CHAPTER 43

1.1K 69 13
                                    

The Rosamond's (2)

🌻🌻🌻

Naglalakad ang magkakaibigan at magkatatrabahong sina Rosie, Ricky, at Bettina. Mga nakadress ang tatlo. Red ang kay Rosie, Orange and kay Ricky, at syempre Pink ang kay Bettina. Mga nagtsi-tsismisan silang tatlo habang mga nakalingkis ang braso, nasaka gitna ni Rosie at Bettina si Ricky na nag mamaasim. Parehas silang mga lumalakad na mga animo'y isang kandidata sa Miss Universe, sabay sabay pa ang kanilang mga paa.

"Ghirl, kamusta na ang jowa mo?" pagtatanong ni Ricky kay Bettina, "Gising na?" aniya at nag beautiful eyes saka ngumuso, pare parehas kasi silang nakaliptint ng pulang pula.

Biglang nalungkot si Bettina at ngumuso din, "Hmm...hindi pa nga ghirl eh. Pero sabi ni Doc, nagrerecover na ang katawan nya." sagot nito at ngumiti.

Napasingkit ang mata ni Rosie, "Sinong jowa ang tinutukoy mo?" tumaas ang sulok ng labi nito, "Ang vaklang touh!" pinandilatan nya ng mata si Bettina.

Nakakaloka ang vakla, inaagaw sa kaniya si Chris, porque tulog ay pinagsasamantalahan!

Nagtataray syang tinignan ni Bettina, "Bakit ba Rosie?! Jowa ko sya!" pagdedeklara nya.

Napangiwi si Ricky sa lakas ng boses ng dalawa, pinagitnaan patalaga sya ng mga hopeless romantic na iteys. Mabuti na lang at may Darling sya na yummy.

Tinapik ng pamaypay ni Rosie si Bettina, "Ilusyonada! Hindi poque nagalaw ka na nya, Jowa ka na nya!" nanggigil nitong sigaw kay Bettina na napapairap lang.

Sasagot sana si Bettina ng bawalin silang dalawa ni Ricky na biglang sumingkit ang mga mata.

"Shhh! Wag kayo mag away mga ghirls." anito at tinakpan ang bibig ng dalawa at tumingin tingin sa paligid, "Di nyo ba naririnig iyon?"

Natahimik ang dalawa at nakiramdam sa paligid, malapit kasi sila sa isang eskenita at mukhang may nangyayaring hindi maganda doon.

"T-Tulong!" tinig mula sa eskinita, "Tulungan nyo ako!" sigaw ng isang babae.

Dahan dahan silang lumakad doon at sinilip ang nangyayari doon.

Napatakip ng bibig si Bettina, "Omg..."

Napasinghap ang dalawa ng makita ang isang lalaking nakahubad na ng pang-itaas na damit at nakapatong sa kakawang babae na pinagsasampal sya.

"Ghirl may rapist!" napatili ang mga vakla.

"Dimunyito!" nanggigil si Rosie, "Tulungan natin!" pagtili nya at hinila hila si Ricky at Bettina na nagtititili din.

Kinilabutan si Ricky, "Ihhh! Natatakot ako ghirl!" natataranta nitong kinuha ang phone sa kaniyang hobo bag, "Tumawag na tayo ng pulis!" matinis nitong sigaw.

Sinapok sya ni Bettina, "Ang arte mo ghorl!" sabi nito at hinila silang dalawa ni Rosie, "Tara na!"

Nanggigil na sinabunutan iyon ni Rosie at Ricky habang inaalis sa babae. Sumakit ang anit ng rapist sa masakit na sabunot ng dalawa halos mabunot ang buhok nya.

"Shuta ka! Manyakis!" ani Bettina at sinapak sa panga ang lalaki.

Pinagsasapak nya pa ito, "Hm! Hayop ka! Wag mong pinagsasamantalahan ang mga kahinaan naming mga girls!" nanggigil nitong sambit at nagulat ang dalawang vakla nyang friends sa panununtok nya.

Lumapit si Ricky dito at isinampal sa rapist ang kaniyang orange na hobo bag, "Ihh! Syetness! Ang lakas ng loob mong mang rape eh ang kyonget kyonget mo namang bo-o ka!!" maarte nyang sabi dito habang pinagtutulungan nila itong tatlo.

Sinangga ng rapist ang sarili, "Aray ko! Tama na!"

Kitang kita nila Rosie at Ricky ang malakas na pagsuntok dito ni Bettina, nakatulog ang rapist na mayakis na chapter.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon