CHAPTER 53

1K 50 7
                                    

The two sateigashira and a kobun (1)

🌻🌻🌻

3 months later

Badtrip na lumabas ng meeting hall si Chief kasabay ang iba't ibang opisyal. Nasa head quarters sila at napagsabihan sya ng General kaya sya badtrip. Kasunod nya ang nakangising si Director Fajardo na kanina pa sya inaasar ng palihim.

Tinapik nito ang balikat nya, "Sinabi ko naman kasi sa'yo, Chief Yamazaki." sabi nito, "Tapos na, inuungkat mo pa."

Maharas na inalis ni Chief ang kamay nito, "Nasaan ang tapos doon?" may inis nyang sabi dito, "Ni hindi nyo nga nalaman kung sino ang pumatay kay Wills." napahaplos sya ng ulo.

Pinagkrus nito ang braso, "Bakit hindi mo tanungin ang alaga mo?" makahulugang sambit nito, "Sya ang primary suspect, baka nakakalimutan mo."

Huminga ng malalim si Chief, "Wala kang ibidensya, Fajardo."

Nagbikit balikat ito, "Wag mo na ding ipilit, dahil hindi ka pakikinggan ng Heneral."

Napipikon itong tiniginan ni Chief, "Iyon ang akala mo." aniya at isinuot ang police hat, "Mauna na ako."

🌻🌻🌻

Itinapat ni Bettina sa bibig ni Chris ang fishball na nakatusok sa stick, "Aking bhe~ say ahh~" aniya at agad iyong isinubo ni Chris.

Nakangising tumuhog ng kikiam si Chris at itinapat iyon sa bibig ni Bettina, "Birdie, ikaw naman oh." maarteng isinubo iyon ni Bettina at binalingan ni Chris si Uno sa kanilang baba at naupo sa harap nito.

"Baby Uno~" kinurot nya lang ang pisngi nito habang kumakain ang bata ng squid balls.

Napangiti si Bettina habang umiinom ng buko. Pareparehas kasi sila nila Chris na naka kulay pink na family shirt with strawberry print. Nakasexy shorts sya at vans shoes, si Chris nama'y black cargo shorts at combat boots, ang anak naman nilang si Uno ay black cargo shorts din saka addidas slide slippers.

Nag aya kasi si Chris na magmirienda kasama sila ni Uno. Syempre payag si Bettina at family date nanaman nila ito. Akala nya ay sa isang mamahaling Restaurant sila pupunta pero sa turo turo lang pala. Ang sarap lang kurutin ni Chris sa singit.

Naiinggit si Itlog, "Mhine ko, subuan din kita hehe." aniya at sinubuan ang bago nyang jowa.

Napangiwi si Bettina ng supsupin nito yung itlog na orange, "Mhine ko, gusto ko ay itlog mo ang isubo mo sa'kin." malanding sabi nito kaya nanlaki pa ang butas ng ilong nya.

"Yak!" hindi napigilan ni Bettina ang sarili at nagreact sya. Juice Colored? Isubo raw ang itlog nya?

Napasingkit ang mata ni Itlog na tumingin sa kaniya, "Hala sya." anito at binalingan si Chris na nakipagngisngisan kay Uno, "Boss yung syota mo ha."

Napairap si Chris at tumayo, "Alam nyo nakakabanas 'yang tawagan nyo, mine na nga may ko pa." naaasar nyang sabi at tumabi kay Bettina, "Anak ng tokwa."

Napatango si Bettina saka yumakap sa braso ni Chris.

Napairap si Itlog habang nakanguso naman ang syota nya sa tabi nya, "Boss pwede ba." may sayad nitong sabi saka hinapit ang bewang ng syota nya, "Mhine ko, hayaan mo sila isubo mo na ang itlog ko."

Muling napangiwi si Bettina sa sinabi nito, "Aking bhe, naloloka ako sa dalawang iyan." bulong nya kay Chris at itinuro ang mag jowang nasusubuan ng itlog.

Binuhat ni Chris si Uno, "Ako rin." anito at tumingin sa dalawa, "Tara ng umalis baka magkana na iyan." bulong nya kay Bettina at maarte itong yumakap sa braso nya saka sila nag simulang maglakad lakad sa daan.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon