Fairytale 47: (Surprised Flight)

2.8K 62 0
                                    

Ara's POV

Nandito na ako sa tapat ng pintuan ng unit ni Dale.

Mas mabuti nalang siguro na siya nalang ang bwisitin ko kesa sa ako ang mabwisit kay Ian.

Kumatok ako at bumukas naman ang pinto.

"Oh? Napadalaw ka?" Tanong niya sakin at halata sa mukha ang pagkabigla.

"Maglalabas lang ako ng inis." Sabi ko sabay pasok sa unit niya. Dumiretso ako sa sofa tapos agad umupo.

"Okay? Anong nangyari sayo at sinugod mo pa talaga ako dito sa condo ko?" Tanong sakin ni Dale bago umupo sa tabi ko.

"Yung kapatid mo! Yung pesteng kapatid mo! Arrggghh!!" Sigaw ko tapos kinuha yung unan at sinuntok suntok!!

"Hoy! Walang laban yang unan sayo, Huwag mong pagdiskitahan." Inagaw niya sakin yung unan tapos niyakap niya.

"Ano bang problema mo?" Tinignan ko siya ng masama as in sobrang sama.

"Hoy Liara Vanessa Arceo ah! Huwag mong ibaling sakin ang inis mo sa kapatid ko! Nananahimik ako dito. Ano bang ginawa niya sayo?"

"Kaasar. Bakit kasi kayo magkahawig??" Naiinis kong sabi.

"Kambal kasi kami. Malamang magkahawig kami. Ano bang nangyari at naghihimutok ka jan."

"Eh kasi!! Eh kasi yang si Ian!! Hindi ako tinetext kaninang umaga tapos nung puntahan ko siya sa office niya, Pinaghintay na nga niya ako ng ilang minuto ako pa ang pinagalitan at mas kinampihan pa si Amber!! Napakainam!" Sino naman kasing di maiinis sa inasal niya diba? Nakakapikon kaya yun! Hindi ko ugaling maghintay ng matagal pero naghintay ako para sa kanya tapos ganun pa ang inasta niya!

"Ganyan ka magselos? Ang cute mo naman pala." Natigilan ako sa sinabi ni Dale.

Ako? Nagseselos?

"Hoy! Sinong nagseselos? Hindi kaya ako nagseselos no!" Sigaw ko kay Dale pero umiling iling lang siya sakin.

Obviously, Hindi siya naniniwala -.-

"Anong klase siyang manliligaw? Wala siyang kwenta! Akala niya sasagutin ko siya? Pwes hindi! Babastedin ko siya! Urrrgghhh!" Nilingon ko si Dale na tinatawanan ako.

"Basta siya Ian ganyan ang epekto sayo no? Haha. Tignan nalang natin kung di mo talaga siya sagutin." Sabi pa niya.

Kainis. Parang wala siyang tiwala sa mga sinasabi ko.

"Hindi ko talaga siya sasagutin! Asa naman!" Sigaw ko pa sa kanya.

Lalo lang siyang natawa sakin.

**

"Saan nga tayo pupunta, Lalaki?" Tanong ko kay Dale. Naglalakad kasi kami ngayon at pinilit niya akong iwan ang kotse ko sa building ng condo niya.

"Aalisin nga kasi natin ang init ng ulo mo." Sabi niya sakin ng nakangiti. Pasalamat siya at hindi ko dala ang baril ko, Katana ko, Dagger at Pocket knife ko. Baka kasi kanina ko pa siya sinugod. Nakakabwiwit na eh. Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanya at wala siyang ibang ginawa kundi ang sagutin ako ng ganyan.

"Eh bakit kasi tayo naglalakad? Kaasar ah!" Reklamo ko pero hindi niya pinansin. Nagsapak lang siya ng headset.

Sinipa ko yung paa niya kaya napaaray siya.

"Aray! Nakakaasar ka na ha?" At siya pa talaga ang may ganang maasar? Bwisit tong taong to -.-

"Ano bang trip mo? Huwag mo lang akong maloko loko ha! Malalagot ka talaga sakin, Maghahalo ang balat sa tinalupan!" Sigaw ko sa kanya.

TGL2: Black FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon