A Secret (1)
🌻🌻🌻
"H'wag kang malikot at masasampal ko bunbunan mo." masungit na sabi ni Boss Ponky.
Kasalukuyan nyang tinatahi ang sugat Chief na nakahiga sa isang lamesa sa loob ng isang tent na ginawa nila pampalipas ng mga ilang araw. May sigarilyo silang dalawa ni Chief sapagkat pampaalis nila iyon ng bagabag lalo na sa nangyari sa kanilang lugar.
"Ang tagal naman kasi." naiinip ni sambit ni Chief at bumuga ng usok, "Susunugin ko bangkay ng putanginang gumawa nito sa'kin." nagsimulang dumilim ang kaniyang aura at muling humithit ng yosi.
"Kadaldal mo." ani Boss Ponky ang diniinan ang karayom sa kaniyang laman.
"Aray!" daing ni Chief, "Dahan dahan naman." sabi nya habang nakangiwi.
This is some sort of acupuncture. Dim mak.
Napairap si Boss Ponky, "Kabobohan ang tawag dyan." sambit nya at nagpunas ng kamay ng matapos sya.
"Hayop ka." asik ni Chief sa kaniya at nagkumot, "Sabihin nyo sa'kin pag nandyan na si Chris." dagdag pa niya at nagtalukbong ng kumot.
Nagsalubong ang kilay ni Daisuke na nakatayo sa labasan ng tent at binabantayan sila, "Naze desuka? Lazaro-jiisa--
Lazaro-sama?" agad nyang pagbawi at hinawakan ang bibig.Naiinis na inalis ni Chief ang kumot sa mukha, "Sasakalin ko na anak mo, bulbul." pagbabanta nya at nahiga ng maayos, "Basta, sabihin nyo kapag nandyan na sya hehe." ngumingisngis nyang sabi at nagtalukbong muli.
Napatampal ng noo si Mhyles, "Papa talaga."
Sinamaan sya ng tingin ng mga kasama nya sa loob. Hindi talaga sila makapaniwala napulis itong si Lazaro.
"Hehehe..." bungisngis ni Chief habang nakatalukbong ng kumot ang buong katawan.
"Tarantado." ani Boss Ponky habang hinihimas ang balbas nya. Sa loob loob nya ay maganda ang ideya ni Lazaro na Panot.
🌻🌻🌻
"Nasaan si Chief?" bungad ni Chris sa kanila pagpunta nya ng compound nila Boss Ponky. Napakaraming bangkay ang nakahilera doon at may isang tent na malaki sa gilid.
Nakayuko sila Boss Ponky, Daisuke, Chihako, Chikako at Mhyles na sinalubong sya habang malulungkot ang mga mukha.
Kaagad nya itong nilapitan, "Huy. Daisuke-kun!" aniya at tinapik ang mga balikat nito, "Mhyles-chan!"
Dahan dahan ang nga itong tumingin sa kaniya at mga nagtutubig ang mga mata. Nagtataka itong tinitigan ni Chris at mga mukhang nalulumbay ng sobra.
"O-Onesan..." nauutal na sambit ni Daisuke habang nakalabi.
Nagsalubong ang kilay ni Chris, "Ano?"
Hindi ito sumagot at muling yumuko kaya nilapita nya ang kambal, "Chiha-kun, Chika-kun..." sabi nya at hindi sya nito sinagot bagkus nagyakapan pa ang dalawa.
Nag angat ng tingin si Mhyles at maluha luha syang tinignan, "D-Dad didn't make it..." pag arte nya at pinunasan ang mga mata.
Nanlaki ang mata ni Chris,
"H-Huh?"Kaagad yumakap si Boss Ponky sa kaniya at humagulgol habang nakatakip sa bibig.
"B-Bunso..." anito at humikbi, "W-Wala na si Panot..." deklara ni Boss Ponky at umiyak.
Napanganga si Chris, "P-Po?" kinakabahan nyang sabi at nagsimulang mataranta, "Nasan po si Chief!?" tanong nya kay Boss Ponky at inalog alog ang mga braso nito.

BINABASA MO ANG
Switch Series 1: Constantly Yours,
HumorBrook "Bettina" Thompson Jr never felt being treated special by someone, until Christina "Chris" Lumaban shows him what it is likely to be in love. Although their genders are opposite of they usually desire to be with. Will they be able to make th...