CHAPTER 38

1.3K 73 20
                                    

Follow the Heat (1)

🌻🌻🌻

"Itadakimasu!"

Nakatitig lamang si Bettina sa dalawang ginoo at isang ginang sa kaniyang harapan habang nag-aagawan sa mga niluto nyang pagkain. Lahat sila'y naka heel seat doon. Katabi nya si Uno at kumakain rin ito ng mochi ice cream na inilabas ni Mama Lili nya. At oo, Mama Lili na ang tawag nya dito. Smooth.

Pagtapos kasing magpakilala ni Uno ay dumating ito at pinalakpakan ang anak nya. Habang ang dalawang ginoo ay nakanganga at tulala sa kanilang dalawa. Natutuwa si Bettina at mukhang nagugustuhan nito ang niluto nyang pansit at pizza from Italya!

"Kamusta po?" tumikhim si Bettina, "Masarap po ba?" kinakabahan nyang tanong nito sa kanila.

Nagthumbs up si Chief habang ngumunguya, "Sobrang sarap."

"Pamangking Bettina, napaka galing mong magluto. Pati itong soba, yakitori, lahat! Kuhang kuha mo!" ganadong komento ni Mama Lili nya.

Kinilig naman si Bettina at iniipit ang buhok sa likod ng tenga. Kaso ay nagsalita si Boss Ponky.

"Hindi kaya, matabang yung tempura." nakabusangot na sabi nito pero nguya ng nguya.

Agad na tinikman ni Bettina ang tempura, "T-Talaga po?" nilasan nya iyon at tama nga si Boss Ponky.

"Oo." napayuko si Bettina.

Siniko sya ng asawa, "Ito naman. Kumain ka nalang dyan." humarap si Mama Lili nya sa kaniya at ngumiti, "Oishi desu, Pamangkin, Oishi." sabi pa nito with okay sign sa kamay.

Nagsalubong ang kilay nya, "Ano pong ibig sabihin noon?" tanong nya dito referring sa Oishi.

"Hmmm...Masarap." tumango tango ito, "Yummy!" sagot ni Mama Lili nya kaya pinamulahanan sya.

"Ihh...salamat po." nilukot nya ang ilong, "Magugustuhan po kaya ni Chris iyan?"

Napakagat nya ng daliri, baka kasi hindi magustuhan ni Chris ang niluto nya e, para sa kaniya naman talaga ito. He made it with all of his love.

Tumaas ang dalawang kilay ni Mama Lili nya, "Ay oo, lalo na itong sushi rolls at mochi ice cream! Favorite nya ito." kumuha ito ng sushi at isinubo iyon, "Ilang buwan mo  pinagpractice ang pagluluto nito?" mausisa nitong tanong sa kaniya.

Napaisip si Bettina at binilang sa daliri kung ilang araw nga ba sya nagpractice.

"Ah...mga limang araw po?" di nya siguradong sagot at napaisip pa din.

Naibaba ni Mama Lili nya ang mangkok, "Majide?!" bulalas nito at tinignan siya nila Chief.

"P-Po?"

Nahimasmasan si Mama Lili nya, "A-Ay, seryoso?" pagtatagalog nito.

Likas sa mga hapon na pagnagugulat ay sinasalita ang sarili nilang lenggwahe.

Pinadikit ni Bettina ang labi, "Ah...opo. Nanood po ako sa youtube tapos nagpaturo ako sa kaibigan ni Chris." mahinhin nyang sagot dito.

Totoo iyon, madaling araw na syang nakakatulog dahil nanonood sya ng mga 'how to cook' videos patungkol sa mga Japanese cuisine. Infairness, girl. Ume-effort ang lola nyo.

Napalabi ang Mama Lili nya, "Hmm...Gustong gusto mo talaga si Bunso?" makahulugang tanong nito at napangisngis si Chief.

Kinagat ni Bettina ang labi, "A-Ahh...opo."

Ibinaling ni Bettina ang atensyon kay Uno na madungis ang bibig kaya pinunasan nya iyon ng panyo.

"Ano bang trabaho mo?" biglang tanong ni Boss Ponky.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon