CHAPTER 12

1.6K 67 7
                                    

Sudden Changes (1)

🌻🌻🌻

"Kuya magkano ang itlog mo?"
napaurong ang ulo ni Bettina with matching hawak sa dibdib.

Nasa isang stall sila ng isang linyang puros street food ang tinitinda. Maganda ang tirik ng araw, mainit pero, mahangin sa lugar, tunog ng makina at mga sasakyan ang maririnig. Konting usok ng sasakyan at lalo na ang amoy ng usok ng ihaw-ihaw.

"Boss Chris, pasensya na hindi ko binenta ang itlog ko hehe. Baka yang syota mo, mukhang may itlog." nangiwi si Chris sa sagot ng Manong.

Kilala sya nito dahil, lagi syang naririto at lumalamon. At medyo kakaunti lang ang may alam na pulis sya dahil lagi syang undercover, isa syang CIDG police agent. May minamantsagan sya, sila. Kaya sibilyan sila sa paningin ng iba.

"Yak!" umaktong nasusuka si Chris.

"Excuse me kuyang na mukhang kikiam. Hindi kami mag-on. Duh!" inikot ng 360 degrees ni Bettina ang kaniyang pretty eyes.

"Duh ka'rin. Ang arte mo. Buti nga nagustuhan kita dyan. Pasalamat ka..." inirapan rin sya ni Chris at hinarap ang Mamang di binebenta ang kanyang itlog.

"Hende ko nemen keshe shenebing gestehen me eke eh! Hmp!" napabulong nalang si Bettina sa isang gilid at pasimpleng na-ulul.

Tumingin naman si Chris sa Mamang itlog, "Wala kong pake sa itlog mong panot Kuya, yung itlog na orange yung tinatanong ko. "

Mukhang nasaktan si Kuya, "Grabe naman sa panot. Oh sya, syete nalang sa'yo."

"Talaga namang syete lang 'yan, Pagbalot mo'ko ng tigbenteng kwek-kwek, fishball, at kikiam Tapos singkweta nitong Chicken skin, dagdagan mo naman raw. Saka tigsampong isaw, barbeque, hotdog, at etlog. Tas tiglima lang nung ulo at paa."

Aba, iba si Koya. Bilhan yata ng meryenda ang buong bayan. Naningkit ang mga mga kyot na mata ni Bettin. Ibang klase si Chris.

Tumusok si Chris ng itlog, "Ikaw, Birdie. Kumuha ka na, anong pang hinihintay mo?"

Ligawan mo ko? charot! Pero anong Birdie?! Umirap muli si Bettina at tumusok ng kalamares, chicken skin, bituka ng manok, at kung ano pang may harina. Dinamihan rin nya ang kuha kasi naisip nyang libre naman ni Chris. Why not diba? Titignan daw nya kung galante o kuripot si Chris. Pero base sa binili ni Chris, galante nga ito. Yehey!

"Anong Birdie ka dyan?!" inis nyang tanong dito habang ngumungya.

Nagbikit balikat si Chris, "Malaki bird mo?"

"Punyemas ha?!" inambaan sya ng hampas ni Bettina ngunit hindi nito tinuloy ng umamba naman sya na bangag.

Habang ngumunguya sya ng itlog, pinanonood nya kung gaano ka timawa si Birdie nya. Napangiti sya ng beri light, pero nawala iyon ng makita nyang may mapang-malisyosong tingin sa kanya ang tinderong panot ang itlog.

Nag-f-finger heart pa ito at inginunguso si Bettina sa kaniya. Mukhang kambing! Umamba si Chris na bubuntalin nya ang tindero pero nag-peace sign ito. Ngunit may ngiting mapang-asar pa 'rin ito sa labi. Muli nyang tinignan si Birdie nya at isinandal ang katawan sa bakal ng stall. Tinitigan nyang mabuti ang binatang dalaga.

Hanggang nagyon hindi pa rin nya mawari kung bakit nya ito nagustuhan. Sa halip ay hinayaan nya nalang ang tanong na iyon. Pero bakit nga ba?

Maganda ang mata ni Bettina, kulay abo, makapal ang kilay, mahaba ang pilik mata't makapal. Matangos ang ilong nito, na pag hinawakan mo'y mahihiwa ka, manipis lang ang labi, ngunit mapula, pati ang ipin kala mo may dentista. Ang panga nito ay lalaking lalaki ang hugis. Di rin maipagka-ila ni Chris na sobrang gwapo nito kung naging lalaki lang, wala eh, pero maganda rin sya pagbabae. Dalagang binata na mahilig sa pink!

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon