CHAPTER 41

1.6K 64 36
                                    

Follow the heat (4)

🌻🌻🌻

To: Chris Aking Bhe 💕

Chris, wala akong kasama ngayon sa bahay. Ako lang mag-isa dito, gawin mo na ang gusto mong gawin sa'kin.

Kinagat ni Bettina ang daliri matapos nya iyong isend kay Chris. Ang lakas ng tibok ng puso nya habang naghihintay ng reply nito. Sana ay pumunta na ito agad ng magawa na nito ang gustong gawin sa kaniya dahil hindi ito natulog sa kanila dahil may pinuntahan daw sila nila Bok kagabi. Sa totoo lang kasi ay miss na miss na nya ito, kahit nakita naman nya ito kahapon.

Nakahiga sya sa sofa bed nila sa sala at kumakain ng ubas. Bagong ligo lang sya at nakasuot lang ng pink na maikling roba at syempre, nakathongs nanaman ang lola nyong makyoders.

Naramdamaman nyang nagvibrate ang phone nya kaya naratanta syang binuksan iyon at biglang kinilig, na si Chris pala iyon at nagreply na.

From: Chris Aking Bhe 💕

Sige

Napataas ang kilay ni Bettina sa reply nito. Sige lang? Sige? Pero okay na din siguro iyon at least ay pupunta ito sa kanila. Napangiti ng malandi si Bettina at naglagay ng lip balm na strawberry flavor at nag wisik ng kamasutra's perfume. Inorder nya iyon online, kita nya kasi sa mga feedback na effective daw iyon sa partner, kahit anong age. Mabuti na lamang at may ganito pabango, nagdidiwang ang mga vaklang katulad nya.

At kaya namang wala ang kanyang mga kasambahay ay nagmall ito at hindi sya sumama at masama raw ang pakiramdam nya, ngunit ang totoo may masama lang talaga syang balak.

Mayamaya'y may narinig ng bumusina si Bettina mula sa kanilang labas, natataranta syang sumilip sa camera ng phone at inayos ang buhok saka ngumuso nguso doon, kumuha sya ng apple. Iniayos din nya ang suot nyang bathrobe saka huminga ng malalim bago labasin si Chris.

Napasingkit ang mata ni Bettina ng bumababa ito ng kaniyang flamed chopper motor. Sumandal sya sa pintuan at pinagkrus ang mga hita habang tinititigan si Chris. Nakasuot ito ng tank black shirt at kitang kita nya ang maganda nitong braso, boyfriend ripped jeans at nakacombat boots. Bago ito lumapit sa kaniya ay pinunasan pa nito ang motor nya, grabe ang alaga sa motor.

Sana motor na lang din sya para lagi sya nitong nasasakyan.

Kinagat ni Bettina ang apple, ng may panlalandi habang nakatingin kay Chris na lumingon sa kaniya at ngumisngis na. Nilapitan sya nito habang pawis na pawis. Ngumunganguya namang si Bettina ng dahan dahan at tinignan ito ng may pagnanasa.

"Nasaan sila?" bungad nito sa kaniya at dirediretsong pumasok sa bahay nila.

Napahinto si Bettina sa paglalandi at pagnguya at nilingon si Chris na nakaupo na sa couch at saka naghubad ng damit, mabuti na lamang ay naka sports bra ito kung hindi ay sinunggaban na nya ito.

Nakangiwi syang bumalik ng upuan at dimikwatro doon. Nakita nyang nagpapaypay si Chris gamit ang damit nitong iniikot ikot sa hangin. Kakausapin na sana sya nito ngunit bigla itong tumayo at pumunta ng kusina saka kumuha ng tumbler at uminom ng tubig.

Sinundan ito ni Bettina at hindi sya nawalan ng pag-asang maaakit si Chris sa kaniya. Kaya ang ginawa nya ay lumapit sya rito habang ito ay umiinom at pinunasan ang pawis nito gamit ang kamay nya.

"Pawis na pawis ka..." aniya gamit ang humahalinang boses.

Nagsalubong ang kilay ni Chris at ibinaba ang tumbler.

Pinunasan nito ang bibig, "Nasaan sila Uno? Bat wala sila?" tanong nito at hinarap sya.

Ginamit nya ang damit nito pamunas ng pawis sa likod. Muling uminom ng tubig si Chris.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon