Follow the heat (3)
🌻🌻🌻
Gabi nang nakauwi si Bettina dahil nag overtime sya. Naabutan nya ang mag-ama nya na natutulog at magkayakap ito ng magkadikit ang noo. Biglang nawala ang pagod ni Bettina at sumampa sa kama. Kung ganito gabi gabi ang madadatnan nya ay mapapawing lahat nag pagod nya, dumagdag pa si Chris sa inspirasyon nya.
Hinagkan nya ang noo ng anak at noo ni Chris ngunit nagulat sya ng hapitin nito ang bewang nya at napapatong sya dito. Magkasalubong ang kilay nitong idinilat ang mata.
"Bat ang tagal mo?" inaantok na tanong nito at dalawang kamay na ang inilagay sa bewang nya.
Naoalunok si Bettina, "N-Nag overtime kasi ako." tinapik nya ang kamay nito, "Sige na matulog na ikaw ulit." sabi nya kay Chris at hinaplos ang buhok nito.
"Hmmm..." inamoy amoy ni Chris ang leeg nya at napasinghap si Bettina.
Lumayo sya ng kaunti,
"C-Chris, amoy pawis ako." nahihiya nyang sabi.Hinatak sya nito pahiga at ibinaon nito ang mukha sa leeg nya, "Ano ngayon." naramdaman nya ang tungki ng ilong ni Chris sa leeg, "Ang bango mo nga." sabi pa nito.
Napapikit ng ilang beses si Bettina ng dumaloy ang pawang kuryente sa buong katawan nya.
"S-Si Uno..." nag-aalangang sabi ni Bettina.
Hinimas himas ni Chris ang likuran nya, "Tulog na tulog iyan napagod kakalaro." hinagkan sya nito sa leeg, "Sige na..." nagpapahiwatig na sambit nito.
Kinilibutan si Bettina at tangkang aalis.
"P-Paliguin mo muna ako." nahihiya nyang sabi at hinarap si Chris.
Ngumisngis ito, "Mamaya ka na maligo." dinala nito ang kamay sa bandang dibdib nya at nahanap ang gusto nitong pisilin. Napakagat sya ng labi.
Sinimulang alisin nito ang suot nyang sinturon. Napasinghap si Bettina ng ipasok nito ang kamay sa loob ng pantalon nya at dinakma ang pang-upo nya at pinisil pisil iyon.
Kitang kita nya ang ngisi ni Chris, "Ang lambot, pucha..." nanggigil nitong sambit at marahang tinapik ang pang-upo nya.
Napaiwas sya ng tingin, "Chris, m-magigising si Uno." lumunok sya, "M-Maliligo na ako, matulog ka na." inalis nya ang kamay nito sa pang-upo nya at naupo sa kama saka inayos ang pantalon.
Gabing gabi ay nahahayok si Chris.
"Tsk." dismayado nitong ungot.
Napatitig si Bettina sa kaniya at nakarinig nga isang, "Meow..."
Nanlaki ang mata ni Bettina ng makitang may katabi si Uno na maliit na pusang itim!
"B-B-Bakit may pusa dito? Shooo!" binugaw bugaw iyon ni Bettina pero pinigilan sya ni Chris.
Hinawakan nito ang braso nya, "Shhh! Napulot namin ni Uno 'yan wag kang magulo." naasar nitong sabi at binitawan sya.
Nataranta si Bettina ng mapansing may aso rin palang dambuhala ang nasa tabi ng pusang iyon!
"B-Bat nandito din ang aso mo?" biglang uminit ang ulo ni Bettina, "Nakuuu! Pag bumaho ang kama namin..." pagbabanta nya kay Chris at tinignan ito ng masama.
Kita nya ang pag-irap nito sa kaniya, "Mabango 'yan, kapapaligo ko lang dyan." sabi nito at kinamot ang pisngi.
Kinurot sya ni Bettina sa hita, "Siguraduhin mo Chris, naku sinasabi ko sa'yo." naiinis syang tumayo.
Yumakap si Chris kay Uno at bumulong, "Eh kung niligo mo 'yan."
"Hmp." umirap si Bettina, "Dyan ka na nga."

BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...