Fairytale 36: (LA)

3K 66 2
                                    

(Okay. This will be the last side story, I guess? I'll introduce Lucas and Lyssa briefly. Then after that, Puro sila Ara nalang. Baka kasi nabibwisit na kayo na puro side characters lang ang binibigyang diin ko. The main reason why I'm writing their own chapters is to expose them to you. Hindi lang sila Ara at Ian ang characters dito. Iba ang takbo ng book 1 dito sa Book 2. Alam kong nagiging boring na dahil nareveal na ang lahat ng dapat mareveal, Pero di nga? Boring na ba? Hahaha xDD. So ayun. Basa na kayo.)

Lyssa's POV

Perfect.They all see me as a perfect girl.

Maganda. Sexy. Sikat. Mayaman. Matalino.

Ano pa nga bang hahanapin mo sa isang Lyssa Amanda Sy?

Wala na diba?

Well, kung sila wala ng dapat pang hanapin. Pwes ako may hinahanap pa.

At yun ay ang true love.

I'm a fan of fairytales and I do believe na may nakatadhana sakin na Prince Charming. Kelan ko kaya siya makakatagpo? Kelan kaya siya darating sa buhay ko?

Nung sinabi sakin ng dad ko na engaged ako. Pinabackground check ko agad si Andrex. He's perfect. Gustong gusto ko siya. Lalo na nung nameet ko siya. At mas lalo pa akong humanga sa kanya nung pinaglaban niya ang girlfiend niya.

Kaya nainspire niya ako. Imbis na pumayag sa arrange marriage na yan. Umayaw na rin ako. Wala namang magagawa sila dad dahil ayaw ko. Duh! Mahal na mahal ako ng parents ko at ayaw nilang nasasaktan ako. Kaya ayun. Hindi na nila pinilit ang gusto nila.

So I'm free. Nakakatuwa nga nung mapanuod ko kung paano sila magkabalikan ng girlfriend niya sa harap ko. Ang sweet nila. Hindi ko maiwasang mainggit. When will I meet my other half? Yung taong mamahalin ako hindi dahil maganda ako. Kundi yung taong mamahalin ako ng buong buo.

"Ouch!" Natapos ako sa pakikipagkwentuhan sa sarili ko nung may biglang bumangga sakin.

"Tss." Sabi lang nung lalaki tsaka naglakad paalis. Aba naman! Napakagaling. Ni hindi man lang nagsorry?

At dahil sa sobrang inis ko, nagparinig ako. "Sorry ha??!!" I said.

Pero hindi niya ako nilingon. Hindi niya ako pinansin.

Nakakapagpainit ng ulo ang lalaking yun! Ang bastos!

Nagdadabog ako naglakad palabas ng mall nung may nakakilala sakin.

"Miss LA?" Ngumiti ako sa babae. Pero ang nakakayamot lang. Nagtawag pa ng kasama niya at pinalibutan ako. Mga nanghihingi ng authograph. Hindi naman ako maldita pero pag badtrip kasi ako, Wala ako sa mood makipagbond sa mga fans ko.

"Ahmmm. Hehe. I better go. May schedule pa ako eh." Pilit akong umaalis pero ayaw akong padaanin. Ano ba? Hindi ba kami papansinin ng guard dito sa mall?

I'm starting to get pissed off.

Habang nasa gitna ako ng mga fans ko na nagkakagulo sakin, May biglang humawi sa nagkakagulong fans ko at hinila ako. Pakiramdam ko for a second, nasa fairytale ako.

Hila hila niya lang ako habang hinahabol kami ng mga nagkakagulong fans ko na nanghahabol samin.

I didn't know that from that day on, My prince charming already came...

Lucas' POV

Naramdaman kong nawala ang wallet ko sa bulsa ko kaya tumingin ako sa likod ko.

And there nakita ko ang wallet ko. Binalikan ko ito at pinulot. Pero pagtunghay ko. Nakakita ako ng kumpol ng mga babaeng mukhang may pinagkakaguluhan.

Hindi ako chismoso pero I have this feeling na kailangan kong lapitan ang nagkakagulong yun.

So I came near and I saw the girl from a while ago na pinagkakaguluhan.

Sikat ba siya para pagkaguluhan? Bakit hindi ko ata siya kilala?

Naawa ako sa kanya dahil mukhang naiipit na siya kaya naman lumapit pa ako lalo at hinawi yung mga nagkakagulong babae at hinila siya patakbo.

Hindi ko alam kung anong balak ko sa babaeng to kaya naman dinala ko nalang siya sa likod ng mall para makatakas sa mga humahabol samin.

Isinandal ko siya sa pader at mukha naman siyang nagulat nung natitigan niya ako.

Ngwapuhan I guess?

"IKAW?!" Gulat na gulat na sigaw niya kaya napatakip ako sa tenga ko.

"Aish. Ingay." Naiiritang sabi ko.

"Psh. Ikaw yung arogante kanina." Mataray niyang sabi sabay tinaasan pa ako ng kilay.

"Ganyan ka magthank you? Wow. Awesome." Sarcastic kong sabi sa kanya.

Inirapan niya lang ako.

"I'm LA. And you?" Inihaya ko ang kamay ko para makipagshake hands. Mukha siyang nagulat kaya naman tinabig niya ang kamay ko.

"Hey! Bakit ba ang taray mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ako kilala? Nang iinsulto ka ba?" Tanong niya na waring naiirita.

"Sino ka ba?" Inosente kong tanong.

Magcross arms siya tsaka nagsalita.

"LA." Nagulat ako. Parehas kami ng pangalan?

"Magkapangalan tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko sayo. Stage name ko ang LA. Pero Lyssa Amanda Sy ang real name ko." At nagroll eyes pa siya.

"Ako naman si Lucas Andrew Lim." Napatingin ulit siya sakin.

"Whatever." Tinitigan ko siya.

Lyssa Amanda Sy?

Diba yun yung ex-fiance ng boyfriend ni Kaira?

"Kilala mo si Andrex Jimenez?" Tanong ko sa kanya.

"Ex-fiance ko. Bakit?" Takang tanong niya.

"Pinsan kasi ako ni Kaira Park. Yung girlfriend ng ex-fiance mo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"So? Tinatanong ko ba? Tabi nga. Aalis na ako." Natawa ako sa pagtataray niya sakin kaya naman nung makalayo na siya ay sumigaw ako.

"NICE MEETING YOU LA! HOPE TO SEE YOU AGAIN!" Akala ko hindi na niya ako lilingunin pero tumigil siya sa paglalakad at humarap ulit sakin tsaka nagtakbo palapit. Nung nasa harap ko na siya ay bigla niya akong kiniss sa cheek ko kaya napahawak ako dito.

"Makikita mo talaga ulit ako dahil model ako." Nakangiti niyang sabi sabay takbo ulit paalis.

Ako naman naiwang nakatulala at nakahawak sa pisngi kong hinalikan niya.

I never thought that starting that day, My heart beats for someone whom I'll care and love...

Lyssa Amanda Sy...

Perfect for me...

Lucas Andrew Lim...

LA is for LA.

------------------------------------

Author: Done!! Wala ng side stories. Tapos na ang Shantal-Clyde, Lucas-Lyssa, Ryca-Jero, Onyx-Ayen, Kaira-Andrex, Jeffey-Sapphire and Ayesha-Nicollo. Alam kong yung iba hindi pa happy ending, Pero hindi naman yun ang highlight ng story diba? Sila Ian and Ara ang Main characters dito. Plus Amber and Chris. Mwahahahaha.

Picture: Lucas Andrew Lim.

Vote and Comment.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon