Job? (1)
🌻🌻🌻
SA MALAWAK na bukirin kung saan malamig at sariwa ang simoy ng hangin. Maraming alagang hayop sa paligid. Tahimik at payapa. Ang mga tanawin ay nagsisigandahan sa paglubog ng araw na pula sa pagitan ng dalawang bundok na animo'y nag-iisang dibdib.
"Bettina ko..." hinawakan ni Chris ang magkabilang pisngi ko. Kasalukuyan kaming naka-upo at magka-dantay sa telang nasa lapag.
"Yes, aking bhe?" malandi kong pinikitpikit ang aking mata at hinawakan rin sya sa magkabilang pisngi.
"I love you." Halos malaglag ang suot kong brief sa sinabi ni Chris at tila naubusan ng hininga.
"Ehhhh! I love you too!" pinasingkit ko ang mata ko at nagpabebe.
Tumawa si Chris, "Pakiss nga!"
Napakagat ako ng labi, "Ehhh! Hebelen me mene eke!" ani ko at malandi rin akong tumakbo hanggang sa naramdaman ko ang kaniyang braso sa aking beywang.
"Ehhh! Help me!"
Tuwang tuwa si Chris at mayamaya pa ay humarap ako sa kaniya kitang kita ko ang pag-ibig mula sa kaniyang nga mata. Puno ng pagmamahal at pag-aalaga.
Unti unting naglapit ang aming mga mukha at sa wakas ay nagkatagpo na rin ang aming nga labi.
"Kuya Tina!"
Damang dama ko ang tamis at init sa pagitan ng aming marubdobation na halikan. Ang saraaap...ugh!
"Kuya Tina! Gisinggg!"
Naramdaman kong may humampas sa pisngi ko.
"Gising! Kuya Tina! Gisinggg!"
At paulit-ulit kong naramdaman ang masakit na hampas na iyon. Dumilat ako at bumangon na sobra ang galit.
"BAKIT BA?!" sigaw ko.
Tinaasan ako ng kilay ni Kangkang at pinagkrus pa ang kaniyang braso. Sira ulo!
"ANO?! PUTRAGIS KANG BATA KA EH NOH?! ANG GANDA GANDA NA NG PANAGINIP KO! AYUN NA! MALAPIT NA KAMING MAG-HEKYA--"
"May naghahanap sa'yo. Chris raw ang pangalan." huminga sya ng malalim habang ako naman ay natarantang inayos ang suot at buhok.
"Anwo!? Nandyqn si Chris?!" naghuhumikahos akong nag ayos ng sarili.
Tumango sya, "Oo, akala ko nung una lalaki, gwapings sana. Pero nakita ko may bukol, yung suso nya. Boypren mo yon?" naupo sa kama ko si Kangkang at ngumisi.
Napausog naman ako habang naglalagay ng headband sa buhok, "Hindi ako pumapatol sa shiboli!" sabi ko at inirapan sya.
Umurong ang ulo ni Kangkang, "Weh?"
Tinapik ko ang braso nya, "Oo nga kasi..." tumayo at pumunta sa banyo para magsipilyo.
At ano naman kaya ang ginagawa ni Chris dito? Napapaisip tuloy ako habang pakatooth brush ang bibig kong pretty.
"Pst! Kangkang! May dala bang bulaklak yung tibo?" Curious lang ako bakit ba. Nagsuot na rin ako ng bongga kong #OOTD.
"Meron."
Ehhhh! Napapadyak ako ng wala sa oras. Tama ba yung naiisip ko?
Pinagdikit ko nalang ang labi ko at ngumisngis. Mababa nga si Chris.Ewan ko ba pero parang kinikilig ako habang pababa ako ng hagdan. Gahhh. May bulaklak si Chris at para sa akin iyon, hihi~
"Nako, Chris ang ganda naman ng mga bulaklak na'to! San ba 'to galing?"
Napatigil ako sa aking narinig at sumilip sa sala kung nasaan sila Mamita at Chris na nag-uusap. Humawak ako sa dibdib ko baka kasi makitaan ako ni Chris ng cleavage.
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...