CHAPTER 36

1.3K 64 21
                                    

Tattoos (6)

🎵 It's You 🎵

🌻🌻🌻

Rosamond's Mansion

"Oh anong ginagawa ni ate ghorl ditey?" bungad ni Rosie kila Bettina at Rex na kasulukuyang nasa kusina at nag-uusap.

Sinadyang pumunta dito ni Bettina matapos umalis ni Chris ng Hospital. Magpapaturo lang naman sya kay Rex kung paano magluto ng mga paboritong pagkain ni Chris. May daladala din syang cute na pink notebook at pink pero black naman ang tinta ng ballpen, syempre para kita naman mga pinagsususulat.

Pinagkrus ni Rex ang braso habang nakatingin kay Bettina na nakangiting nagsusulat, "Edi nagpapaturo magluto ng favorite na pagkain ng jowa nya."

Nakasuot sya ng maluwag na t-shirt at jersey shorts. Habang si Bettina naman ay nakaupo at nakasuot ng oversize dress pink t-shirt at maong na short shorts.

Lumapit si Rosie sa kanila at tumingin sa sinusulat ni Bettina, "Aba...sinong jowa?" tanong nya dito.

"Edi si Chris!" tinapik ni Rex ang kambal sa pwet.

"WHAT?!" nagulat si Rosie.

Nanlaki ang butas ng ilong nito at masamang tumingin kay Bettina napatingin sa kanilang kambal.

"A-Ano ka ba Rex..." nahihiyang sambit ni Bettina at inipit ang hair nya sa likod ng tenga.

"ANO?! BOYFRIEND MO NANAMAN SI CHRIS?!" nanggigigil na tanong ni Rosie at nagpapapadyak sa sahig, nakasuot sya ng red sleep shirt.

Umiwas ng tingin si Bettina at pinagpatuloy ang pagsusulat, "H-Huh...hindi pa ah." kinagat nya ang dulo ng ballpen.

Napanganga si Rosie, "Anong hindi pa?!"

Tumaas ang kilay ni Bettina at tumayo, "Eh bat ka nagagalit, akala ko ba sa'kin na siya?" pinagkrus nya ang braso at hinarap si Rosie.

Napailing si Rex habang tumatawa saka ipinagpatuloy ang niluluto.

Sumingkit ang mata ni Rosie, "Ano?! Wala akong sinasabing ganern! Nasholbogan mo lang ako sa debate natin non pero walang ganern!" pagpapaliwanag ni Rosie at inirapan si Bettina.

Napatingin sa kanila si Rex, "Anong debate?"

"Wala!" sabay nilang sagot kay Rex at inismiran lang sila nito.

Tumaas ang sulok ng labi ni Rosie, "Hoy Bettina! Mas masarap akong magluto sa'yo!" tinaas nito ang kilay at pumamewang, "Marunong akong magluto ng maraming Japanese Foods!" pagmamalaki nito at hinead to toe sya.

Nagbikit balikat si Bettina, "Edi ikaw na ghurl." sabi nya at umupo muli.

Napanganga si Rosie sa reaksyon nito, "Hindi ka natatakot?"

Ni hindi man lang ba ito natrigger sa sinabi nya? Bakit mukha pa itong chill lang at kinikilig pa?

"Witich." kalmadong sabi ni Bettina at dumikwatro pa.

Kinalampag ni Rosie ang lamesa "At bakit? Huh!? Bakit?!" hinarap ni Rosie ang mukha nya dito.

Ngunit nagulat syang namumula si Bettina at kinikilig pa ang vakla! Mas lalong naasar si Rosie.

Ngumuso ito at tumingin sa kaniya, "Ihhh...kasi nagkiss kami ni Chris kanina bago sya umalis ihh."

Napanganga muli si Rosie at nakita nya ang pagkagat ni Bettina sa labi.

"Wahahahaha!" tawang tawa si Rex sa narinig.

"What?!" magkasalubong ang kilay na tanong ni Rosie.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon