CHAPTER 44

1.3K 57 36
                                    

The Rosamond's (3)

🌻🌻🌻

Isang linggo matapos ma-engaged si Rex at Apollo ay sinabi na agad nila ito sa kanilang mga magulang. Walang tumutol at tuwang tuwa ang Lola Ningning nya pati ang Mom at Dad nyang kasalukyang nasa States, ang mga magulang ni Apollo ay wala ding masabi at mga handa na itong lumipad ng pilipinas. Papauwi na lahat ng mga ito.

Si Achi na kanila ng anak ay ang pinaka natutuwa, napaiyak si Rex kahit tulala sya at hindi nya alam ang nangyayari. Naiiyak sya kasi na budol budol sya ni Apollo. Putanaydang Apollo, binabawi nga nya ngunit tuwing sasabihin nya iyon ay may nangyayari sa kanilang dalawa.

Hindi pa din ito alam ni Chris dahil babawi sya, sukat di agad sinabing sila na ni Bettina sa kaniya. Dapat magulat din si Chris. Ipinatawag nya ang THE BUTCHELORS sa kanilang headquarters. Sinabi nya sa gc na may isa syang malaking announcement, lahat ng leaders ay kailangang nandoon. Tuwang tuwa naman ang mga uto dahil napakaraming pagkain na pinahanda ni Apollo.

Gusto raw kasi nitong magpaimpress sa mga katropa nya. Wala na talaga syang magagawa. Ayaw na syang pakawalan ni Apollo, nagbabanta itong bubuntisin daw sya ng lima pagsinubukan nyang tumakas.

Kasalukuyang magkaholding hands silang dalawa ni Apollo parehas silang bihis pang lalaki at nakakatuwang isipin na sinasabi ni Apollo na magpapakasal sya sa isang kapwa nya lalaki. Hindi nya maiwasang matuwa sa kapilyuhan nito.

Rinig na rinig nila ang ingay ng THE BUTCHELORS pagkapasok palamang nila sa loob ng kanilang headquarters, malaki iyon, para syang beer house at kulay pula at itim ang theme. Itinayo ito ng founder ng kanilang fraternity. Secret muna kung sino iyon syempre.

Bumungad sa kanila ang mga nagbibilliards na mga katropa habang mga umiinom ng beer at naroon na rin ang mga lalagyanan ng pagkain na dinala nila at ubos na iyon. Napakaingay nila at mga nagmumurahan pa. May mga nagbabaraha din at nagvavape din.

Humigpit ang kapit ni Apollo sa kamay nya kaya napatingin sya dito. Tila gulat ito sa nakita.

"Ganyan talaga sila, masanay ka na." tinapik tapik nya ang braso nito.

Napahinga ng malalim si Apollo at tumango, "Would they like me, my beaut?" he ask.

Apollo use to call her 'my beaut'. Cecilia is that beautiful to his eyes, though he looks so manly with a big breast. Rex never mind of those, but the most important thing is that, they're getting married. Rex is very confuse, she really thought he will stop asking her to marry him! Of course! Now that she said yes, so funny of his beaut.

Napairap si Rex, "Ewan ko lang sa mga hayop na 'yan." aniya at tinitigan ang mga yobmots na mga nag-aaway na dahil sa pandaraya ni Mhyles sa black jack.

Nagbikit balikat si Apollo at nilapitan sila. Napatingin si Mario sa kanila habang may hawak hawak na bola sa billiards.

Nanliwanag ang mukha nito ng makita sila, "Bossing!!!" sigaw nito, nagtatakbo at dinamba sya ng yakap.

Napatingin naman ang iba at nagsisunudan na din, "Bossing Rex!!" hiyaw ng mga ito at dinamba sya ng yakap at napahiga sila sa sahig.

Napanganga si Apollo sa nasaksihan. Napatingin sya kay Chris na all black ang suot at nakacombat boots ito. Nakasingkit ang mga mata nito habang tinitignan sya nito.

"Hi, Chris." bati nya dito.

"Apollogize?" nagsalubong ang kilay ni Chris, "Magkasama kayo ni Rex?" di nya makapaniwalang tanong.

Nakangiting tumango tango si Apollo, "Yeah."

Tumayo si Mario at tinignan si Apollo, "Bossing sino itong kasama mo, bagong Recuit?!" pinagmasdan nyang mabuti si Apollo, "Wow mukhang lalaki syang tunay!" pagpupuri nya dito.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon