Fathers Day Special

1.2K 70 32
                                    

What is the real basis of being a Father?

FIVE YEARS AGO

🌻🌻🌻

“Sige na mga sisters, babye~”

“K Ingat Sis, baka marape ka hehehe.”

Inirapan muna ni Bettina si Shakira bago tuluyang tumalikod at tahakin ang daan. Alas sais na ng hapon ngunit hindi pa naman ganoon kadiliman, ganito ang oras ng uwi lagi ng baklitang si Bettina at ang mga kaibigan nyang churvalurs. Nagt-trabaho sila sa isang Parlor—— Sunflower's Touch, na kung saan ang may ari ay isang sikat na Parlorista sa lugar nila, marami silang estudyante doon. Gustong gusto nya talagang maging isang sikat na make up artist balang araw. Di naman sya nawawalan ng pag-asa. Kahit anong mangyari, basta para sa pangarap, go go go!

Napabuntong hininga sya, itinuloy muli ang paglalakad. Kailangan rin nyang kumita ng marami kaya sumasideline sya sa pagtitinda at pagdedeliver ng tinapay ng bakery ni Mamita, gigising sya ng madaling araw, magmamasa at kung ano-ano pa. Dumadami na din silang magkakapatid, at kahit papaano'y gusto nyang mapagtapos ang mga ito ng pag-aaral, kagaya nya. Pero, mas gusto nya ang beauty care. At doon sya mas masaya hindi ang pagpopolitika.

He don't want to be his dad, a dictator. He never wanna be like that. He will be the person he wanted to be, though there will be many struggle he'll encounter. He'll be his own self. Free. No one could ever dictate to him but his heart. He smiled. He may never forget that scenarios, still he wanted to move on, let your past behind you and continue moving forward.

What about, forgiveness? Well, for Bettina. It is hard, yet it takes time to mend a broken heart. His own family caused him too much pain. That every night he always remember. Kung paano sya itakwil ng sarili nyang ama. Matagal na nyang itinatago ang tunay nyang kasarian, mula nung bata pa sya, alam na nya kung ano sya. Sadyang kilala nya ang ama kaya nya nagawang itago iyon ng matagal na panahon. Ngunit walang sikretong hindi na bubunyag. Tama nga ang pagkakilala nya sa ama.

A real father will never, ever let his child get hurt. Akala nya walang magulang na hindi matitiis ang anak. Nagkamali sya. Meron pala. Napangiti sya ng mapait. Reality sucks. For the past five years, no one of his relatives came to him or just ask him, if he's okay. That how his father works. Too harsh.

Kaya ipinapangako nya sa sarili nya, na if ever, if ever he'll be a parent someday. He will never ever do that to his child. Never.

A few minutes after, Bettina heard something. A little voice, a cry, a baby's cry that's from an alley from his right.

Nagsalubong agad ang kilay ng dalagang binata at sinundan ang tinig. Bigla syang kinabahan. Shocks! Ano 'yon? Pusa? Napahawak sya ng dibdib, baka kasi mamaya ay pusa iyon o tiyanak or something na bigla na lang syang dagitin, medyo madalim na rin lang at pwede na syang mag-isip ng kung ano ano.

Natagpuan nya ang isang kahon, kung saan ng gagaling ang tinig. Kumabog ng malakas ang dibdib nya ng papalapit sya dito. Dahan dahan nyang dinungaw iyon pero napapikit sya ng mariin ng lumakas ang iyak doon.

Shocks! Mamma! May bata! May bata! Ohmyghad! Tumingin muna sa paligid si Bettina bago silipin ang laman ng kahon.

“WAAAHHH!“ napaupo sa gulat ang bakla, ”M-MAY TIYANAK!!”

Naisip ni Bettina, araw ng mga patay ngayon baka namumulto lang sya or what.

Napapikit sya ng mariin at muling dahan dahang nilapitan ang kahon na may bata, halos manlumo si Bettina sa kaniyang nakita.

Isang sanggol.

Nakadilat na ito at kitang kita ni Bettina ang kulay abo nitong mga mata, sanggol pa lamang ay may future na ang ilong, ang pupula ng labi, at ang puti puti nito, pawang ipinaglihi sa pipino.

Switch Series 1: Constantly Yours,  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon