Switch Series 1:
Constantly Yours,🌻🌻🌻
“Padaan nga, Excuse us. Utang na loob mga people, di kami na kami makahinga!” inis na pinagtututulak ni Rex ang mga tao na mga nakaharang sa aming dinadaanan.Sandamakmak ang taong nanonod ng Miss Gay, ibang klase rin kasi ngayon, sa tagal na naming nanonood ng Miss Gay nila Rex ngayon lang dumami ang taong nanonood. Wala lang magawa sa buhay kaya nanonood kami kasi nakakatuwa ring panoorin ang mga bakla lalo na sa Q and A, puro kalokohan ang alam.
Nang makarating na kami sa harap ng stage nila Rex, ay kinalbit nya ako, “Hoy bro, mukhang laughtrip nanaman tayo ngayong gabi.” bumungisngis pa sya.
“Kita mo yong mga pagmumukha ng mga contestants...pfft!” isa isa kong tinignan ang mga picture ng contestants. Mukhang tama si Rex may mapagt-tripan nga kami ngayong gabi.
Siya nga pala si Rose Cecilia Rosamond, katropa ko. Ibig sabihin tibo sya, ayaw na ayaw nyang tinatawag syang Rose o Cecilia kundi babangasan ka nya sa mukha. Hindi rin talaga maipagkakailang mukha parin syang babae dahil sa kalakihan ng boobs nya, buti nga ako eh maliit lang kaya, no problem. Whew~
“Mga bro, hanggang 8 lang ako ah, baka yariin ako nila Mommy pag mga 10 pa ko umuwi.” sabi ni Yuno, ang babaeng may apat na mata at payat sya yung masasabi kong ‘flat chested’ yong tipong kahit anong gawin mong hawak ay wala kang masasalat. Mahirap ang ganon, gusto ko yong ganon kay Rex pero hindi kami talo. Yuk!
Inirapan ko si Yuno, “Lagi ka naming ganiyan. Napaka-agang umuwi. Takot na takot ka naman sa don sa step mother mo.”
Napahinga ng malalim sa Yuno. Nakakabuwiset kaya yong step mother ni Yuno napaka stict hindi naman sana sya maganda.
“A-Ako rin Chris. M-may assignment pa akong tatapusin.” napayuko si Apollo. Ang nag-iisang totoong lalaki samin ngunit may katabaan syang tao, pero nag gi-gym na sya ngayon kasama ni Rex, lagi rin syang nabubully kaya tinropa na namin sya. Kawawa naman lagi syang tinatawag na baboy nakakabuwiset pag ginaganon yong tropa mo yong tipong masasakal mo na yong walang hiyang nagsabi non. Di ko rin mapapagkailang may itsura si Apollo, para ngang type nya si Rex kasi napapansin kong lagi syang tumitingin sa boobs ni Rex eh. Sorry nalang sya.
Nagsimula ang malakas na sounds at lumakas ang sigaw sa paligid, nakakabingi.
“Ayan na nagsisimula na!!” tumingala kami sa stage kung saan unti unting lumalabas isa isa ang mga contestants, ay pucha talaga, mga naka night gown ang mga bading. Isa isa rin silang nagpakilala.
Hanggang sa may lumabas na isang contestant na talagang pinahinto ang mundo ko, Parang nagslow motion ang lahat ng sya ay rumampa, bawat pose na kaniyang ginagawa ay kasabay ng bawat pintig rin ng puso ko. Napatitig ako sa kaniyang mukha at isa lang ang masasabi ko.
Napakagandang Binibini. Kinagat ko ang labi ko at humawak sa aking dibdib. Pucha.
Hindi ko mawari kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko at kung bakit ako unting unti napapangiti, siguro ay dahil sa ganda at tamis rin ng ngiti ng Binibing nasa harap ko ngayon.
Tumungo sya sa microphone at tumikhim muna sya bago nagsalita. “Sawahde kha! Isang mapagpalang gabi po sa ating lahat. Ako po si Bettina Thompson. nakatira kung saan maraming ombreng hottie! Brgy. Barako! Labing-walong taong gulang at nag-iiwan ng kasabihang, Di baling kita ang legs, basta 'wag lang ang eggs! And I thank you!“
Napatulala ako at di pinansin ang kapaligiran, “Bettina…napakagandang pangalan.” agad akong tumingala at sumigaw.
“GO BETTINA BABY!! I LOVE YOU!!!!” gigil kong inalog alog si Yuno.
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...