Frame up (4)
🌻🌻🌻
"Lintek. Nagasgasan na..."
Napakamot ng noo si Chief pagkababa nya ng cruiser ni Mario at nakita ang gasgas sa gilid ng upuan nito. Paano'y nagmadali sila ni Boss Ponky at hindi na inisip ang mga nakagitgitang motor sa traffic kanina.
Binusangutan sya ni Boss Ponky na kababa din ng motor ni Motmot, "Gago ka. Lagot ka kay Mario." babala nya kay Chief na inirapan naman sya.
Naka Park na sila malapit sa kanilang residente at may mga sugat ang kanilang mukha. Sa totoo lang ay masakit na ang katawan nila, sa loob ng limang taon ay ngayon lang ulit silang napasabak sa ganitong sitwasyon muli.
"Ikaw nga eh nasira mo yung side mirror, tatanga tanga ka." pagbawi ni Chief at napatingin sa wasak na side mirror ng cruiser ni Motmot.
Napangiwi si Boss Ponky at umayos ng tayo, "Mas tanga ka, bobo!" sigaw nya kay Chief
Inangasan sya nito, "Bobo ka din!" dipensa pa nya at inambaan ito, "Mabulbul pa!"
Inambaan din sya ni Boss Ponky, "Panot ka lang kasi." pang iinsulto nito ,"Panot! Panot! Panot! Boom Panot!"
Parehas silang nanggigil. Lalo na si Chief na tagos na tagos hanggang bunbunan ang pang iinsulto sa ulo nya ni Boss Ponky.
Bumwelo si Chief at kinuwelyuhan ito, "Tangna mo--"
"Papa!"
Napatingin sila sa tumawag sa kaniya. Si Mhyles iyon, pawis na pawis at gulo gulo ang buhok at damit habang hawak nya ang kaniyang o katana at binabalot ng dugo.
Napatigil sila sa pag-aaway ng makita ang mga kasunod nito. Si Daisuke at ang kambal na si Chihako at Chikako. Pareparehas silang may hawak na o katana maliban kay Daisuke na dalawa ang hawak hawak at kapuwa binabalot iyon ng dugo.
"Oto-san!!" sigaw ni Daisuke sa kaniyang ama.
Naguluhan silang dalawa at binitawan ang isa't isa. Ngayon na lamang uli nila nakitang magkakasama ang mga ito. Bakit nga ba ito mga naghihikahos?
"B-Bat kayo nandi--" napatigil si Boss Ponky nang makita ang mga sumusunod na tatlong kalalakihan sa direksyon nila.
"--Punieta..." naibulong nya at bumunot ng baril, "SINO ANG MGA PUTANGINANG 'YON!?" galit na galit nyang sigaw at nagsimulang mag paputok.
Napailing si Mhyles at hinasiwas ang kaniyang katana sa kaniyang harapan, "Soldiers." sagot nya at humanda sa pag atake.
Napanganga si Chief nang simulan nilang tumungo sa loob ng compound nila Boss Ponky, "Yung bahay nyo, bulbul!" sigaw nya pa.
"Ahoka..." What the fuck.
Tila bumagsak ang balikat nila sa natagpuan. Wasak wasak ang kanilang mga bahay habang pilit na nakikipaglaban ng kanilang mga kapit bahay sa mga kalalakihan na ginigiba ang kanilang mga bahay. Nagkalat ang mga halo halong bangkay sa sahig lalo na ang dugo. Gamit ng mga ito ang sari sarili nilang katana at pinagtatanggol ang sarili sa mga gigil na pumatay sa kanila.
Nanlumo si Boss Ponky sa nasasaksihan. Nakita nya ang asawa nyang si Lili na kasalukuyang nakikipag laban gamit ang karambit. Kailangan nya itong tulungan at may sugat ito.
"Pa!" sigaw ni Mhyles, "Tara!" hinila si Chief nito at initsahan ng isa pa nyang katana sa medieval sword holder waist belt.
"Chikusho!" Damn it! Chief catch the katana and starts on slitting the body of every enemy he sees.
BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...