The Rosamond's (1)
FIVE YEARS AGO
🌻🌻🌻
Masakit ang buong katawan at ulo na bumangon si Rex ng kama. Naramdam nya ang hapdi ng pagkababae nya, kinusot kusot nya ang mata at napagtantong wala syang damit mapaibaba o mapataas man. Pinilit nyang bumangon at medyo hilong hilo pa sya. Doon nya nalamang may katabi pala sya, isang lalaki at nakadapa iyon matulog kitang kita nya ang maganda nitong likuran.
"Putanayda..." naibulong ni Rex sa hangin at nagmadaling pinulot ang damit saka pumunta ng banyo.
Nasa condo sya ni Apollo. Napalamukos ng mukha si Rex at umupo sa sahig. Ano bang ginawa nila at masakit ang kaniyang pagkababae?
Binilisan nyang magbihis at ingat ingat lumabas ng banyo nito. Mahimbing ang tulog ni Apollo mabuti na lamang kaya sya nakaalis kaagad. Nakahinga sya ng makapunta ng elevator. Napansin nyang may mga tsikinini sya sa kaniyang dibdib kaya napasampal sya ng noo.
Putanaydang Apollo na iyon. Ang natatandaan nya nag-iinuman lang sila tapos, naalala nya na bigla nalamng syang hinalikan nito at ang masama pa roon ay hinalikan nya ito pabalik at...putanayda, nangyari na ang nangyari.
Iika ikang lumakad si Rex patungo sa kaniyang motor, naalala nya kung gaano kalaki ang alaga ni Apollo na pumasok sa kaniya. Kaya pala ang hapdi hapdi noon. First time nya sa lalaki na ginawa iyon at iba pala ang pakiramdam. Para kang nahahati sa gitna.
Ipinilig ni Rex ang ulo habang binabaybay ang daan. Ngayon pala ang uwi ni Chris at didiretso na raw ito sa kanila. Kung kahapon pa sana umuwi si Chris edi sana hindi nangyari ito. Ano na lang ang sasabihin nito? Bahala na at isisikreto nya na lamang iyon. Hindi naman importante iyon.
Nakarating si Chris sa kanila at sinakubong sya ni Chris na labas lahat ng ipin habang tumatakbo patungo sa kaniya at nakabuka ang mga braso sa hangin. Nakasuot ito ng itim na t-shirt, cardo pants at ang combat boots nya. Lalo pa itong tumangkad at nakaundercut pa ang buhok nito na kulay pink.
"Rex-chi!! Konnichiwa! Anataga koichi!!" Rex! Hello! I miss you so much!! pagninihonggo nito habang lumundag sa kaniya at nagpabuhat.
Tuwang tuwa si Chris at magkasalubong nag kilay na kinarga ito ni Rex, "Ampota, ano bang salita iyan." sabi nito at hinarap sya.
Hinawakan nito ang magkabila nyang pisngi at nilips to lips sya, "Shin'yu! Ogenkidesuka? Hisashiburi!" Best friend! How are you? It's been a while! napangiwi si Rex at pinunasan ang labi, "Watashi no koto ga koishikattadesu ka?" Did you miss me? ngumingisngis na sambit ni Chris kaya initsa nya ito.
Pinakyuhan nya ito gamit ang dalawang middle finger,
"Pakyu ka Chris, pakyu."Napatawa si Chris, "Joke lang. Ito naman." nilundag sya ulit nito at niyakap, "I miss you, Rex!!" parang batang sabi nito.
Palihim si Rex na ngumiti at niyakap ito pabalik, na miss nya 'rin naman ito ng sobra.
"Hay, bat ka pa umuwi. Doon ka nalang sa Japan at magjapayuki ka." naaasar nyang sabi dito at tinapik tapik ang likuran.
Kitang kita nya ang malanding kambal na naglalakad na pawang Miss Universe papalapit sa kanila habang nakasuot ng one piece swimsuit na pula. Napangiwi si Rex.
Nakangiting hinarap sya ni Chris, "Isama kita tas magjapayuki ka din? Hehe..." nanggigil nitong kinurot ang ilong nya.
Tinampal nya ang braso nito, "Baliw."
Nakangusong lumapit sa kanila si Rosie, "Twinny~ Bakit ka hindi umuwi kagabi? Hinahanap ka ni Lola Ning." yumakap ito sa braso ni Chris,
"Chris! Payakap ulit namiss kita huhuhu~ may babae ka na siguro doon." nag-iinarteng sambit nito at niyakap si Chris.
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...