Denial (1)
🌻🌻🌻
BETTINA POV
"KUYA TINA, ito pa po 'yong lalabhan nyo hehe."
May halong inis kong tinignan si Niknik, nakangisi ito habang inilalapag sa sahig ang mga damit nyang marurumi.
"Kung kailan matatapos na ako saka ilalabas yung maruruming damit!" naiimbyerna kong hinagwag sa kaniya ang damit na kapipiga ko lang.
"Ano ba 'yan kuya!" pinunasan nya ang mukhang nabasa.
"Sige, lumayas ka sa harapan ko at tulungan mo si Mamita ron!" napabuntong hininga nalang ako at pinasadahan ng tingin ang labada.
"Walang katapusang labada teh! Ano nalang ang mangyayari sa kamay ko nyan!" naiiyak kong sambit at nagsimulang magkusot, wala pa naman kaming washing machine at pinag-iipunan ko palang.
"Naku! Dalian mo Bettina! Baka mamaya ay may kasunod pa 'yan!" sabi ko sa sarili ko at nagmadaling magkusot.
Linggo ngayon kaya wala munang trabaho, sa bahay naman ang trabaho. Walang katapusang trabaho. Kalurky talaga ang buhay.
Mag-iisang buwan ko na ring hindi nakikita si Chris, hindi man lang ito nagpaparamdam sa akin. Paasa 'yon. Ang buong akala ko ay may crush sya sa akin. Pero katawan nga lang ang habol nya sa akin mga sis! Ang sakit sakit!
Namimiss ko pa naman sya. Charot!
Pinaasa na nga ako tapos mamimiss ko pa. Shunga! Ni hindi man lang naisip na panagutan yung nangyari sa amin. Wala lang ba sa kaniya ang nangyari sa amin. Laro lang ba iyon para sa kaniya?
Matapos nyang pagsamantalahan ang pagkababae ko. Matapos nyang tikman iyon. Huhu! Sabi sayo eh! Katawan ko lang talaga ang habol nya! Ansakit sakit talaga. Asang asa ko na crush nya ako. Ikaw ba naman kasi ang halikan at asar asarin diba! Pero minsan talaga ilusyon mo lang iyon.
Sinayaw sayaw pa nya ako, tapos nikiss at niyakap. At Baby pa ang tawag sa akin! Sabagay, palagay ko ay marami kaming baby nya! Vaklang 'yon.
Nanggigil kong hinampas hampas ng tabla ang panty ni Niknik nang maalala ang bawat paghaplos at paghalik sa akin ni Chris.
"Paasa! Paasa! Paasa!!!"
"Sabi mo, kahit nibadtrip kita, babalikan mo pa rin ako! Pero bakit hindi ka na bumali--" napatigil ako saglit, "B-Bumalik pala. Pero saglit lang naman eh! Dapat pinanagutan mo ang nangyari sa atin! Paasa! Paasa! Paasa-- ay kiki mo!"
Napatigil ako ng makita si Mamita na nasa harap ko na pala at pinapanood ako habang hinahampas ang kawawang panty ni Niknik.
"Ayos ka lang ba, Tina?" umayos ako ng upo.
"O-Opo Mamita. K-Kanina pa kayo nandiyan?" napalunok ako habang tinitignan ang reaksyon ni Mamita, nakataas kasi ang kilay nito at nakapamewang.
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...