CHAPTER 17

1.5K 66 4
                                    

Suyo (1)

🌻🌻🌻

THIRD PERSON POV

ILANG ORAS ng pinagmamasdan ng magkakaibigang si Patricia, Shakira at Eva ang tila tahimik nilang kaibigang si Bettina. Kasalukuyan itong nagwawalis sa loob ng Parlor at nagtatabi ng mga kalat. Habang sila'y naka-upo't nakatitig dito. Tanghali na ay hindi pa'rin ito kumakain, nag-aalala na sila sa kanilang matalik na kaibigan. Maayos naman ito nung kasama nila sa Mall ngunit nang mabalitaan ang nangyari kagabi ay di sila makapaniwalang naapektohan ng lubos si Bettina. Sa tinagal tagal nilang magkakaibigan, hindi pa nila ito nakitang ganito kalamig at kaplastik ang turing sa kanila. Plastik ang ngiti ng vakla.

Gusto rin nila sanang kausapin si Bettina pero, kilala nila ito. Ayaw nyang kinakaawaan siya. At ayaw na ayaw nitong pinag-uusapan ang wala kwenta nyang Ama. Kahit ano rin namang galit nila sa Ama nito ay wala silang magagawa. Ngunit dahil sa ayaw ni Bettina na inuungkat ang kaniyang nakaraan ay wala rin silang alam. Para sa kanila, sensitibong usapin iyon, na di na dapat inuungkat at hayaan nalang sa nakaraan.

Nagkatinginan ang tatlo at sabay sabay na napabuntong hininga. Hindi sila sanay na hindi ito nagdidiwara at hindi nag-iingay. Ilang araw kaya ito magiging ganito? Hinahanap nga nila si Chris, pero dahil sa nangyari, sinabi ni Bettina sa kanila pagpasok nito na wag na wag nilang papapasukin si Chris dahil tanggal na ito sa trabaho. Nagulat sila at kahit nagtanong sila kung anong nangyari sinasabi nitong wala. Diba napaka plastik ng vakla.

Napapairap nalang si Kiray sa isang gilid. Seryoso ito, wala naman silang magagawa at pare parehas silang may-ari nito. Parehas silang may karapatan at nirerespeto nila ang desisyon ng bawat isa.

"Ses Eva...Bakit hindi mo
i-try tawagan si Fafa Chris?" mahinang tanong ni Shakira, nagsilapitan sila dito upang hindi marinig ni Bettina na pinag-uusapan nila si Chris.

Kanina, sinalubong nito at hinahanap nila si Chris dahil nakakapanibagong di nya ito kasama, dati kasi always magkasama ang dalawang mukhang magjowa.

"Kagabi ko pa tinatawagan sya Sis, makikibalita sana ko kung nagchuchukchakan na sila ni Sis Tina, kaso wala talaga eh, cannot be reach." napanguso ang mga vakla.

"Nyoket ba kasi ayaw magkokak ng Lola mo. Ang tamlay." sabay sabay silang napatingin kay Bettina, inaayos ang mga gamit pang-gupit .

"Malamang, dahil sa nangyari kagabi rin. Ang kaso lang Sis, di natin knows kung ano pa ba ang ibang scenes. Eh buya namang itanong ko sa vakla, mukhang masyadong sensitive, mga shupatid." komento pa ni Patricia at kapuwa nila pinagmasdan ang nalulumbay na kaibigan.

Napabuga sa hangin si Shakiran "Isa't kalahating Gwapo at siraulo naman kasi ang amahin nyan eh. Hmp. Gigil ako kahit gwapo ang tatay ni Sis, kuu!"

Nakakapanibago. Ni hindi man sila nito kinikibo. Gusto nilang magtanong, sobra. Pero nahihiya sila. Sa mga panahong alam nilang galit ang kaibigan ay hindi nila 'to kinakausap. Dahil mas gusto nito ang mapag-isa at sosolohin ang problema. Ganon si Bettina at gaya ng mga nakakaraan, ayaw nyang kinakaawaan sya sa sitwasyon nya.

Sa matagal nilang pagtitig sa kaibigan ay di nila namalayang may mga costumers na silang dumating at napansin ni Bettina ang titig ng mga ito sa kaniya kaya napaiwas sya ng tingin, lumunok muna bago nagsalita.

"Baka gusto nyo akong tulungan dito."

Natauhan ang tatlo at tumayo sa kanilang inuupuan at kahit ganon pa man ay bakas pa'rin ang pag-alala nila sa kaibigan.

Bilang nakatatanda, kahit nabubuya, nilapitan ni Patricia si Bettina at hinawakan ang dalawang kamay na ikinagulat nito.

She sigh before speaking, "Nandito lang kami, Sis." bakas ang pagmamahal sa boses nito.
Gustong ngumiti at maluha ni Bettina, pero tinanguan na lang niya ito, "Di ka nag-iisa." hinaplos muna nito ang pisngi ni Bettina at binigyan ng isang matamis na ngiti, bago asikasuhin ang mga costumers.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon