Fairytale 10: (Official Break Up)

3.6K 107 1
                                    

Ara's POV

Hindi na ako nagsasalita. Tahimik nalang akong sumusunod kay Ian. Wala rin naman akong magawa. Nakaposas kami, Remember?

"Kagagaling lang namin ni Chris dito kanina tapos dito mo rin ako dadalhin? The heck." Pagmamaktol ko. Bakit ba pag minamalas ako sunod sunod?

"Kain tayo nagugutom na ako." Nakangiti pa siya niyan huh? Ang kapal talaga ng mukha ng taong to!

"Nyeta naman Ian. Pakawalan mo ako. Kung nagugutom ka kumain ka mag-isa mo. O kaya magyaya ka ng iba. Ang dami daming members ng Famiglia niyo tapos wala kang mayaya??Tsaka baka nakakalimutan mong magkalaban tayo. Mafia reaper ka kaya pakawalan mo ako!!!" Sunod sunod kong sabi pero hindi man lang siya nagreact.

Ano bang trip ng hayop na to?

"Kung sa tingin mo natutuwa ako sayo Ian. Pwes hindi. Pwede bang pakawalan mo na ako at uuwi na ako?" Nanggagalaiti kong sabi.

"Hindi." Kainis.

"Ano ba? Hindi na to nakakatuwa." Seryoso kong sabi. Tinignan niya lang din ako ng seryoso.

"Pwede bang manahimik ka na? Nakakarindi ka na eh." Bwisit to. Tinapakan ko ang paa niya kaya napamura siya sa sakit.

"Gago ka ah. Naririndi ka pala sakin tapos ayaw mo pa akong pakawalan? Sarap mong iuntog!" I hissed. Hindi nalang ulit niya ako pinansin at hinigit papasok sa KFC.

Saktong pagpasok namin.

*Kruuuu Kruuuu*

Napatingin sakin si Ian.

Letse. Gutom na ako!!

"Gutom ka na pala. Tara na, Libre kita." Nakangiti pa siya habang sinasabi yan. Buti pa siya natutuwa sa nangyayari, Ako kasi HINDI! Matapos ko lang talaga ang pagkain ko at pag nakawala na ako kay Ian, Bubugbugin ko siya.

Nagpatangay nalang ako kay Ian sa counter at umorder.

"Ang sweet naman nila. Talagang nakaposas pa." Napatingin ako sa cashier na bumulong sa kasama niya.

"Oo nga eh. Nakakakilig. Sana makahanap din ako ng boyfriend na ganyan. Gwapo at hot." Bulong daw ang ginagawa nila. Eh naririnig ko naman.

"Pwede ba? Hindi kayo binabayaran dito para pagchismisan ang mga customers na pumapasok, Binabayaran kayo para magtake ng orders nothing less nothing more." Mukhang nagulat sila sa naging pahayag ko.

"Ay ang sungit." Bulong ulit ng babae na mukhang coloring book ang mukha.

"Kung bubulong ka siguraduhin mong di ko maririnig. Kasi baka mapagtripan kita at pasabugin ko ang mukha mo na mukhang coloring book." Mukhang natakot naman sakin yung babae kaya ginawa nalang niya ang trabaho niya.

"Lumala ka." Naiiling na sabi ni Ian.

"Whatever." I just rolled my eyes.

Matapos kaming mag-order ay si Ian ang nagbuhat ng orders.

Tumungo kami sa malapit na mesa.

"Panu tayo kakain nito?" Naiinis kong sabi sa kanya.

"We'll feed each other." Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya.

"Srsly?"

"Yeah." Fvck. This day is the worst day ever. Thanks to Ian and Chris. Fvck!!

**

"Oh ano? Di mo pa ako pakakawalan? Just so you know, Nababanas na ako Sayo." Konting konti nalang talaga at masasagad na ang pasensya ko.

"Diba sabi ko I'll get you back?" Tinignan niya ako ng seryoso.

Wala na. Wala ng epekto sakin yan.

"You're getting nothing. Just get lost Ian." Tinignan ko siya ng sobrang sama.

"Ara. Please, leave the mafia famiglia alone." Lalong tumalim ang tingin ko sa kanya.

"In your face. Leave me alone!" Hineadbat ko siya at sinipa sa tuhod.

"Alisin mo tong posas. Ngayon na!!" Utos ko.

"Diba nga tinapon ko na yung susi?" Sabi niya habang dumadaing ng sakit.

"Gago ka ba? Sinong niloko mo? Alam kong may susi ka pa. Amin na!!" Kinapa ko ang bulsa niya at nakapa ko ang susi.

Pinilit ko iyong makuha at inalis ang kamay ko mula sa pagkakaposas.

Nang maalis ko na ay tinuhod ko ang sikmura niya at hinampas ko ng dalawang braso ko ang balikat niya.

"I guess mas magaling na ako sayo after 4 years, Dale." I smirked.

"Shit." Mura niya.

"Minsan ko lang sabihin to sayo. Naalala mo dati? Diba nagmakaawa akong bumalik ka sakin? Kasu anong ginawa mo? Sinaktan mo ako diba? Naalala mo yung sinabi kong pag ako natauhan wala ka ng babalikan? Pinanindigan ko na yun Ian." Nakaluhod parin siya at nakahawak sa sikmura niya. Napangiti ako ng mapait.

"Sayang. Mahal na mahal pa naman kita nun. Kasu tinarantado mo ako. Trinaydor mo ako. Ginago mo ako. But I just want to thank you kasi I'm fiercer now." Lumevel ako sa kanya at nakipag eye contact.

Sasabihin ko na to. Lasapin mo ang pait ng bawat salitang lalabas sa bibig ko, Ian Xandrei Kim.

"You will never ever get me again. Hindi na kita mahal." Tumayo na ako at may kinuha sa bulsa ko.

Lagi kong dala dala to. Ewan ko ba kung bakit hindi ko maiwan. But I guess, Kailangan ko na itong ibalik.

"Oh. Yan lang ang tanging bagay na nagkokonekta sayo sakin." Tinapon ko sa kanya yung kwintas na bigay niya sakin noon.

"You said awhile ago that you didn't remember breaking up with me. So to make it official. I'm breaking up with you Ian." Tinignan niya ako at nagulat ako nung makita kong malamig ang pinukol niyang tingin sakin.

Kinuha niya yung kwintas at tumayo.

"Is that so?" Tanong niya.

Hindi ako umimik. Bakit bigla akong nasaktan?

"Okay." Sabi niya. Nagsmirk muna siya bago lumakad palayo sakin.

Tumalikod narin ako at nagsimulang maglakad palayo.

Ang pinagtataka ko lang, Hindi naman umuulan pero bakit nababasa ang mukha ko?

At dun ko lang narealize...

Umiiyak nanaman ako....

--------------------------------

Author: Waaaah!! Wala lang. Hehehe

Vote. Comment. Be a fan ^^

~Hee

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon