Frame up (1)
🌻🌻🌻
"Dalawang napag-alaman na pulis at isang sibilyan. Kinikilalang sina Chief Superintendent Lazaro Yamazaki, Inspector Christina Lumaban at Protacio Yamamoto. Nilooban nila ang isang bahay ng kapuwa pulis din nila. Nangyari ang insidente pasado alas dyes ng gabi, nakuhanan pa ng cctv ang pagnanakaw ng mga ito. Mahigit sa isang milyon ang halaga ng kanilang nanakaw, alahas at iba't ibang kagamitan pa ng may ari ng bahay. Napag-alaman ding kasapi sila sa isang malaking sindikato noon sa bansang Japan. Patung patong ang kanilang kaso, tulad ng robbery, 5 counts of arson, murder, racketeering at marami pang iba. Pinaghahanap na sila ngayon ng pulisya--"
Kaagad na pinatay ni Chief ang telibisyon. Maagang maaga ay ito ang bumungad sa kanilang balita. Ni hindi sila nakatulog kinagabihan dahil alam nila, na ganito ang mangyayari, pero hindi ganito kalala sa inaakala nila. Sobra sobra ito at wala nang katotohanan.
Napahilamos ng mukha si Boss Ponky, "Tangina..." aniya at nagbuntong hininga.
Nasa sala sila ng bahay nito at mga tulala. Nasa isang sulok si Chris at ganoon pa din ang suot sa kahapon. Si Chief nama'y nakahiga sa sahig at panay ang kaniyang mura ng malutong. Silang tatlo ay may mga bandage sa mukha at katawan sa mga bugbog ding natamo nila kahapon. Kasama nila sa sala ang asawa ni Boss Ponky na si Lili, hindi ito nagsasalita at nabalot ng kaba ang kaniyang buong katawan sa kaniyang narinig.
"Putanginang Fajardo..." bulong ni Chief, "Putangina talaga nya at ng hayop na Gobernador na iyon." gigil nyang sambit at ikinulom ang kamao.
Hindi pa rin sya makapaniwala. Nahahatong ang lahat sa ganito. Hindi nya lubos maisip na set up lang pala iyon lahat ng dimonyong si Fajardo at Thompson. Ano bang nagagawa nya bilang pulis? Ang dalawang iyon ay mataas ang posisyon sa kaniya at mas pinaniniwalaan ng nakararami. Ano na lamang ang mangyayari sa kanilang tatlo? Maghihimas nanaman ba sila ng rehas ng ilang taon? Hindi sya papayag.
Nagbuntong hininga muli si Boss Ponky, "P-Pati 'yong sa Japan?" hindi nya makapaniwalang tanong sa sarili, "Tapos na iyon!"
May mga kaso sila sa Japan, ilang taon ng nakalilipas. Hindi nila akalain na lalabas iyon ng ganoon kabilis at napakalakas ng kapangyarihan ng dalawa para ibunyag iyon ng ganito kabilis. Unti unting nasisira ang kanilang imahe, kagaya ng gawaing minsan na nilang tinalikuran.
Wala sa sariling napatabi si Lili sa kaniyang asawa,
"A-Anong gagawin nyo ngayon, Protacio?" tanong nya at tinapik ang balikat nito.Wala namang pumapasok sa isip nya kung hindi ang kanilang bunso. Bata pa ito para bumalik nanaman sa kulungan. Ayaw naman nya itong makulong ng ganon ganon na lang.
Umiling si Boss Ponky, "Hindi ko alam, Lili..."
Napayuko sya, ngayon pa lang ay nawawalan na sya ng pag-asa.
"P-Paano--M-Makukulong kayo ulit?"
Napapikit ng mariin si Boss Ponky sa tanong ng kaniyang asawa.
Umiling sya, "Hindi mangyayari iyon." aniya at ikinulom ang kamao, "Tangina."
Bumangon si Chief sa pagkakahiga at naupo, "Susuko tayo." sambit nya.
Magkasalubong ang kilay ni Boss Ponky na hinarap sya, "Ano!?" asik nito.
Huminga ng malalim si Chief, "Sumuko na tayo." rekomenda nya, "Mas lalala pa ito."
Naisip ni Chief na wala silang laban pagdating sa mga ganitong tao. Nawawalan ng silbi ang batas kapag tinatapatan ng pera.
Kinuwelyuhan sya ni Boss Ponkh, "Baliw ka ba?!" sigaw nito, "Wala tayong ginagawang masama! Sila ang mga balasubas dyan!!" galit nyang pahayag.
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...