Extinct's kaya tingin ko, Isang member ng VMafia ang tumutulong kay Ara. Pero sino siya? At tsaka napaka imposible na makikipagtulungan si Ara dito. Galit siya sa mafia namin at hinding hindi siya tatanggap ng tulong mula samin.

"Lolo. Mahal ko siya." Napatingin ako sa nakatungong si Ian nung sabihin niya yan. Naaawa ako sa kanya. Alam kong gusto na niyang kumalas sa famiglia na to pero hindi niya magawa.

Hindi namin magawa dahil may kailangan pa kaming linisin sa mafia famiglia.

"Kill her Xandrei. Kill her." Seryoso na ang mukha ni sir Arnolfo.

"Hindi ko agad magagawa yun lolo, May tumutulong sa kanya at pinoprotektahan siya nito." Napayuko ako. Sino ba ang maaaring pumrotekta kay Ara?

Hindi kaya siya??...

"You are the mafia reaper Xandrei. Kayang kaya mo yun. Marami ka ng napatay. Naging mahina ka lang nung nakilala mo si Liara. Sana talaga hindi kita pinagbigyan sa hiling mo dati." Nakita ko ang nakakuyom na kamao ni Ian. Any minute sasabog siya sa galit.

"Itigil niyo na ang kahibangan niyo lolo. Namatay si mommy dahil sa inyo. Tapos yung galit niyo pinapasa niyo kay Daddy. Pati ako na apo mo nadamay. Buti at wala pang alam si Mama Ana na myembro tayo ng mafia, Kundi baka matulad siya kay mommy." Nakita ko na pinipigilan ni Ian ang mga luha niya.

Si Maam Kristina Villegas. Mommy ni Ian. Kakambal ng tumayong pangalawang ina ni Ian na si Maam Ana. Ang dating principal ng Royal Gates.

"Namatay si Tina dahil sa walang kwenta mong ama!!" Sigaw ni Sir Arnolfo kay Ian.

Sinisisi ni Sir Arnolfo ang daddy ni Ian dahil sa nangyari kay Maam Tina. Nalaman kasi nito na boss ng mafia ang ama ni Maam Tina kaya iniwan niya ito. Hindi matanggap nun ni maam Tina ang nangyari kaya nagkasakit siya. Sinisisi ang ama kung bakit nito binuo ang VMafia. Hanggang sa namatay na si Maam Tina sa sama ng loob at labis na depresyon. Nagkasakit kasi siya at labis na nanghina. Hindi siya kumakain.

Galit na galit noon si sir Arnolfo kaya pinaalaga niya si Ian kay Maam Ana. Naguguluhan man ay tinanggap parin ito ni Maam Ana.

Pinalitan ni sir Arnolfo ang Kim Mafia Famiglia into VMafia. Dahil gusto niyang dumihan ang pangalan ni Mr. Arthur Villegas. Asawa ni maam Tina.

"Napaka sama mo." Giit ni Ian sa lolo niya.

"HINDI MO AKO MAIINTINDIHAN! NAMATAY ANG INA MO NG DAHIL SA AMA MO!!" Sigaw ni Sir Arnolfo.

"Kayo ang may kasalanan. Kung sinunod niyo sana ang gusto ni Mommy noon na buwagin ang mafia, edi sana hindi siya iniwan ni dad!!" Sigaw pabalik ni Ian kaya naman nasuntok siya ni Sir Arnolfo. Kahit may edad na ay malakas parin si Sir Arnolfo. Napaupo sa sahig si Ian at inalalayan siya ni Jeffey, Ang PA ni Ian na model sa The Lerago's.

"Sumasagot ka na rin ngayon. Magkapatid talaga kayo ni Dale. Parehas kayong walang utang na loob." Galit na wika ni sir Arnolfo kay Ian.

"Ayoko na!! Ayoko ng maging mafia reaper!! Gusto ko ng kumalas!!" Sigaw ni Ian sa lolo niya.

"Subukan mo. At papatayin ko ang babaeng mahal mo sa harap mo mismo." Lumapit pa si sir Arnolfo kay Ian.

"Oh kung gusto mo, Pupugutan ko siya ng ulo sa harap niyong dalawang magkapatid. Tutal pareho naman kayong pasaway ng kakambal mo. Edi sabay ko na kayong parusahan." Tumayo si Ian at tinignan ng matalim ang lolo niya.

"Napaka sama mo! Huwag mong gagalawin si Ara!!!" Sigaw nito sa lolo niya. Ngumisi lang si sir Arnolfo.

"Hindi ko siya papatayin dahil sisiguraduhin kong ikaw ang papatay sa kanya. Tama na rin yun para matapos na ang kalokohan niyo ng kakambal mong si Dale." Wala ng nagawa si Ian. Nanginginig lang siyang nakatingin sa lolo niya.

Napatingin kami nung may biglang pumasok sa pintuan.

Si Dale....

Ang tunay na Dale.

"Hoy matandang gurang. Bakit binubugbog mo yang kapatid ko ha?" Nakapamulsa pa siya bago lumapit kay Ian at tinulungan itong makatayo.

Inabot naman ni Ian ang kamay ni Dale tsaka tumayo. Kambal sila, Si Ian at si Dale. Dale Christian Villegas at Ian Xandrei Villegas. They are twins. Fraternal twins kaya hindi sila gaanong magkamukha pero hawig lang. Ginamit lang ni Ian ang apelyedong Kim nung nasa pangangalaga pa lang siya ni maam Ana.

"Nagsama pa kayong magkapatid na sakit sa ulo ko." Sabi ni sir Arnolfo.

"Ano pa bang kailangan mo kay Ian? Diba nagawa na niya ang gusto mo? Sinaktan na niya si Ara. Bakit ba gustong gusto mong mapatay si Ara? Ano bang kasalanan sayo ng kababata ko?" Naiinis na tanong ni Dale sa lolo niya.

"Si Ara ang kahinaan niyong dalawa. At pag humina ang mafia reaper, Walang kwenta ang Mafia famiglia." Nainis ako sa sinabi ni Sir Arnolfo.

Mas nag-aalala pa siya sa VMafia kesa sa kapakanan ng mga apo niya. Wala siyang kwenta. Isa siyang demonyo.

Walang puso.

Walang kaluluwa.

Naaawa na ako sa kambal.

Matagal na nilang gusto na mamuhay ng normal.

Kasu hindi nila magawa dahil nga sa baliw nilang lolo.

Somehow, Nakakarelate ako sa kanila. Kasi napasali lang ako dito sa VMafia dahil myemro rin ang buong pamilya ko.

------------------------------------

Author: Okay. Kalma kalma. Pasabog ba? Hahaha. Next update. IAN'S POV!! Yehey!! PPOV na ulit si Ian. Haha. He'll explain everything. Para hindi na kayo maguluhan. Comment niyo kung sino sa tingin niyo si Dale. Hahahaha.

Vote and Comment.

~Hee

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon