CHAPTER 24

1.8K 79 32
                                        

Mission (1)

🌻🌻🌻

Dumating ang araw ng discharge ni Mamita at sa ngayon ay na kila Patricia si Mamita at Bettina. Dito na nya muna ito iniuwi pagkatapos ay kukunin na nya ang mga kapatid nya. He is happy today, Mamita is doing well at malapit na syang magkatrabaho, dahil tinawagan na sya for last interview. Yesterday was a miracle day for him. He help someone that get that help back to him as well.

Yung mga araw na wala sya kasi, naghahanap na sya ng trabaho. Hindi na nila pwedeng ibukas muli ang Salon nila dahil sirang sira ang imahe nito dahil sa ginawa nya. On the same time, nalulungkot sya. Ngayong araw ay ipinaglalaba nya si Patricia, nung una ay ayaw pumayag nito dahil kaibigan sya raw ito bakit nya paglalabahin? Ang sabi nalang ni Bettina para sa pagpapatira niya sa kanila. Makulit din talaga si Bettina kaya pumayag na si Patricia at ipinagamit ang washing machine alam nya kasing kamay ang gagamitin nito pang laba dahil doon ito sanay.

Pagkatapos nyang maglaba ay papainumin naman nya si Mamita ng gamot. Nag-iisa ito sa kwarto at nakatitig sa kawalan.

"Mamita..." tawag nya dito at may dala dala syang tray.

Ngumiti naman sya dito ng humarap ito sa kaniya,
"What time na ba anakshie? Nakalimutan ko tuloy ang gamot ko." napahawak ito sa noo at natawa.

"Keri lang, Mamita. Kamusta po kayo?" ibinaba nya ang tray sa higaan nito.

Maganda ang kwarto na ibinigay sa kanila ni Patricia. Maganda at malaki ang bahay nito ngunit may mga kasama ito dito, mga pininsan nya.

"Keri na din 'nak. Makakapagzumba na ang Mamita mo hehe." ininom na nito ang gamot.

Pinagmasdan naman sya ni Bettina habang umiinom ng tubig. Nagpunas ng bibig si Mamita at napansin nya ang anak, mukhang ang lungkot lungkot nito.

"Bakit?" tanong nito sa anak.

Napatigil naman si Bettina, "P-Po?"

"Bakit parang malungkot ang unica iha ko?" hinaplos nya ang buhok nito.

"M-Malungkot?" natawa si Bettina, "Happy po ako, Mamita. Magaling na kayo, oh bongga. Wala naman pong dahilan para maging malungkot ako." ngumiti si Bettina.

Nagkunot ang noo ni Mamita, kitang kita nya ang lungkot sa mga mata nito saka anak nya ito. Alam nya kung galit, masaya o malungkot ito.

"Hindi ka pala pwedeng maging actress anak." umiling iling ito.

Bettina is confuse, "P-Po?"

"Hindi effective ang acting." Mamita tsk-ed, "Wit mong knows umacting. Hmm..." Mamita says as he chuckles.

Napalabi sya"M-Mamita naman.."

"Di mo ko maloloko Bettina, kahit thunders na akez at uugod ugod." Bettina look away, "Sabihin mo na, bakit?"

Itinupi nya ang kumot ni Mamita, "W-Wala po. M-Miss ko lang po siguro sila Uno, Dangdang at yung mga kapatid ko." sagot nito. Mukha talaga itong lumbay na lumbay.

"Bukod sa kanila. Sino pang namimiss mo?" sabi ni Mamita kasabay ang makahulugang ngiti.

"W-Wala na po. Mamita naman.." Bettina tsked.

Sinundot sundot ni Mamita ang tagiliran nya, "Ay sows. Sino nga? Sino ang masuwerteng binata?"

Iniwasan ni Bettina si Mamita, "W-Wala po. Mamatay man ang kapit bahay natin." tumayo si Bettina, "Sige na po Mamita magluluto pa ako ng tanghalian."

Tumalikod at nagsimulang maglakad si Bettina.

"Si Chris ba?" He stop.

"A-Alis na po ako." sabi nito habang nakatalikod pa'rin.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon