CHAPTER 33

1.2K 70 10
                                    

Tattoos (3)

🌻🌻🌻

"Saan ang room ni Christina Lumaban?!"

Madaling araw ng mabalitaan ni Rex ang nangyari sa kaibigan nyang si Chris. Agad silang napasugod ng kambal nyang si Rosie. Kakagising lang nila at nakasuot pa ng pantulog. Malakas ang tibok ng puso ni Rex at Rosie kasabay ang pangamba. Hindi nila lubos maisip na sa Hospital na naman nila pupuntahan si Chris pagkatapos ng isang misyon.

"Nasa Emergency Room po sya ngayon ma'am, ano po ba nya kayo?" sagot ng nurse at hindi nag abala sila Rex na sagutin iyon at sumugod na silang kambal sa ER.

Nangmakarating sila sa elevator ay tinatad iyon ng pindot ni Rex.

"Putanayda bilisan mo." gigil nitong bulong.

Tinampal ni Rosie ang kamay nya, "Twinny baka masira!" sabi nito sa kaniya ngunit bakas pa'rin ang pag-aalala nito.

Inis na tinignan ni Rex si Rosie, "Edi bayaran mo!" inirapan nito ang kambal saka humalukipkip sa gilid.

Napanguso naman si Rosie at huminga ng malalim. Nakaramdam kasi sya ng awa kay Chris, ilang beses na ba nya ito nakitang nasa hospital. He sigh and rub his elbow.

Pagkabukas ng elevator ay nagtarakbo agad sila sa may ER, may isang nurse doon kaya nilapitan iyon ni Rex at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Si Christina Lumaban?! Nandyan ba sya!?" tanong nya sa nurse at nagulat naman ito sa ginawa nya.

"O-Opo, Ma'am. Kapatid nya po ba kayo?" inilahad nito ang clip board at ballpen, "Pakipirmahan na lang po para maumpisahan na ang operation." magalang nitong sabi sa kaniya.

"K-Kaibigan nya ako." mariing lumunok si Rex,
"P-Pwede diba?" pinunasan nya ang pawis.

Kailangan ba talaga ng guardian approval sa emergency na kagaya nito?
Marahang tumango ang nurse, "Hindi po. Kailangan po kasi, parents o guardian."

Napatanga nalamang si Rex. Parents? Seryoso ba ang nurse? Nakita ni Rex na nilapitan ni Rosie ang nurse at pinamewangan.

"Anong hindi? Pagnamatay si Chris, sasabunutan talaga kitang babaita ka!" gigil nitong sabi saka inirapan ang nurse.

Napayuko ang nurse, "S-Sorry sir, protocol po kasi iyon ng hospital."

Napaisip ang nurse, bakit parang kasalanan pa nya?

Napabuga sa hangin si Rosie, "Protocol protocol. Mamamatay na, di nyo pa gagamutin?! At anong sir?! Ma'am ako!" matinding inirapan ito ni Rosie at naramdaman nya ang paghila ni Rex sa kaniya.

"Rosie... m-may kilala ako." wala sa sariling sabi nito kaya napataas ang kilay ni Rosie.

"At sino naman? Kita mong ulila si Chris!" hinarap ni Rosie ang nurse na maiyak iyak na, "Operahan nyo na kasi!"

Hindi pinansin ni Rex ang pagbubunganga ni Rosie sa nurse bagkus lumayo sya ng kaunti sa mga ito at agad nyang nidial ang number ng kakilala nyang makakatulong sa kanila.

"Sagutin nyo please..." ani Rex ng makailang tunog na ay hindi pa sumasagot, tinawagan nya muli iyon, malamang na tulog pa ito.

Ngunit laking tuwa ni Rex ng sagutin ang tawag nya at hikab ang una nyang narinig.

"S-Salute, Hepe..." kinagat nya ang daliri ng nagalit ito ng kaunti.

"Sorry po, S-Si Chris po kasi..." kinakabahanag sabi ni Rex at inilayo ng bahagya ang phone sa tenga nang malakas itong sumigaw.

Kingina, si Chief talaga.

🌻🌻🌻

Nakaupo si Rex at Rosie a waiting seat ng ER, nakahawak si Rex ng noo habang si Rosie naman ay nakadantay ang ulo sa balikat nya't nakapalupot ang kamay sa braso nya habang nakatalungko. Kinse minuto na ang lumipas mula ng tinawagan nya si Chief.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon