One Last Mission (2)
🌻🌻🌻
"Sige Honey at Rosie, lumingkis lingkis kayo kay Chris at pagnakita kayo ni Bettina." pagbabanta ni Rex sa dalawang vaklang nakalingkis kay Chris sa isang bench.
Nasa isang park sila nila Rex, Apollo, Yuno, Honey, Rosie at Imelda. Si Apollo nakalingkis kay Rex katabi nila si Yuno, tapos si Honey at Rosie nakalingkis kay Chris sa tapat nila, si Imelda naman ay nakalingkis naman kay Rosie.
Umirap si Rosie, "So what..." aniya at inis na tinignan si Imeldang buntis, "Wag mo kong mahawak hawakan Imelda, sinasabi ko sayo..." pagbabanta nya dito.
Ngisngis lang ang isinukli nito sa kaniya. Sasabunutan nya talaga ito oras lang na manganak ang babaeng itwoh.
Tumaas ang sulok ng labi ni Honey, "Tse! Bakit? Palilingkisin mo ba ako kay Apollo?" tanong nya kay Rex.
Umakbay si Rex kay Apollo, "Hindi ren." sagot nya kaya napatawa ang kaniyang asawa.
"Hmp. Dimot."
Inakbayan ni Chris si Honey, "Asan ba kasi ang boyfriend mong si Pom?" tanong nya at naging interesado ang mga kaibigan nila.
Napangiwi si Rosie, "May boyfriend ka palang chaka ka, buti may pumatol sa'yo. Iww." umikot ang mata nya ng 365° counter clock wise.
"Hmp." 365° ding umirap si Honey, clock wise.
Humagakpak ng tawa si Rex, "Baka break na sila hahaha, weak." pang aasar nya kay Honey.
"Hmp."
"Honey has boyfriend?" tanong ni Apollo.
Ngumisngis naman si Chris, "Oo. Kita ko nga silang nag aanuhan." sagot nya at may ginawang very very censored sa kamay.
Napanguso si Honey, "Hmp."
"Nag-aanuhan?" tanong ni Yuno.
"Naglalaro ng jack n poy." at nagjack n poy si Chris at Rex habang tumatawa.
Muling ngumiwi si Rosie habang hinehead to toe si Honey, "Yak, nasikmura nya iyon? For sure, sukang suka iyon." nandidiri nyang sambit at pilit inalis ang kamay ni Imelda sa braso nya.
"Rosie na chuckie!"singhal nya kay Rosie, "Hmp. Jack n poy..." naiinis nyang panggagaya kay Chris.
Mukhang may hindi magandang pinagdadaanan si Honey na maharot ngayon.
"Kung sampalin ko kaya batok mo?" tanong ni Chris kay Honey.
"Hmp." inirapan sya ni Honey at umamba ng suntok si Chris kaya napatili ang vaklang may boobs, "Sushmitasen! Chour lang Hon!"
Ibinaba ni Chris ang kamay, "Ano nga?" usisa nya.
Nakangusong umiling si Honey, "Basta, wag na nating pag usapan iyon." aniya at yumakap kay Chris, "Huhuhu~ mamimiss kita ng super Honey~" aniya at umarte arte.
"Honey, ayan na si Bettina!" tumayo at sumigaw si Rex saka itinuro ang hallway ng park.
Napapitlag si Honey sa gulat, "Ay kiki ng bakla!" aniya at kumalas ng yakap kay Chris, "Nasaan?!" natataranta syang tumingin sa paligid.
Ngunit tinawanan sya ng kaniyang mga kaibigan. It's a prank.
"Takot naman pala." ngumingisngis na sambit ni Rex.
Napanganga si Honey, "Bwiset ka Rex!" muli syang tumingin sa paligid at hindi na muling yumakap kay Chris.
Natrauma sya kay Bettina.
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...